Mabilis na bumalik si Hugo sa banyo bago ko binalikan ang pinto. Napabuga ako ng malalim na paghinga bago ako nagsalita. "Sino 'yan?" tanong ko. Batid kong si mommy pero gusto kong makasigurado kung ito nga ang nasa labas ng silid. "Ma'am, si Meralpas po 'to?" tinig nito. Bigla ay nawala ang kaba sa dibdib ko at mabilis na binuksan 'yon. "Yes, may kailangan ka ba?" untag nito. "W-Wala naman, ma'am pero parang may nakita akong anino ng kasama mo kanina rito. Ayos ka lang ba?" untag nitong may pagdududang tumingin sa loob. "Ha? Ahmmm, baka naman si mommy, kagagaling niya lang kasi dito," mabilis kong sabad saka tumingin sa bintana at doon ay nakita kong hindi ko pala naisara at tanging ang seethrough na double nito ang nakaladlad. "Ganoon po ba? Okay, ma'am sorry kung kumatok ako. I ju