Chapter 5: The Acquintance Party

1523 Words
Tuloy-tuloy ang aking hakbang patungo sa botanical ng university. Doon ay walang gaanong tao, nang nasa kubling bahagi na kami ay agad ko siyang hinampas ng libro. Nanggigil talaga ako. "Ano ba Kath," salag nito. "Nakakainis ka! Nakakainis ka!" saad ko habang hinahampas ko ito. Inagaw niya ang hawak kong libro, napatigil naman ako at tila napagod sa ginawa ko. Kapwa kami natahimik, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang inis ko kay Hugo. "Naganti ka 'cause I accepted Kenneth invitation?" tingin ko sa mata nito. Nagbaling ito pero hinawakan ko ang mukha nito. Napalunok ito. "Are you jealous?" tahasang tanong ko pa. "Kapag sinabi kong oo," matatag na turan nito. Tumawa ako. "So, pinagtatawanan mo na ako ngayon?" gagad nito. "No! Silly, nagseselos ka sa pag-accept ko ng invitation ni Kenneth. Well, ginawa ko lang naman iyon una for school at sak ayaw kong makahalata sina mommy. Anyways, she keeps asking if may nanliligaw raw ba sa 'kin. At least with Kenneth invitation hindi maghihinala si mommy about us," paliwanag ko kay Hugo. Ginagap nito ang kamay ko to say sorry, ngumiti na lamang ako bilang tugon. Umalis na kami roon dahil may isang subject pa ako bago kami mag-uwian. Pabalik na kami sa aking klase nang isang pamilyar na mukha ang aming makakasalubong, hindi pa man kami nakakalapit at kita na ang nakakunot nitong mukha. "So, ikaw na pala ang dakilang yaya ng babaeng 'to!" bulalas ni Cherry. Simpleng nilingon ko si Hugo pero tila walang balak sagutin o barahin si Cherry kaya ako na ang gumawa. "Hindi ko siya yaya," salag ko kay Cherry. "O, wow, nasagot pa ang bastarda," pang-iinis ni Cherry. Napakuyom ang aking kamao dahil sa talas ng dila nito, akmang babarahin ko na ito nang pumagitna si Hugo. "Cherry, ano bang ginagawa mo rito? Kung nandito ka upang manggulo ay makakaalis ka na!" madiing wika ni Hugo kay Cherry. "Hindi mo ba alam?" maang na tanong nito. "Ay, oo nga pala, mula nang maging yaya ka ng bastada na 'yan ay wala ka na ring pakialam sa 'kin," parunggit nito. "From now on, dito na ako mag-aaral," nakangising tugon ni Cherry. "Stop calling me, bastarda, ikaw—" putol na turan ko nang bigla na lamang akong hilain ni Hugo. "Let's go, ma'am, mali-late ka na sa huli mong subject," anang nito. "Pero—" tutol ko pa habang pilit na nililingon ang kinatatayuan ni Cherry. "Ma'am, inilalayo lang kita sa gulo. Sige na," bulalas ni Hugo. Ramdam na ramdam ko ang concern sa mukha ni Hugo kaya hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy na lamang sa aking klase. Mukhang hindi titigil ang Cherry na 'yong guluhin ang buhay ko habang nasa 'kin si Hugo. Gaya ng dati ay nasa labas ng classroom si Hugo at matiyagang naghihintay sa 'kin. Nakasanayan na rin ng aming titser at kamag-aral na makita siyang nakatayo sa labas. Pagkatapos ng klase ay dumeretso na kami ni Hugo sa parking lot pero tila walang balak si Cherry na tantanan kami dahil agad kaming sinalubong kasama ang bodyguard nito. "Cherry, ano na naman bang kailangan mo?" inis kong salubong dito. "Wow, matapang pa talaga ang bastardang 'to," inis ni Cherry. Napatingin si Hugo sa bodyguard ni Cherry, mukhang kilala niya ang lalaki kaya nag-usap ang dalawa. Inirapan ko na lamang si Cherry dahil wala akong balak na patulad siya gaya ng ipinangako ko kay Hugo kanina bago ako pumasok sa huli kong klase. "Huwag kang umastang magugustuhan ka ni Hugo, nasunod lang siya sa 'yo dahil kay papa," bulalas ni Cherry. 'Nagkakamali ka d'yan,' anang ng aking isipan. "Really? Don't dare me, Cherry, baka magsisi ka?" pang-iinis kong wika. Tumawa ito na tila hindi nabahala sa aking pagbabanta. "Wow, sa bagay ano naman ang aasahan mo sa anak ng isang kabit, for sure kasing landi rin ng—" putol na turan ni Cherry nang sasampalin ko sana pero maagap na naharapan ni Hugo ang aking kamay. "Hindi magandang dito kayo mag-eskandalo, tiyak naapapahiya ang papa niyo," bulalas ni Hugo na halatang galit na. Hindi nito binitiwan ang kamay kong hawak, bago kami tinungo ang kinapaparadaan ng aming sasakyan ay binilinan nito ang bodyguard ni Cherry. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Sandoval, iuwi mo na lang siya," ani Hugo sa bodyguard ni Cherry saka ibinaling ang tingin sa babae. "No, ayaw ko pang umuwi, Sandoval, dalhin mo ako sa bar, gusto kong uminom," bulalas ni Cherry habang titig na titig kay Hugo na tila tinatantya ang kanyang magiging reaksyon. Natahimik ako, hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong tila may pag-uusap sa mga tinginan nina Hugo at Cherry. 'Nagseselos ba ako?' tanong ko sa aking iisipan. "Bitiwan mo nga ako," banas kong pukaw sa atensyon ni Hugo. Hindi pa rin nito binitiwan ang kamay ko at nagmamadaling hinila ako patungo sa sasakyan. Nang makapasok ako ay hindi ako umimik at hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Pansin ko ang panaka-nakang tingin ni Hugo sa 'kin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "G-Galit ka ba sa 'kin?" nag-aalangang tanong nito. "Galit? Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" may kataasang boses na tugon ko rito. "D-dahil sa nangyari kanina," maang pa ni Hugo. "I'm not," ikling turan ko pero hindi pa rin ako tumitingin dito. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko dahil hindi man lang ito nagpumilit at hindi na nagsalita pa. *** Sumapit ang acquaintance party namin ay masaya akong inaayusan ni mommy. "Ang ganda-ganda talaga ng baby ko, mana sa 'kin," anito saka kami nagtawanan. May alam si mommy sa cosmetic dahil may parlor daw noon ang kaibigan niyang si Mamu Gunding pero noong na inlove si mommy kay daddy ay napahiwalay na sila. Huling balita ni mommy ay nakapag-asawa ng foreigner si mamu. Kunulot nito ang laylayang ibaba ng hanggang balikat kong buhok, inayos nito ang mala-hugis puso kong mukha at ekspertong pinalamutian iyon. Napakaganda ko nga at habang nakatingin sa salamin ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Naalala ko si Hugo, ini-imagine ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita niya ako. "Sige na, anak, mag-aalas-siyete na, isuot mo na ang gown mo," excited na wika ni mommy. Tuluyan kong sinuot ang aking princess inspired gown na pinasadya pa talaga ni mommy para sa 'kin. Napakaganda ang nude pink nitong kulay at tiyak ako ang magniningning sa gabing 'yon. Hindi 'yon tipikal na princess gown dahil sabi ni mommy ay dalaga na ako kaya she made some twist sa design nito. Glittered top and they cut off the feathered like till an inch up of my knees. Emphasizing my firm legs match with glittered high heels. Very sophisticated ang dating ko sa gabing iyon. With matching glittered purse na saktong-sakto sa outfit ko. Nakailang ulit akong umikot sa harap ng full body size mirror namin hanggang sa maisip ko si Hugo. "Mommy, ayaw ko ng bodyguard ngayong gabi," kunwaring turan ko rito. Tumaas ang kilay nito. "Pero anak, hindi pwede," giit nito. Naisip ko na rin namang tatanggi talaga si mommy. "Mommy, how could I enjoy, kakausapin ko si Hugo," giit ko kuno saka nagmamadaling tinungo ang barracks nito. Hindi ko na narinig ang tugon ni mommy, basa pinto na ako ng barracks nito nang biglang bumukas 'yon at lumabas mula roon si Hugo. Nabigla ako at ganoon din naman siya. Maya-maya ay napangiti ako. Ang guwapo nito sa suot na tuxedo, mas papasa itong partner ko ngayong gabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" maang na tanong ni Hugo sa 'kin. Humakbang ako papasok sa silid nito saka ako yumakap sa kan'ya. "I want you to be my first dance ngayong gabi," senswal kong bulong rito. Napangiti ito saka inilahad ang kamay sa harapan ko, masuyo kong ibinigay ang aking palad at doon ay magkayakap kaming sumasayaw sa saliw ng tambol ng aming mga puso. "You're so beautiful," bulong ni Hugo sa 'kin. Bahagya kong nilayo ang mukha ko sa dibdib nito upang makita ko ang guwapong mukha nito. "Thank you," tugon ko saka muling yumakap nang marinig ang pagtawag ni mommy. Mabilis kaming naghiwalay at lumabas na ako bago pa kami makita ni mommy na magkayakap. "Nand'yan na si Manong Rudy, bilis na " tinig ni mommy. Kunwari ay laylay ang balikat kong bumalik. "Ano'ng sabi ni Hugo?" "Ano pa nga ba, order ni daddy," kunwari ay busangot kong sagot. "Sabi ko na sa 'yo, enjoy mo na lang. See, ang guwapo ng bodyguard mo, tiyak din na guwapo si Kenneth kaya huwag ka nang bumusangot diyan, anak," ani mommy. "Hugo, bantayn mo itong batang 'to at baka kung ano pa ang gawin nito roon," bilin pa ni mommy na paniwalang-paniwala na ayaw kong kasama si Hugo. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay naramdaman ko ang paggagap ni Hugo sa aking palad. Hindi ito tumingin sa 'kin dahil ayaw nitong mahalata ni Mang Rudy pero napangiti ako sa ginawa nito. Pinisil niya ang kamay ko at pasimpleng tumingin sa 'kin. Hindi tuloy maiwasang mahulog ang puso ko sa ngiti nito. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni daddy pero mahal ko na yata ang aking army bodyguard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD