Tumigil si Hugo at tumingin sa 'kin sa aking mga nasabi dahil sa nag-uumigting kong damdamin.
"May mali ba akong nasabi?" tanong ko rito.
"Gusto mo ba ako dahil sa s****l satisfaction mo?" tanong nito.
Agad akong umiling. "Hindi. Gusto kita, iyong buong ikaw," usal ko rito. "Ikaw ang nakauna sa 'kin alam mo 'yan," anas ko pa.
Muli nitong nilapat ang labi nito, nananakam dahilan upang mas lalo akong masabik. Mabilis ko iyong hinuli at sinibasib ng halik. Tumugon naman ito at mas lalong nag-alab ang aming mga damdamin. Naging mas mainit pa ang dampi ng labi nito sa aking balat, tila puspurong nagninigas sa konting kaskas ng aming katawan.
"Ohhh! Na-miss ko ito, walang gabing hindi ko iniisip ang unang gabing inangkin kita," bulalas na saad ni Hugo nang maghari ang pagnanasa nito sa katawan.
"Ako rin, sa bawat araw na kasama kita. Alam mo bang gustong-gusto kitang yakapin pero tila kay layo mo," sagot ko naman.
"Sorry, Kath, I'm just doing my job," anito saka muling naglakbay ang labi nito sa aking katawan. Muli ay dinala ako nito sa langit nang marating nito ang kinatago-tago kong hiyas.
"Ohhh!" ungol nang maramdaman ko ang dila nito sa aking hita pataas. Habang pataas nang pataas iyon ay siyang pag-iinit ng buong kaibuturan ko.
Tumingin ito sa aking mukha bago ibuka ng tuluyan ang aking hita. Ngumiti pa ito dahilan upang lumabas ang biloy nito. Mabilis na tumapat ang mukha nito sa aking mukha habang ang daliri nito ay nilalaro ang hiyas kong namamasa na.
"You're so beautiful," usal pa nito saka muling bumalik sa pagitan ng aking hita.
"Ohhh, sh*t, uhmmm," ungol ko nang muli nitong halikan ang aking hiyas. Hindi ko alam kung bakit tila dinadala ako noon sa ibang dimensyon ng mundo, nakakalunod ang ligayang dulot noon, nakakahibang at para akong naadik.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito nang muling sakupin ang labi ko. Ngumiti ako rito bilang tugon. Tigla biglang nagliwanag sa aking isipan ang mga eksena sa romance novel na aking binabasa at mabilis kong pinaibabawan si Hugo na nagpangiti rito.
"Let me do it for you," pilya kong turan rito. Napangiti ito at kapwa kami nagngitian. Mabilis kong hinawakan ang armas nito at napaungol pa ito habang tumirik ang mga mata sa kasarapan. Tinutok ko iyon sa aking lagusan at napaliyad ako nang tuluyang pumasok ang malaki niyang it*ts. Ibayong ligaya ang pinalasap nito sa 'kin hanggang sa hawak na nito ang aking pang-upo at mabilis na ang pagtaas-baba ko sa may kalakihan nitong armas. Nang mapagod ay mabilis niya akong inihiga at ito naman ang umibabaw sa 'kin at patuloy ang pagbayo nito.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ito ng mahigpit, baon ang kuko ko sa likod dahil sa higpit ng kapit ko dahil para akong lilipad sa lakas ng pag-angkin nito. Sa kabila nang marahas na pag-angkin nito ay tila sarap na sarap pa ako. Nababaliw akong muli siyang makasama.
'Sh*t, Kath, hindi ba't gusto mo lang siyang akitin? Bakit ikaw yata ang nababaliw sa kanya?' sermon ko sa 'king isipan.
Nang muling angkinin ni Hugo ang aking labi ay muli na namang natupok ang matino kong pag-iisip at napalitan ng pananabik sa nais nitong gawin sa 'king katawan.
Patuloy ang pagbayo niya sa 'kin dahilan upang kapwa ungol namin ang pumupuno sa apat na sulok ng barracks nito.
Kapwa namin narating ang langit sa piling ng isa't isa, nakangiti akong yumakap kay Hugo saka ipinikit ang aking mga mata dahil pagal at pagod ang aking katawan.
***
Kinabukasan ay ang yugyog ni Hugo ang gumising sa 'kin. "Sh*t!" dinig kong mura nito.
"Bakit? Anong nangyayari?" pungas na tanong ko rito.
"Gising na ang mga magulang mo, narinig ko ang sasakyan ng daddy mo," ang nag-aalalang tinig ni Hugo na hindi malaman ang gagawin.
Sa narinig ay mabilis akong bumangon, baka kasi ay puntahan ako ni mommy sa 'king silid kaya nagmadali na akong isinuot ang nighties ko at hindi ko na inabalang hanapin pa ang panty ko. Mabilis akong pumasok sa kusina at nagsalin ng tubig dahil bigla ay naugaw ako. Halos himatayin si mommy nang makita ako roon. Kapapasok lang nito mula sa labas ng bahay at malamang ay hinatid si daddy.
"Diyos ko naman, anak, papatayin mo ako sa gulat. Bakit ka naririto?" gulat na tanong nito.
"A, e, nauhaw ako mommy," kaila ko.
Napakunot-noo ito. "'Di ba may tubig ka naman sa silid mo?" nagdududang tanong nito.
"A, oo pero gusto ko ng malamig, narinig ko rin kasi kayo ni daddy," patuloy kong kaila kay mommy.
"Akala ko ay tulog ka pa kaya sinabi ng daddy mo na huwag ka na naming gambalahin. Kaaalis lang niya," saad nito.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa, mabuti na lamang talaga at hindi nila ako pinuntahan sa aking silid kundi ay malalaman na nila ang sekreto namin ni Hugo.
"Ganoon ba mommy, okay. Balik na ako sa silid at—"
"O, bakit bukas ang pintuhan dito?" anito sa pintuhang pinanggalingan. "Sinara ko naman ito kagabi?" dagdag pang usisa ni mommy.
"A, kabubukas ko lang po. May narinig kasi ako nabagsak. Akala ko ay gising na si Hugo. Wala naman, iyong pusa lang ng kapitbahay," pagsisinungaling ko.
"O, siya, magsisimula na akong magluto. Ikaw naman ay maligo na at may pasok ka pa," ani ni mommy.
Doon ay mabilis na akong pumanhik sa aking silid. Napangiti pa ako dahil naiwan ko pa ang panty ko sa silid ni Hugo sa kamamadali. Dumungaw ako sa bintana ko pasilip sa barracks ni Hugo. Hindi ko ito kita pero napapangiti ako dahil hindi ko man aminin ay nahuhulog na ang puso ko rito.
'My God, Kath, ano bang iniisip mo, nq nagkakagusto ka na sa kanya?' tutol ng aking isipan.
***
Pagpasok ko sa eskuwelahan ay napansin kong kahit medyo pormal pa rin si Hugo pero kapuna-puna ang minsanang pagngiti nito kapag napapadapo ang aming mga tingin. Hindi ko maikukubling umiibig na yata ako sa aking bodyguard. Sa bagay, sino ba naman ang hindi iibig dito lalo pa at ang guwapo nito. Sa totoo ay marami akong kaklase at ka-school mate na nakatingin dito kapag nasa loob kami ng school campus. Very professional ito at ayaw lumabag sa batas ni daddy kapag nasa labas kami lalo na sa school.
Minsan katatapos lang ng klase ko at nakasunod ito habang papunta ako sa canteen nang may naglakas loob na kaklase kong lumapit sa akin, si Kenneth.
"Kath," tawag nito sa 'kin.
For the first time ay may lumapit sa aking kaklase ko dahil alam kong nai-intimidate ang mga ito kay Hugo.
"Kenneth, hi, may kailangan ka ba?" ang friendly kong sagot dito.
Bakas ko sa mukha ni Kemneth ang pag-aalalangan, guwapo si Kenneth at galing din sa may-kayang pamilya. Tumingin ito kay Hugo at batid kong nag-aalangan nga ito kaya ako na mismo ang lumapit rito.
"May kailangan ka ba?" ulit kong tanong dito.
"A. may partner ka na ba sa acquaintance natin?Uhmmm, nagbabakasali lang baka—" alanganing saad nito.
Lumingon ako kay Hugo, pormal ang mukha nito at blangko 'yon, hindi mo kakikitaan ng anumang emosyon kung nagseselos ba ito o hindi.
Bumalik ang tingin ko kay Kenneth saka ako ngumiti.
"Sure," tipid kong sagot. Nabakas ko naman ang tuwa sa mukha nito.
"Talaga! Yes! Thanks, Kath, susunduin ba kita or—" putol na wika nito nang sumabad si Hugo.
"No need! Doon na kayo magkita," pormal na sabad ni Hugo rito.
"Y-Yeah, yah, doon na lang tayo magkita. No worries, darating ako," segunda kong wika kay Kenneth sabay nang palakaibigang ngiti rito.
Nang balikan ng tingin ko si Hugo ay gaya pa rin ito ng dati, walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Parang nainis pa tuloy ako dahil hindi man lang ito nagselos o nagalit nang paunlakan ko ang paanyaya ni Kenneth.
Nang makaalis si Kenneth ay siniko ko siya ngunit hindi ito nagsalita kaya nagmamadali na lamang akong tinungi ang kantina at sumunod naman itong walang imik.
Sa canteen ay gaya nang gawi namin ni Hugo, magkatabing mesa ang inookupa namin. Nang may naglakas-loob na babaeng umupo sa mesa ni Hugo.
"Hi, would you mind if I join you?" maarteng na boses ng babae rito.
"Sure, have a seat, " agad na turan ni Hugo na hindi man lang siya nito tiningnan upang ikonsulta kung okay ba sa 'kin.
'Ano 'to revenge?' maang ko sa sarili. Nagpupuyos ang dibdib ko sa sandaling 'yon lalo pa at napaka-flirt ang babaeng kausap ni Hugo.
"Grabe, ang guwapo mo, bakit nagtityaga kang maging bodyguard kung pwede ka namang mag-artista," ani ng babae na halos ikatirik ng mata ko. Obvious na obvious na nagpapapansin na kay Hugo. "Ano nga palang tipo mo sa babae?" nakangiting tanong pa nito. "Gusto ba ng mestisang tulad ko?" hirit pa nito na mas lalo kong kinairita.
Ang dami nitong tinatanong kay Hugo at dahil tapos ko na ang pagkain ko ay tumayo na ako at umalis. Nakita ko sa gilid ng aking mata na mabilis ding tumayo si Hugo upang sundan ako dahilan upang maiwang natitigilan ang babae.
'Mabuti nga sa 'yo, malandi!' inis kong saad sa aking isipan.