Blaire Mackenzie’s POV “Blaire, gusto mo ba na ngayon na natin simulan ‘yong paper natin?” Napatingin ako kay Andrei na ka-partner ko para sa paper ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ang professor namin ang namili ng ka-partner namin kaya si Andrei ang kasama ko. “Pwede naman,” sagot ko sa kanya. “Saan mo ba gusto?” “Pwedeng magkita na lang tayo sa coffee shop diyan sa tapat ng school mamayang two pm.” “Sige,” nakangiting sagot ko sa kanya. Niligpit ko na ang mga gamit ko nang bigla naman tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni Mama kaya mabilis kong sinagot ang tawag. “Ma?” Kinakabahan sambit ko. Hindi ko inaasahan na tatawag siya ngayon lalo na’t ilang araw din akong naghihitay sa kanya na tumawag sa akin. Napatingin ako kay Andrei at