Blaire Mackenzie’s POV “Blaire…” Kahit maliit na butas ay walang espasyo ang mga katawan namin ni Douglas dahil ito na naman siya sa kalilingkis sa akin na parang nakadikit siya gamit ang isang glue. “Douglas, umurong ka nga,” ungot ko at inalis ang braso niya na nakayakap sa bewang ko pero binalik niya rin agad. “May space pa sa sasakyan kaya umurong ka.” “No.” Humigpit pa ang yakap niya sa akin habang nakadikit ang mukha niya sa balikat ko. Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong magagawa kundi ang magtiis. Mahirap pakisamahan ang lasing na ‘to dahil parang mas lalo siyang naging mapilit. Mabuti nga napilit kong iuwi siya dahil parang ayaw niya pang umuwi at halik pa nang halik sa akin. Amoy alak na nga siya. “Baby, kailan ka ba babalik? Matagal pa ba? Maghihintay pa ko.”