Blaire Mackenzie’s POV “Ano sa tingin mo?” tanong ko habang nakatitig kami sa tatlong pregnancy test na nasa ibabaw ng takip ng bowl. Nasa loob kami ng cubicle ng ladies comfort room at sinubukan na ni Aubrey ang pregnancy test. Tapos na ang exam namin ng ginawa namin ‘to para iwas kaba na rin habang nag-e-exam kami. Tsaka hindi niya kasi pwedeng gawin ‘to sa bahay dahil baka mahuli siya ni Sawyer. “Hindi ko alam, Blaire,” bulong niya sa akin. Bigla naman nag-ring ang phone ni Aubrey na nasa bag niya kaya napatingin ako sa Dior tote bag niya. Binuksan niya ‘yon at kinuha ang phone niya. Nakita ko agad ang pangalan ni Sawyer. “Tumatawag na siya,” aniya. Kanina pa kasi kami dapat nakalabas pero inantay pa kasi namin maubos ang tao sa comfort room bago nag-pregnancy test si Aubrey.