Blaire Mackenzie’s POV “Aubrey.” Nakuha ko agad ang atensyon ni Aubrey na tulala lang sa table at napatayo siya bigla. Ngumiti ako nang matamis kahit na wala akong makitang ngiti sa labi niya. “Kanina ka pa?” tanong ko pa at humalik sa pisngi niya. “Kararating ko lang din,” tugon niya. Napatango ako sa kanya at naupo na kaming dalawa sa silya na magkatapat. Sa itsura pa lang ni Aubrey, halata na agad na may problema siya. “Sinong kasama mong pumunta?” marahan na tanong niya. Wala ang energetic niyang boses o kahit ang nagtataray niyang boses ngayon. Malumanay lang siya kaya mas lalo akong nag-alala. “Hinatid ka ba ni Douglas?” tanong pa niya sa akin. “Ah oo,” sagot ko. “Nasa ibang table lang siya,” dagdag ko pa. Napatingin ako sa table ni Douglas na malapit sa pinto ng ic