Blaire Mackenzie’s POV Simula nang ihatid kami ni Douglas dito sa Stonehill, hindi ko na ulit narinig si Aubrey na magsalita. Kanina pa siya tahimik na bago lang sa akin. Kaya nang matapos ang tatlong subject namin ngayong araw, hindi ko na napigilan na magtanong sa kanya. “Ayos ka lang ba?” Bigla siyang lumingon sa akin at parang nagulat pa. Nagtataka na talaga ko sa inaakto niya. Hindi kaya dahil pa rin kay Douglas? “No,” aminadong sagot niya. “Hindi ko pa rin ma-sink in ang lahat sa utak ko, Blaire.” Bumuntong hininga siya at ipinatong ang mga gamit sa ibabaw ng table rito sa labas ng building namin. Tapos na ang klase namin at tatambay na lang muna kami habang nagpapalipas ng oras. “Paano, I mean, Oh, God!” Naupo siya sa upuan patalikod sa lamesa at sinandal niya ang likod n