PATRIZ’s POV
Dinaanan ko si Mommy Art sa bahay niya para sabay na kaming pumasok. Tulog pa daw ito sabi ng kanyang pamangkin na si Nene. Nagtatrabaho si Mommy Art para naman sa kanyang mga pamangkin na nagmula pa sa kanilang probinsiya. Kaya hanga ako kay Mommy Art at saka talagang mabait siya. Siya talaga ang tumulong sa aming magkapatid.
Masyadong maaga lang ako, si Mommy Art kaya lang siya tinanghali ng gising ay naka-inom ito kagabi kaya naman hindi siya nahiya kay Zandro kagabi nang sabihin niya na angkinin na lang siya ng binata na tinawanan naman ni Zandro.
Ang gwapo ni Zandro, kahit na maputi siya ay lalaking lalaki pa rin ang dating nito. Bagay sa kanya ang may manipis na bigote at balbas kaya maskuladong maskulado ang dating niya. Ang kulay gray niyang mata na mas kaakit akit tingnan. Minsan lang nagtama ang aming mga mata pero iba ang dating nito sa akin. Ang ilong niya na matangon na perpekto ang hugis. At ang labi niya na tama lang ang kapal na mapula. Kaya lang ay may kasintahan siya si Monica. Puring puri it oni kumareng Sonia sa kanyang mga kwento. Hinihintay na lang niya na makasal ang dalawa. Ang pagkakasabi ng aking kumare ay busy masyado ang anak niya sa negosyo para sa future nil ani Monica. Ayaw raw umasa ni Zandro sa mga negosyo ng Daddy nito, si kumpareng Anton ang tinutukoy ni Mareng Sonia.
Saan ka pa? Gwapo na, masipag at good provider na pala si Zandro. Mapapa sana all ka na lang na may ganito palang lalaki. Hindi katulad ng boyfriend niya na kuntento na may trabaho at kulitin lang siya para makuha ang kangyang pagkabirhen. Hindi ko pala siya dapat iyakan. Ang bilis kong maka-move on sa kanya. Ang laki kong tanga para iyakan ko siya. Mas mabuti at nakilala ko ang pagkatao niya. Isa siyang manyak. Iyon lang habol niya.
Ngayon sarili ko na lang muna ang iisipin ko kaysa ang buhay may boyfriend. Kapag natapos na si Perla ay mag-eenroll na rin ako. Ako ang magpapa-aral sa sarili ko. Hindi ko naman dapat madaliin ang pag-aasawa. Twenty five pa lang naman ako at walang matanda pagdating sa edukasyon. Wala akong paki-alam sa sasabihin ng iba. Ang pag-aaral naman ay para sa sarili ko. Para sa development ko. At para sa future ko. Magkaroon man ako ng asawa o wala, magagamit ko pa rin iyon kaya desidido na akong mag-enroll sa sunod na pasukan.
Wala pang tao sa parlor. May sarili naman akong susi kaya ako ang nagbukas. May tiwala sa amin si Madam Lucila at hindi ko sinisira iyon. Kapag ganito na maaga akong pumapasok ay naglilinis muna ako. Madalas kami naman ni Mommy Art ang naglilinis dito pero ngayon na hindi kami magkasabay na pumasok ay ako na lang din muna ang maglilinis. Pupunasan ko lang naman ang mga table at ang mga salamin. Napamahal na rin sa akin itong parlor. Kaya mahihirapan akong umalis dito balang araw kapag ako ay nakatapos na. Proud ako sa trabaho ko dito pero may pangarap pa ako sa buhay at gusto ko ring maabot iyon. At saka yung natutunan ko dito ay pwede ko rin magamit kung sakaling magbukas ako ng negosyo. Napansin ko kasi mas uunlad ka kapag sarili mo ang negosyo at hindi mamamasukan lang sa habang buhay. Iyon din naman ang sinasabi ni Madam Lucila. Yung magkaroon kami ng sarili naming parlor. Syempre hindi rito sa katabi niya o kaya ay sa tapat niya. Joke niya lang naman iyon pero tama naman na dapat sa malayo kami magtayo ng same ng negosyo niya.
Ako plano ko umuwi ng probinsya at doon ako magtatayo ng negosyo. Para matulungan ko rin ang mga kamag-anak namin na walang trabaho. Willing akong magturo sa kanila. Ang isip ko parang nagliwanag after kong mahuli ang boyfriend ko. Kasi dati ang plano ko kapag nakatapos na si Perla ay pwede na kaming magpakasal at magsama ni Edward. Pero ngayon, nabigla bigla ang gusto ko. Ang matulungan naman ang mga kamag-anakan ko sa probinsiya. Minsan lang kami makapagpadala ng pera para sa mga pamilya namin doon. Priority ko talaga ang pag-aaral ng aking kapatid.
Ang layo na ng narating ng aking imahinasyon. May kumakatok sa glass door. Ini-lock ko kasi ito dahil mag-isa pa lang ako rito at naglilinis ako. Walang tao dito sa labas baka mamaya ay masalisihan ako. Mamroblema pa ako sa pagbabayad ng mga gamit.
Nakita ko delivery man. May hawak itong bouquet ng bulaklak. Kulay white ang mga bulaklak. Para kanino kaya ito?
“Good morning po, ma’am! Delivery po para kay Miss Patriz.” Sambit nito.
“Para po sa akin?” tanong ko sa delivery man.
“Opo, ma’am. Kung kayo po si Ma’am Patriz ay para po ito sa inyo.” Mabait na sagot nito sa akin.
“Hindi ko naman inorderan ang sarili ko ng bulaklak.” Saad ko dito.
“Makikita po ninyo ma’am sa card kung kanino po galing ito. Kunin na po ninyo ma’am. Baka po mawalan ako ng trabaho kapag hindi po ninyo ito kinuha.” Sagot nito sa akin.
Dahil sa sinabi nito ay kinuha ko na ang bulaklak. Bakit ko ban ga siya tinatanong pa? Nakaka-abala na ako masyado sa oras niya.
“May kailangan po ba akong bayaran?” tanong ko pa dito.
“Wala po ma’am. Papirma na lang po dito para katunayan na natanggap po ninyo ang mga bulaklak.” Sagot nito sa akin at iniabot na ang papel na pipirmahan ko.
Mabilis ko itong pinirmahan at ibinalik na sa kanya.
“Salamat po.” Sambit ko sa delivery man.
“Thank you rin po. Hindi naman po ma’am katakataka kung makatanggap po kayo ng bulaklak sa ganda po ninyong iyan.” Sagot pa nito sa akin bago sumakay sa kanyang motorsiklo.
“Sige po, mag-ingat po kayo at sana makarami po kayo ng deliveries.” Pahabol ko pa dito.
Pumasok muna ako sa loob ng parlor at ini-lock kong muli ito.
Sa hitsura ng bulaklak ay mamahalin ito. Hindi pa ako nakatanggap kay Edward ng ganitong mga bulaklak. Tulips ang ginamit kaya talagang pricey ito. Sino kaya ang magpapadala sa akin nito? Wala naman akong kilala na mayaman na may gusto sa akin. Puro tambay sa may amin ang madalas magparinig kapag naglalakad ako at hindi ko kasama si Edward.
Tiningnan ko ang card na nakalagay sa bulaklak.
“You deserve so much more. I hope these flowers remind you of that.” Ito lang ang nakasulat at walang nakalagay kung kanino galing.
Tama naman ang nakasulat. Hindi si Edward ang nararapat sa pag-ibig ko. Masaya na ako at ngayon ay nakakatuwang isipin na may nag-aalala para sa akin. Siguradong hindi ito sa ex ko galing at kapag sa kanya manggagaling ay itatapon ko ang ipapadala niya.
Kumuha ako ng magandang flower vase at doon ko iniayos ang mga bulaklak. Kinuha ko ang card at inilagay ko sa aking wallet. Souvenir ko ito para sa bulaklak na nagpangiti sa akin ngayong araw.
Hindi naman nagtagal at dumating na si Mommy Art. Okay lang naman sa kanya na nauna na ako. Kahit dumating ako sa kanila na gising na siya at hindi pa nakakaligo ay pinapauna na rin niya ako. Hindi problema sa kanya kung naiwan ko siya. Kaya hindi kami nagkakaproblema ni Mommy Art.
“Good morning, Patriz na kasing ganda ko!” puno ng energy ang pagbati nito. Hindi ko na binuksan ang glass door. May sarili rin siyang susi at iyon ang ginamit niya para pumasok dito.
“Good morning, Mommy Art! Mas maganda ka pa sa umaga at sa akin.” Sabay hagikhik ko.
“Ay wow! Ang bilis maka-recover ah. Kahapon ay hindi gumana ang bati ko sa iyo. Ngayon, nagbalik na ang dating Patriz at mas gumanda pa!” sagot nito sa akin.
“Wala naman dapat iiyak, Mommy Art. Dapat ay magsaya pa nga ako, di ba?” wika ko sa kanya.
“Korek ka dyan! Kanino itong mamahaling bulaklak? Wala pa ito kagabi.” Napansin niya ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.
“May nagpadala po sa akin. Pero wala naman pangalan kung kanino nanggaling.” Sambit ko dito.
“Aba! May secret admirer ka pala. Siguro alam na break na kayo ng gunggong mong ex kaya hayan at nagpaparamdam na.”
“Baka ngayon lang lang po iyan Mommy Art. Mahal ang per piece po ng tulip.” Anas ko pa.
“Para sa atin mahal, pero sa nagbigay sa iyo baka barya lang ang ipinambili dyan.” Sabi pa ni Mommy Art. May tama naman din siya.
Hindi nagtagal ay may costumers na kaming dumating. Ito ang maganda kapag maagang pumasok, solo namin ni Mommy Art ang costumers. Tanghali na kasi kung pumasok ang iba naming kasamahan.
Dalawa ang dumating kaya tag-isa kami ni Mommy Art.