6

1588 Words
ZANDRO’s POV Nasa trabaho ako nang tumawag ang mga kaibigan ko noong College. Si Dave ang dati kong band mate. May gig daw sila sa Calleza at niyayaya nila ako para magkita-kita kami. Dahil libre naman ako at walang laging nakadikit sa akin ngayon ay pumayag ako. Gusto ko rin mag-chill muna. Minsan din ako naging miyembro ng banda pero mas nag-concentrate ako sa pagtatayo ng mga maliliit na negosyo hanggang sa napalago ko sila. Ngayon ay pumasok ako sa mas malalaking negosyo at nagpapasalamat ako dahil nag-boom din ang mga ito. Tumawag din ako sa bahay at kina-usap ko si Zandra na gagabihin ako ng uwi. Pero nag-promised ako sa kanya na bukas ay ihahatid ko siya sa school at susunduin. Kasama ang pagdaan muli sa NInang Patriz niya. Kanina ko lang nakita na ganoon kalungkot ang aking kapatid o dahil madalas ay wala kasi akong time sa kanya. Sabi nga niya ay lagi akong busy kay Monica. Gabi pa naman ang gig kaya madami pa akong time para magtrabaho. Nagpa-order na lang ako ng pagkain sa aking secretaryo para dito na lang kumain. Ayaw kong lumabas na ng opisina. Ito madalas kong problema addict ako sa trabaho at ito ang isang pinagseselosan ni Monica. Noon pati secretary ko kaya nagpalit ako. Hindi na niya ako pagdududahan na babae ang kinakalantari ko dahil lalaki na ang kasama ko dito. Wala naman akong paki-alam sa mga sinasabi ni Monica. Ang problema ay nagsusumbong siya kay Mommy at si Mommy ang nagsasabi sa akin. Kukulitin din ako ng aking Mommy dahil siya ang kinukulit ni Monica. Mabuti ngayong araw ay walang paramdam si Monica. Walang message at walang tawag na hindi ko rin naman sinasagot at wala akong planong sagutin kung mag-text o tumawag man siya. Masaya ako ngayon dahil malaya akong nakakakilos at may time kami ni Zandra kahit s aumaga lang. Sasamantalahin ko rin ang panahon na wala sina Mommy at Daddy na makipag-bonding sa aking kapatid. Nag-iisip na ako ng pwede naming gawin sa weekend, yung masisiyahan talaga siya. Pwede ko rin siyang tanungin kung anong gusto niya, bukas kausapin ko siya. Nakakamis din ang kakulitan niya. Bihira kami magkasabay sa breakfast dahil maaga akong umaalis ng bahay. Kaya yung time naming dalawa ay isinulat ko sa aking diary kanina. Isa sa masayang experienced ko iyon na makita siya paano siya kumilos na parang seven 10 years old sa harap ng pagkain. At pati ang nakita ko kung gaano siya kalungkot. Hindi pa niya alam ang reason pero ganoon na siya ka-affected. Ano kaya ang masasabi niya kapag nalaman niya ang dahilan? Gusto ko itong malaman mula sa aking kapatid. Ang daming tumatakbo sa isipan ko, lalo na ang magandang mukha ni Patriz. Hindi bagay sa kanya ang umiiyak. Dapat lagi siyang pinapangiti at hindi pinapaiyak. Ang bilis ng oras. Mag-alas otso na pala. Pinauna ko na ang secretary ko na si Alfred. Wala na naman akong hihingiin na dokumento sa kanya kaya pwede na makapahinga na siya. Ako naman ay may baon na damit sa sasakyan. Para ito sa mga emergency na lakad o di kaya ay kapag nadumihan ang aking damit, may makukuha akong pamalit. Sa Calleza na ako didiretso para maka-usap ko pa sina Dave bago magsimula ang pagtugtog nila. “Bro, long time no see. Mas lalo kang gumandang lalaki. Kung ikaw ang vocalista ng grupo malamang ang daming titili sa grupo natin.” Bati ni Dave. “Masyado kang humble, bro. Ang dami na ngang tao ngayon. Nakita siguro na kayo ang tutugtog kaya puno na.” sambit ko dito at iniikot ko pa ang aking mga mata at may nakita akong pamilyar na mga mukha. Nandito sina Patriz at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman siyang umiiyak. Pareho sila ng lalaki na kasama niya sa parlor. Tawag ni Zandra ay Mommy Art. Bakit kaya sila umiiyak na dalawa? Nagtagal pa ang tingin ko sa kaniya, hindi naman niya ako kita dahil nasa back stage kami. Dito ko sila pinuntahan dahil mag-set up na sila. May table naman na para sa grupo at doon ako pinapapwesto ng mga ito. Ang grupo nila ang tutugtog sa unang set. May iba pang banda ang tutugtog sa mas late na oras. Kaya doon na muna ako uupo. Pumunta na ako sa table na nakalaan para sa grupo bago pa sila lumabas ng stage. Okay din ang pwesto ng table nila. Kitang kita ko si Patriz. Side view lang ang kita ko kaya kitang-kita ko ang ganda ng kanyang ilong. Sa kanya lang at sa banda na nasa unahan ang aking paningin. Palitan lang. Ang husay na ng dati kong grupo. May iba rin naman silang career pero itinuloy nila ang pagbabanda. Ako lang ang bumitaw. Masyado akong nagpadalubhasa sa negosyo. Hindi lang naman ito para sa akin kundi sa pamilya na bubuuin ko balang araw. New wave ang kinanta nila para magising ang mga tao dito sa lugar. Nakita kong tumayo ang tinatawag na Mommy Art at niyaya niya si Patriz na sumayaw. Magaling pala siya pero umupo rin agad. Ang boss nila ang niyaya naman na sumayaw nito habang si Patriz ay nakangiti habang sa upuan na lang niya gumagalaw. Nagulat ako nang tawagin ni Dave ang pangalan ko. Pinapa-akyat ako nito sa stage. Mukhang mapapasabak ang boses ko na matagal ng walang practice. Tumayo ako at pumunta ako sa stage. Hindi naman ako mahiyain para magpapilit. Pasimple lang akong bumabaling ng tingin sa grupo nila. Nakita ko ang reaction ni Mommy Art nang makita ako may sinabi pa siya kay Patriz pero hindi ko alam at inilipat ko kay Dave ang mata ko dahil may tinanong ito sa akin. Tinanong ako kung ano ang kakantahin ko. Ang sinabi kong kanta ay ang “Akin ka na lang” na pinasikat ng Itchyworms. Gusto ko ang kantang ito at ito ay para sa babaeng nandito sa crowd. Dahil hindi na siya available noong nakilala ko siya. Kaya ito ang kanta ko para sa kanya. At ngayon na tila hiwalay na siya sa kanyang nobyo ay mas lalong bagay itong kantang ito. Tinawanan ko na lang ang mga kaibigan ko nang tanungin nila ako kung para kanino ang kantang pinili ko. Ayaw ko naman magbigay ng detalye baka hindi pa ako nagsasabi ay mapurnada agad. Sikreto ko na lamang ito muna. Nakita ko na ang pagtili ng katabi ni Patriz. Tahimik lang itong nakikinig sa akin. Yung iba kinikilig pero siya ay hindi. Baka mahal pa niya ang boyfriend niya. Isang kanta pa ang kinanta ko at saka ako bumalik sa aking upuan. Hinintay ko lang matapos ang set nila para makapagkwentuhan pa sa kanila. Hindi pa naman umaalis ang grupo rin nila Patriz. May lakad pa pala ang mga kaibigan ko kaya saglit lang kaming nagkwentuhan. Nag-set na lang uli kami para mas may time pero jamming ang gusto nila. Sa bahay nila Dave para kumpleto ang gamit ng banda. Ginagawa namin ito noon tutugtog at kakanta kasama na ang kwentuhan. Isama rin daw ang mga partners namin para may bonding din sila. Hindi na lang ako sumagot sa part na iyon. Kanya kanya na kaming alisan. Nakita kong tumayo na rin ang grupo nila Patriz. Sana ay maisakay ko uli si Patriz. Alam ko na naman kung saan sila nakatira. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nakita ko na nakasakay na ang mga kasamahan nila. Sila na lang dalawa ng beking kasama niya na may edad sa kanilang lahat ang nag-aabang pa ng masasakyan. Pina-andar ko na ang aking kotse at tumapat ako sa kanila. Ibinaba ko ang mga bintana para makita nil ana walang ibang sakay kundi ako lang. Isinilip ko pa ang ulo ko para makita nila. “Pauwi na kayo? Sabay na kayo sa akin. Parehas naman tayo ng way.” Medyo nilakasan ko ang boses ko nang silipin ako ni Mommy Art. “Patriz, si Zandro.” Kilala pala ako ni Mommy Art, narinig kong sinabi niya kay Patriz. “Tara sumakay na tayo, doon din daw ang way niya.” Sumakay sila at si Mommy Art ang umupo sa tabi kong upuan. Si Patriz ay sa likod naman naupo tulad nang inupuan niya kagabi. “Ang galing mo palang kumanta! Ako na ang president ng fans club mo. Nalaglag na ang suot kong panty kanina.” Sambit ni Mommy Art sa akin. “Dinampot mo pa ba?” tanong ko sa kanya habang tumatawa ako. “Oo naman, Itinaas ko kaagad baka pag-interesan ng mga tao doon e VS pa naman ang tatak.” Sagot nito sa akin kaya naman natawa na naman ako at pati si Patriz ay narinig kong tumatawa sa mga jokes ni Mommy Art. “Salamat Zandro.” Ani Patriz. “Salamat Zandro, available ako at walang sabit kaya pwede mo akong angkinin.” Sabi naman ni Mommy Art siguro ay para ito sa kinanta ko kanina. Kaya napatawa ako kahit pababa na sila. “Mag-ingat ka. Ikumusta mo na lang ako kay Zandra at hindi kami nagkita kanina.” Pahabol pa ni Patriz. Sasagot sana ako na malungkot nga ang kapatid ko at hindi kayo nagkita. Isinarado na nila ang pinto kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Bukas na lang dadalhin ko ang kapatid ko. Hindi na ako maiilang masyado dahil may pwede na akong lapitan si Mommy Art. Masaya akong umuwi ng bahay. Sinilip ko pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto. Himbing na himbing ito, isinara ko na ang pinto at nagtungo na ako sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD