8

2091 Words
ZANDRO’s POV “Kuya, wake up na po.” Narinig kong sigaw ni Zandra. Napatingin ako sa orasan na nasa bed side table ko. Mag six na pala. Tinanghali ako ng gising. Sa akin tanghali na ito pero kay Zandra ay maaga pa ang oras na ito. Seven thirty pa ang alis namin. Eight o’clock ang pasok niya sa school at eleven o’clock ang labas. Hindi siya makakapasok dahil naka-locked ang pinto ko. Kaya sa pangangatok na lang nito idinaan. “I’m awake now, baby.” Sigaw ko dito. Hindi pala niya ako maririnig dahil sound proof angb kwarto ko. Kaya napilitan na akong bumangon at nagtungo sa pintuan. Hindi ito titigil at baka mamaya ay toyoin pa siya. Ayaw kong mangyari iyon dahil gusto kong maging memorable rin para sa aming dalawa itong time na kami lang ang magkasama. “Good morning, baby!” bungad ko dito pagkabukas ko ng pinto. “Good morning po, kuya! Ginising po kita kasi sabi ni yaya gabing gabi ka na raw po umuwi.” Sambit nito. Lumuhod ako para magpantay kami nito. “Opo, ginabi po si Kuya. Sinilip nga kita kagabi, ang lakas mong humilik sweetie.” Biro ko sa kanya. “Ay, nakakahiya. Sabi ni yaya hindi naman ako humihilik eh. Niloloko mo lang po ako.” Sambit nito sa akin. Totoo naman na niloloko ko lang siya. Minsan ay pina-record pa niya ang pagtulog niya para patunayan na hindi siya naghihilik. Kasi sinasabi namin hindi kami nakakatulog sa lakas ng hilik niya. “I’ll take a shower and get dressed so we can have breakfast.” Tumayo na ako pagkasabi ko nito sa kanya. Tinawag ko na rin ang yaya niya para ayusin na ang kapatid ko. Lumapit naman ito at niyaya na si Zandra sa room nito. Bago ako maligo ay may tinawagan muna ako. Masyadong gabi na nang maisipan ko ito baka tulog na kaya ngayon na lang ako tatawag. Naligo na ako at nagbihis. Long-sleeve ang isinuot ko ngayon wala naman akong meeting na pupuntahan. Pwede nga rin na dito na lang ako sa bahay mag-work today. Para malapit lang ako kay Zandra. Pwede pa kaming kumain mamaya sa labas. Halos sabay pa kaming lumabas ni Zandra ng room namin. Hawak kamay kami nitong bumaba papunta sa dining area. Naihatid ko na siya sa school at nandito lang ako para hintayin siya. Naisipan kong tingnan ang phone ko. Kagabi ko pa ito hindi nasisilip. Wala namang messages or missed calls. Kaya sa messenger naman ako tumingin. May missed call ako from Fred. He is my College friend also, like Dave and the rest of the band group. “Hey bro, what’s up! I wanted to ask, are you and Monica still together? I saw her with someone, and they looked really cozy.” Message ni Fred na may kasama pang pictures para siguro i-confirm sa akin kung kilala ko ang lalaki. Pamilyar ang mukha nito pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita. Ito siguro ang dahilan kaya hindi ako kinukulit ngayon ni Monica. Dahil busy siya. Nothing's been happening between us lately. I've lost interest in intimacy, nothing sparks my desire. She probably sensed it and sought a timeout. I'm determined to break up when we talk. “Fred, we’re not officially broken up, but I’m considering ending things.” Hindi ko sasagutin sana pero okay na rin ito na malaman nila. Hindi lang si Fred ang nagbigay sa akin ng ganitong balita. At isa iyon sa dahilan kung bakit umiiwas na ako na may mangyari pa sa aming dalawa ni Monica. Hindi naman ako ang first boyfriend niya. Graduating na kami nang magkakilala kaming dalawa at ilan na rin ang naging ex niya. Hindi naman ako nagtanong sa kanya after kong malaman na hindi ako ang naka-una sa kanya. Hindi naman nakakapagtaka dahil clingy siya at mahilig siyang magsuot ng revealing outfit. Maganda ang katawan niya pero hindi ako affected. Pangkaraniwan na lang sa akin ang ganoong tanawin kapag si Monica ang kasama ko. Hindi na nag-reply si Fred. Kagabi pa niya sinned iyon kaya bakka ngayon ay busy na siya. Okay na sa akin iyon. Nasasaktan ba ako? Hindi! Okay lang sa akin na may nahanap na siyang iba para naman makalaya na ako. Itinago ko ang picture na ipinadala ni Fred. Magagamit ko rin ito sa tamang panahon. Labasan n ani Zandra at tulad kahapon ay masaya na naman ito. “Kuya, look ang dami ko pong stars.” Sambit nito paglapit sa akin. “Wow, congratulations! Good job baby.” Bati ko sa kanya. Binuhat ko ito at hinalikan sa kanyang pisngi. “What do you want as a reward, baby?” “Hmmm..” nag-iisip pa ito dahill inilagay ang kanyang hintuturo sa sentido niya. “Anything po?” tanong pa niya sa akin. Napa-isip pa ako kung papayag ako sa kanya. Baka mahirapan ako sa gusto niya. “Anything na kaya ni kuya.” Sagot ko sa kanya. “I want to go out with Ninang Patriz.” Sambit nito. Paano mangyayari iyon may trabaho ang Ninang niya. “Your ninang has work, so she might not be able to join us.” Sagot ko sa kanya. “Di ba po dadaan tayo today sa kanya? I will ask her first kung pwede po siya.” Saad nito. Tumango na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Dadaan naman kami sa parlor ni Madam Lucila ngayon. “Thank you, big brother. I love you!” masayang sagot nito sa akin. Binuksan ko na ang sasakyan at isinakay ko na ang aking kapatid na napakalambing. Ikinabit ko rin ang seatbelt niya. Makikita ko ang dalaga ngayon. Tulad kahapon pagkatigil ng sasakyan ay mabilis na bumaba si Zandra. Siya na nag-aalis ng seat belt niya at magbubukas ng pinto. Ganoon siya ka-excited. Pagdating ko sa labas ng parlor nakita ko si Zandra na naka-upo sa high chair at may ibinubulong kay Patriz. Glass ang pinto at wall ng parlor ni Madam Lucila kaya makikita rin ang tao sa loob. Mukhang mahaba ang sinasabi ng kapatid ko. Nakangiti lang ang mga tao sa paligiid. Siguro ay iniisip nila kung ano ang sinasabi nito sa Ninang niya. Natapos din ang mahabang bulong nito. Bumulong din si Patriz bilang sagot niya sa mahabang sinabi ng kapatid ko. Natanaw ako ni Zandra kaya kinawayan ako nito na pumasok. Pagdating namin ay may ilang costumers ang lumabas at masasaya naman sila. Mukhang satisfied sa kinalabasan ng kanilang ipinunta rito. Pumasok na ako sa loob, nakakahiya naman na tinatawag ako ni Zandra at hindi ako lalapit. “Beautiful people, meet my kuya Zandro.” Sabi ng kapatid ko. Ngumiti naman ako sa kanilang lahat. “Ay si Sir Zandro pala ito, ang galing mo palang kumanta Sir. Sa inyo po pala nagmana si Zandra kaya magaling din siyang kumanta.” Sabi ng isa nilang kasamahan na parang kagabi lang na kinikilig. “Kasama ka po ba nila Ninang kagabi?” baling nito sa Ninang Patriz niya. “Opo, kasama po nila ako. Kaming lahat dito nandoon sa Calleza.” Malambing nitong sagot kay Zandra habang inilalagay pa sa gilid ng tainga ang mga buhok nito. “Nagandahan ka po ba sa boses ni Kuya?” tanong muli nito. Parang sila lang ang tao dito. Lahat kami ay tahimik na nakikinig at nagmamasid sa kanila. Kinabahan ako sa isasagot nito sa tanong ng kapatid ko. “Opo, magaling kumanta ang kuya mo. Performer siya, parang ikaw lang baby.” Anas nito kay Zandra, Napakasarap sa pandinig ang kannyang boses. Hindi ko pa narinig na ganito makipag-usap si Monica sa kapatid ko. Kaya siguro malayo ang loob ni Zandra sa kanya. “Baby, baka nakaka-istorbo na tayo sa kanila.” Saad ko dito. “Hindi naman papa Zandro. Masaya nga kami na nandito ka eh.” Sagot ni Mommy Art. “Mommy Art, aren’t you happy when I’m around? Si Kuya lang po gusto mo?” parang nagtatampong wika pa nito. “It’s okay lang din po pala, as long as I have my Ninang Patriz, masaya na po ako.” “Masaya ako syempre na nandito ang baby ng beautiful people. Kaya lang kailangan ng beauty ko ang tulad ng kuya mo. Siya ang magbibigay kulay sa aking buhay. Gusto mo ba akong maging Ate Art?” maarteng saad ni Mommy Art kay Zandra, “Mommy Art, kuya Zandro is for woman like my Ninang Patriz. You’re not a real woman po. I’m sorry Mommy Art.” Nagpa-una na ito agad nang paghingi ng patawad kay Mommy Art. “It’s okay baby, joke lang ni Mommy Art iyon. Gusto mo ba ang kuya mo para sa Ninang mo?” tanong ni Mommy Art. “Mommy Art, ikaw talaga pati ako idinamay mo pa dyan. Baby, nagbibiro lang si Mommy Art.” Wika ni Patriz at kitang kita ang pamumula ng makinis nitong nga pisngi. “It’s okay lang po Ninang. Bagay po kayo ni Kuya dahil parehas kayong mabait sa akin. Ikaw ang girl bestfriend ko at siya naman po ang boy bestfriend ko. Mas maganda kung kayo pong dalawa ang partners na pareho kong bff. Kapag nangyari po iyon, I’m the happiest person in the whole wide world.” Sambit ng kapatid ko. “Baby, baka magalit ang boyfriend ng ninang mo kapag narinig ka.” Kunwari ay hindi ko alam ang nangyari. Gusto ko rin malaman ang current score sa kanila. “Papa Zandro, don’t worry. Very much single and available na po ang Ninang Patriz ni Zandra.” Ani Mommy Art. “Talaga po, Mommy Art? Ninang you broke up with your boyfriend?” tanong nito na hindi makapaniwala. “Yes! Yes!” at sumigaw naman after makitang tumango ang ninang niya. Niyakap pa nito ang ninang niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction nito. “Pwede ka pong ligawan Ninang?” tanong pa nito na parang matanda. “Baby, ngayon ko lang naramdaman na masarap palang walang boyfriend. Hindi mo pa maiintindihan si Ninang kasi bata ka pa. Baka naiinip na ang kuya Zandro mo.” wika ni Patriz sa aking kapatid. “We’re here, ninang, to ask if you’d like to join us for dinner tonight?” direktang tanong ni Zandra kay Patriz. “Ha?! Naku baby, busy si Ninang. Madami pa akong gagawin mamaya.” Sagot nito kay Zandra. Lumungkot ang mukha ng kapatid ko. Parang iiyak pa ito. “Sumama ka na Patriz, mamayang gabi pa naman ‘yon.” Sumabat na si Madam Lucila. Biglang nagbago ang mukha ni Zandra. “You heard it po Ninang. Pumayag po si Mommy Madam. Thank you po Mommy Madam.” Masayang wika ni Zandra. Parang hindi na pwedeng sumagot pa ng iba si Patriz sa kanya. “Okay, huwag ka na pong sumimangot. Sasama na po si Ninang.” Saad ni Patriz kaya naman lumuwag na ang pagkakangiti ng aking kapatid. Pati ako ay napangiti na rin sa narinig kong sagot ng Ninang niya. “Kuya, let’s go. I will finish all my homeworks po. Thank you po Mommy Madam and to all of you beautiful people. I love you all!” masayang sambit nito at nagpabuhat pa sa Ninang niya pagbaba sa high chair. Kukunin ko na sana siya kaya lang ay nakakapit pa rin siya sa Ninang niya. Hanggang labas ay hila pa nito si Patriz. Ako na nahihiya sa ginagawa ng kapatid ko pero mukhang ganito yata talaga silang dalawa sa tuwing pumupunta ang kapatid ko dito sa parlor. “Salamat Patriz. Pasensya ka na kay Zandra. Iyon kasi ang hiningi niyang reward sa akin kanina nang ipakita niya ang mga stars niya. Aalis na kami. Mamayang gabi ay susunduin ka na lang namin dito. Mga 6 in the evening kami pupunta.” Wika ko kay Patriz na hawak pa rin ni Zandra ang kamay nito. “See you later po Ninang. I love you. Bye!” sambit ni Zandra bago pumasok sa kotse. Humalik pa ito sa kanyang ninang. “Bye. Ingat kayo. Salamat Zandro.” Sambit ng magandang dilag. “Thank you Patriz. Bye!” paalam ko sa kanya at pina-andar ko na ang sasakyan. “Kuya, pwede mo na ligawan po ang ninang ko. Parehas na kayong single.” Sambit ni Zandra. Hindi na lang ako sumagot. Sabi nga ni Patriz kanina ay masarap maging malaya. Hayaan ko muna siyang maging malaya. Ayaw kong madaliin. Gusto kong makilala muna siya at makilala rin niya ako. At mangyayari ang mga ito dahil sa kapatid kong si Zandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD