5

1339 Words
Sanay akong maagang gumising. Kailangan ito sa trabaho, dapat maaga ka lagi may kausap ka man o wala, May meeting man o wala. Ganito na ang body clock ko. Mas madalas pa rin na rito ako sa bahay namin umuuwi. Madalang ko pa rin tulugan ang aking condo. For me, it’s my sanctuary. Hindi ko alam kung nabanggit ko na ba kanila Mommy ang pagbili ko sa property na iyon. Kapag gusto ko nang tahimik na lugar ay doon ako tumutuloy. Doon ako nagtatago lalo na kay Monica. Ngayon na wala sila ay nandito ako sa bahay. Maagap ako dahil ako ang maghahatid sa aking kapatid na si Zandra. Tulog na ito kagabi pag-uwi ko pero nagsabi naman siya ng umaga pa lang na ako ang magahahatid at susundo sa kanya. Mykhang tulog pa ang aking kapatid kaya sinilip ko ito sa kanyang room. Tulog pa nga ito kaya naman tinabihan ko siya sa kanyang kama. “Good morning, sweetheart! It’s time to wake up. You have school today. I’ll drive you to school.” Bulong ko dito. Humarap ito sa akin na nakapikit pa at yumakap. “Good morning po! I’m stilli sleepy po, kuya.” Sagot nito sa akin. Nakakatuwa siya dahil hindi niya nakakalimutan ang mag po at opo. “Okay sige matulog ka pa. Si Manong Greg na lang ang maghahatid sa iyo. Ako susunduin ko na lang si Monica sa kanila at ihahatid ko siya sa office niya. Bye sweetheart.” Wika ko dito at akma na akong tatayo. Joke ko lang naman sa kanya dahil hindi naman kami okay ni Monica. “No! I’m awake na po kuya. I’m just joking lang po. Hindi mo ihahatid si tita Monica. You promised.” Sambit nito sa akin. Natawa ako dahil may magic word para sa kanya, si Monica. Ayaw niya talaga at masaya siya ngayon na hindi kami okay ni Monica. “Okay, bumangon ka na. Tatawagan ko na si Yaya mo para paliguan ka na. After no’n bumaba ka na sa dining area dahil sabay tayong mag-be-breakfast na dalawa.” Wika ko dito at tumayo na ako sa kanyang higaan. Siya naman ay umupo na kanina pagkarinig na ihahatid ko si Monica. Tatawa tawa ako sa kapatid ko. Alam ko na kung paano ko siya mapapasunod. Imbis na malungkot ako dahil hindi ko nakikita ang girlfriend ko ay heto ako at ginagawa ko pa siyang pang black mail sa kapatid ko. Ang totoo ay wala akong plano na makipagbati. Okay lang sa akin na mauwi na sa hiwalayan itong nangyayari sa aming relasyon ngayon. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang mga documents na inuwi ko para mapag-aralan ko. Sa dining na ako magbabasa habang hinihintay ko si Zandra. Nasabihan ko na rin ang yaya niya na asikasuhin na siya sa pagligo at pagbibihis. Habang nagbabasa ako ay nag-aayos naman sa mesa ang isa naming kasama dito sa bahay. Sakto na natapos itong i-prepare ang table ay bumaba na ang kapatid ko na cute na cute. Niyakap naman ako nitong muli at hinalikan pa ako sa pisngi. Super sweet nito kaya masaya ang aming bahay dahil sa kanya. “Let’s eat na sweetie, para hindi tayo ma-traffic papasok ng school mo.” sambit ko dito. Umupo siya sa katapat kong upuan at tinulungan lang siya ng yaya niya sa pag-abot ng pagkain. Siya ang kumain na mag-isa. Hindi na siya kailangan pang subuan. Maingat ang bawat subo ng aking kapatid. Ingat na hindi madumihan ang kanyang uniform. Kinder na siya kaya nag-aaral na siyang maging independent. Unti-unti, sa susunod ay siya na ang magbibihis mag-isa. Hinayaan ko rin siyang mag-concentrate sa pagkain. Mahaba pa ang oras namin para mag-kwentuhan. Pwede naming gawin iyon sa paghatid ko sa kanya. At mamaya ay ako rin ang susundo sa kanya. Nasa byahe na kami ni Zandra papunta sa school niya. “Na-mi-miss mo na ba sina Mommy at Daddy?” tanong ko sa kanya. Nasa likuran siya naka-upo. Bawal siyang maupo sa harapan dahil bata pa siya, kahit na sabihing magsusuot ng seatbelt. “Kaunti lang po.” sagot nito sa akin. Tiningnan ko ito sa rear view mirror habang siya ay nakatanaw sa may labas. “Bakit kaunti lang?” tanong kong muli sa kanya. “Because nandyan ka po.” Sagot nito sa akin at tumingin siya sa direction ko. “Lagi kong kasama sila lalo na po si Mommy. Pero ikaw po hindi ko nakakasama kahit hindi ka po nag-ta-travel sa ibang country.” Umaarte pa ang nguso nito habang nagsasalita. “Malungkot ba ang baby sister ko? Busy po kasi si kuya.” Saad ko sa kanya. “You’re busy with tita Monica. Nakakalimutan mo na po yata na may cute and beautiful little sister ka rin. At ngayon po ay masaya po ako kasi magkasama po tayo. Ihahatid mo po ako ngayon at mamaya ay susunduin mo pa po ako. Ang saya ko po talaga.” Sambit nito sa akin. “Parang hindi ka naman happy. Nararamdaman ko pa rin na may lungkot sa sinabi mo.” “Tama ka po. Kasi po baka kapag nagkabati kayo ni tita Monica ay mawalan ka na po ng time sa akin. Wala po sila Mommy and Daddy tapos ikaw rin po mawawala kapag okay na po kayo ni tita Monica. Mabuti pa po kay Ninang Patriz, ako lang ang kanyang favorite inaanak. Wala po akong kahati.” Wika nitong kapatid ko. “Kuya pwede po ba mamaya, dumaan po tayo sa parlor ni Madam Lucila para makita ko po si Ninang Patriz. Lagi naman po ako pinapayagan ni Mommy na dumaan po sa parlor.” Dagdag pa nito sa akin. “Okay sweetie. Idadaan kita mamaya sa Ninang mo.” Sagot ko sa kanya. Ipinark ko na ang sasakyan dahil nandito na kami sa school niya. “Thank you po kuya. See you later.” “Okay baby, be good.” Sambit ko dito. Hindi na naman ako aalis dito. DInala ko ang trabaho ko at aaralin ko ito habang naghihintay kay Zandra. Sayang din kasi ang oras para sa pag-uwi ko ng bahay at after ilang hours ay babalik akong muli dito para sunduin siya. Kaya mas okay na dito na lang ako habang nag-wo-work. Magagamit ko pa ng maayos ang oras ko. Kumusta na kaya si Patriz? Hindi ko na lang sinabi kay Zandra ang nakita ko kagabi ang kanyang ninang habang umiiyak. Mag-aalala pa ito. Natapos ang klase ni Zandra at masaya itong lumapit sa akin para ipakita ang mga stars niya sa kamay. Dalawang kamay pa ang may mga tatak. “Good job baby! At dahil dyan ililibre kita ng ice cream.” Sambit ko sa kanya. “Kuya, idaan mo po muna ako sa parlor. Ipapakita ko po ito sa Ninang Patriz ko. Matutuwa po siya kapag may stars po ako.” Sambit nito. Sa ice cream n aini-offer ko ay wala siyang sagot. Baka ayaw niyang mag – ice cream. Malapit lang sa school niya ang parlor na sinasabi niya kaya idinaan ko nga ito doon. Pagtigil namin sa parking lot ay nauna na itong bumaba at pumasok sa loob. Dinatnan ko na kausap niya ang beki dito sa parlor. Mommy Art ang tawag dito ni Zandra. “Nandoon si Ninang Patriz mo sa pantry. Malungkot siya at umiiyak.” Sabi nito sa kapatid ko. “Why she’s crying?” tanong ni Zandra. Bago pa ito sagutin nang tinatwag niyang Mommy Art ay niyaya ko na ito. “Zandra, let’s go back another day, okay?” yaya ko sa aking kapatid. “Okay po.” Malungkot nitong sambit sa akin. Tahimik ito habang pauwi kami. Tinanong ko pa siyang muli tungkol sa ice cream pero hindi ito sumagot. Affected ang kapatid ko sa nalaman niyang malungkot at umiiyak ang kanyang ninang. Hanggang sa pagbaba niya sa sasakyan ay ganoon pa rin ang kanyang mood. Sana bukas ay okay na ang Ninang nito para hindi naman tahimik ang aking kapatid. Daig pa nito ang nakipag-away sa boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD