Galing ako sa isang business meeting, gabi na itong natapos kaya natuloy na rin sa dinner. Mag-isa lang ako, parang nanibago ako dahil madalas ay laging may kasama ako, ang aking girlfriend na si Monica.
Sa ngayon ay may tampuhan kami nito. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita at hindi ko rin sinasagot ang kanyang mga tawag. Gusto ko munang maramdaman kung paano ang mag-isa.
Nagtangka akong makipag-break sa kanya ngunit hindi siya pumayag. Kung gusto ko daw ay cool off na lang muna. Hindi naman ako pumayag sa gusto niya. Pinairal pa rin niya ang siya ang masusunod.
College kami noon at graduating na. Wala pang k-12 noon kaya sa edad na 20 ay graduating na ako. Pumunta noon si Mommy sa school at nakita niya ang kanyang kaklase noong College rin kasama nito ang kanyang anak na si Monica na kasalukuyang nag-aaral din sa school na pinapasukan ko.
Ipinakilala sa akin ito ni Mommy. Maganda si Monica at maganda rin ang katawan niya. Pero ang ganda niya ay nakakasawa. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang tingin ko sa beauty niya. Si Mommy kasi ay gandang ganda sa kanya.
Si Mommy ang nanligaw kay Monica. Kung anu-ano ang ipinapaabot niya kay Monica pero ako ang kailangan na magbigay. Nakasanayan ko na siyang makita lagi. Hindi ko na nga matandaan kung paano naging kaming dalawa.
Tuwing may okasyon sa bahay ay kasama namin siya. Susunduin ko pa ito sa kanila. Hanggang sa naging ganoon na ang kalakaran. May nagyayari sa aming dalawa lalo na at wala ang parents niya. Doon niya ako pinapatulog. Lalaki ako at kapag naka-inom na ay nawawala na rin ako sa tamang katinuan. Hindi ako ang naka-una sa kanya. Ngunit tanggap ko naman iyon pero hindi ko nakita ang future ko sa kanya. Ilang beses na akong ipinagtutulakan nila Mommy, pero ayaw ko. Sinabi ko sa kanila na kapag pinilit nila akong magpakasal ay lalayo ako at sa ibang bansa na ako titira. Takot na sila Mommy dahil may sarili na akong negosyo at sariling pera. Nagpupundar ako ng mga properties na galing sa kinita ko para may masabi akong akin. Nabawasan lang ang pangungulit sa akin ni Mommy noong nagbuntis siya at nanganak kay Zandra. Sa kapatid kong bunso na ang age gap namin ay 25 years old. 45 na si Mommy nang ipanganak niya si Zandra.
Kung noon ay gandang ganda si Mommy kay Monica, noong magbuntis naman siya kay Zandra ay ayaw niyang makita si Monica. Nagtatago pa siya kapag pupunta ito sa bahay. Ang gusto niyang makita noon ay ang tagalinis daw sa parlor na laging pinupuntahan ni Mommy para magpaganda. Si Patriz, ang ninang ng aking kapatid.
Nakita ko siya noong binyag ni Zandra. Kasama nito ang mga kasamahan niya sa parlor. Ipinakilala sila sa amin ni Monica. Lagi kasing nakakapit sa akin si Monica lalo na at may magagandang dalaga sa paligid.
Hindi nakakapagtaka na paglihihan ni Mommy si Patriz. Napakaganda niya kahit simple lang ang ayos. Ang buhok niya na parang itim na gray kapag nasisinagan ng araw na bahagyang wavy sa laylayan ay mas nagbibigay ng kakaibang ganda dito. Ang mata niya na parang sa manika pati ang kanyang eye lashes na parang pina-ayos sa parlor. Pero sabi ni Mommy ay natural ang lahat kay Patriz. Ang ilong na perfect ang pagkakalilok at labi na mapupula. Pati ngipin nito ay maganda. Ilang beses ko siyang nakitang ngumiti at talaga naman mapapatingin ka talaga sa kanya. Mahahawa ka sa kanyang mga ngiti.
Hindi ko pa nga napagsasawa ang aking mga mata ay nagyaya na si Monica. “Let’s go darling.” Wika nito. Hindi ko magawang magalit sa kasamang lalaki ni Patriz sa paraan nang pagtitig niya kay Monica. Sinabihan ko siyang magpalit ng damit dahil kitang kita ang kanyang dibdib. Ang reason niya ay dapat pinapakita ang kagandahan ng katawan at asset niya iyon. Hanggang tingin lang naman daw at hindi naman nila makukuha. Para sa akin lang daw ang mga iyon. Isa ito sa sinusukuan ko, matigas ang ulo niya at ang maisipan niya ay gagawin niya at walang pwedeng pumigil. Kaya hindi kami magtatagal na magkasamang dalawa.
Ilang araw na akong malaya sa anino niya.
Malayo pa lang ako ay mukhang pamilyar sa akin ang nakikita kong nakatayong babae. Panay ang punas nito ng mga mata. Pinara ako nito, hindi ko alam kung kilala ba niya ang sasakyan ko o dahil puti ang kotse ko at napagkamalan akong taxi?
Tumigil naman ako at nakita ko itong umiiyak. Binuksan niya ang pinto sa likod at sumakay siya. Wala na akong nagawa.
“Saan ka?” tanong ko sa kanya. Hindi na ako nagpakilala dahil iyak siya nang iyak.
“Magsama sila ng babae niya, ayaw ko na siyang makita. Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Ang kapal ng mukha niya.” Litanya ni Patriz at saka iiyak ng malakas.
Namumula na ang matangos nitong ilong at mag ana rin ang kanyang magandang mga mata. Kung pwede ko lang siyang aluin para mabawasan ang kanyang sakit ay ginawa ko na.
Ibinaba ko siya sa address na sinabi niya. Buo ang sinabi niyang address kaya gumamit ako ng waze. Mahirap na siyang istorbohin kaya sa isip ko ay ako na ang bahala at kumpleto naman ang address na sinabi niya.
Nang tumigil kami sa harap ng bahay nila ay may iniabot ito sa akin na papel. Nakababa na ito ng mapagtanto ko na isang 500 pesos ang ibinigay niya sa akin. Ibabalik ko sana pero saka na lang. Wala siya sa huwesyo. Nagpasalamat na lang ako na sa sasakyan ko siya sumakay. Kung ibang sasakyan ay baka nasamantala ang kanyang sitwasyon sa mga oras na ito.
Hindi man niya ako nakilala, hindi ko man siya naka-usap ay masaya na ako. Hindi ko alam kung bakit sin ganito ang naramdaman ko.
Wala sila Mommy at Daddy. Nasa isang business trip sila at itutuloy na rin ang pagbabakasyon sa Japan. Hindi isinama si Zandra dahil may pasok pa ang bunso kong kapatid. Naglambing ito sa akin kung pwede ko ba daw siyang ihatid at sunduin sa school, na agad ko rin sinagutan.
Kaya masaya siya dahil may time na kaming mag-bonding.