PATRIZ’s POV
Normal na ang pagdaan ni Zandra dito sa parlor pagkatapos ng klase niya sa school. Malapit lang ito sa pinapasukan niya. Kaya bago siya umuwi sa kanila ay dito muna ang tungo. Kahapon lang talaga kami hindi nagkita pero dumaan pa rin siya. Mahilig siyang mag-share sa akin ng mga bagay na nalalaman niya o di kaya ay mga bagay na hindi niya masabi sa Mommy niya. Kaya bestfriend niya raw ako dahil naitatago ko ang mga sikreto niya. At iniingatan ko lahat nang sinasabi niya.
“Ano bang ibinulong ng inaanak mo kanina at ang tagal ng bulungan ninyo?” tanong sa akin ni Mommy Art. “Ay hindi mo nga pala iyon sasabihin dahil secret iyon.” Sagot din niya sa tanong niya. At totoo iyon hindi ko pwedeng sabihin sa kanila. Si Zandra lang ang pwedeng mahkwento sa kanila.
Sinabi niya sa akin kanina na wala na raw bruhilda sa buhay ng kuya Zandro niya. Sinabi ng kuya niya na coll off ang dalawa pero sinabihan daw niya na makipag-hiwalay na. Masaya siya dahil lagi niyang makakasama na ang kuya niya kapag wala si tita Monica daw niya. Ayaw ni Zandra sa girlfriend ng kuya niya. At iyon ang secret naming dalawa na hindi alam ng Mommy niya.
“Two days ng si Papa Zandro ang sumussundo kay Zandra. Siguro pati paghahatid sa school. Gurl, nakita mo kung gaano kasaya ang inaanak mo nang malaman na single ka na? Malamang irereto no’n sa iyo ang kuya niya. At ito ha, kanina, nakita ko kung paano ka titigan ng gwapong si Zandro. Hindi sana ako papayag na may kahati sa kanya kaya lang kung ikaw naman iyon ay handa akong magpaubaya. Basta kapag nagsawa ka ay ibibigay mo sa akin.” Mahabang wika ni Mommy Art.
“Mommy Art, baka may makarinig sa iyo tapos sabihin sa kumare ko. Nakakahiya. Alam mo naman na botong boto siya kay Monica kaya huwag kang magsasalita ng ganyan.” Saway ko kay Mommy Art. Okay lang na biruin ni si Zandro dahil halatang joke naman iyon pero kung sa akin iba lalo na at wala na akong boyfriend at si Zandro ay nagkakalabuan naman sila ni Monica.
“Walang magagawa si Madam Sonia kapag ang anak niya ang pumili ng babaeng gugustuhin niya. Tingin ko break na si Papa Zandro at ang girlfriend niya kasi maganda ang awra ng mukha niya ngayon. At kagabi habang kumakanta siya, panalong panalo. Ligawan lang ako ni Papa Zandro, I pa lang ang nasasabi niya ay sasagutin ko agad siya. Hindi na ako magpapakipot. Sunggab agad.” Maarteng kwento nito na may action pa.
Natawa na lang ako sa mga sinasabi ni Mommy Art. Napapailing na lang ako pero nakakatuwa talaga ang pagkakasabi niya. Hanggang kwento lang naman din si Mommy Art. Wala pa siyang naging boyfriend dahil ayaw niyang guamastos para sa lalaki. Dapat siya daw ang gastusan dahil dalaga siya at virgin pa raw. Kapag ganito ang mga litanya niya lahat kami ay napapatawa kahit na ang mga costumers. Lagi kaming masaya dito. Kaya ang tawag ni Zandra sa aming lahat ay beautiful people dahil lagi kaming nakangiti at kapag nakangiti ang lahat ay gumaganda.
Natahimik ako bigla dahil napaisip ako na may lakad pala kami mamaya. Kakain daw kami sa labas. Kung hindi ko lang iniisip na baka magtampo ang aking inaanak ay wala akong balak na sumama sa kanila. Bonding yata nilang magkapatid kung bakit niyaya pa ako ni Zandra.
Sabagay okay lang naman na lumabas ako. Hindi na pangit sa part ko dahil wala na naman akong boyfriend. At si Zandro naman ay medyo single sa panahon na ito. Saka bakit ko ba iniisip ang lakad namin mamaya? Hindi naman kami mag-de-date ni Zandro kundi pagbibigyan ko lang naman ang request ni inaanak ko. Saka alam naman nila na galing ako sa trabaho at ito ang suot ko. Pero may damit ako sa drawer, mamaya ay sisilipin ko baka pwedeng iyon na lang ang susuotin ko. Dadamihan ko na lang ng pabango. Baka mag-amoy na kung ano sa tagal nitong naka-stock na roon.
Okay na ang oras, pinayagan na ako ni Madam Lucila, at may susuotin na ako. Bigla naman ako ngayon na – excite sa lakad namin mamaya.
“Alam mo kapag lumabas kayo para na kayong mag-anak niyan. Si Zandro at Zandra nga lang parang magtatay na lalo na kapag kasama ka pa, isa na kayong happy family.” Sambit ni Mommy Art.
“Hindi naman po siguro.” Sagot ko kay Mommy Art.
“30 years old si Zandro at ikaw ay 25 years old at si Zandra ay 5 years old. Pwedeng pwede na talaga. Mahilig lang sina Madam Sonia at asawa niya kaya nakahabol pa sila ng isa. Mabuti at almost perfect na si Zandra. Kaya aliw na aliw sila sa bunso nila. Pati tayo dito sa parlor ay tuwang tuwa sa kabibohan niya.” Sambit pa ni Mommy Art.
May pumasok na costumer at turn n ani Mommy Art kaya natigil na kami nito sa kwentuhan. Naka ilang costumers na rin ako kaya malaki laki rin ang kikitain ko ngayong araw. Pati tip ng costumers ay malaki laki na rin. Four o’clock pa lang naman. May two hours pa ako. Kung gupit lang ang ipapagawa ay pwede pa ako makadalawang costumers bago ako sunduin ng magkapatid.
Matagal pa kaya naman naghanap ako ng matatrabaho dito sa loob. Hindi ako sanay na mauupo lang habang naghihintay ng costumers. Naglilinis ako o di kaya ay nag-assist ako sa mga kasamahan ko. Okay lang kahit walang bayad iyon sa akin. Minsan ay naaambunan naman ako ng tip.