=☆=☆=【Third person’s POV】=☆=☆=
Nang tumayo na si Chad na si Chad at lumabas na ng bahay, nagtalunan si Skylar at Mariel sa saya. “Nagustuhan niya yung niluto mo.” tuwang-tuwa at tila ba kinikilig na sabi ni Mariel.
Dahil umalis na si Chad sa kaniyang mansyon, nagkaroon si Mariel na ilibot at ipakilala si Skylar sa mga kasamahay niya sa buong bahay.
“Hindi ko lang alam kung malilibot natin ‘to sa isang araw ah!” ani ni Mariel.
Wow ha! Ano yan? Mas malaki pa sa loob ng mall? Anyway, nagsimula na silang mag libot. Una nilang nilibot ay ang loob ng bahay. Sobra ang pagkamangha ni Skylar sapagkat ngayon lang siya nakakita ng bahay na may archade sa loob. In fact, ngayon lang siya nakakita ng archade sapagkat noong bata pa siya ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang tumulong sa kaniyang mga magulang.
Habang si Skylar ay nililibot ang bahay ni Chad, si Chad naman ay nagkaroon ng meeting kasama ang kaniyang mga kasapi sa organisasyon. Pumunta si Chad sa pagmamay-ari niyang bar at pumunta sa kanilang secret conclave kung saan lahat ng meeting ng kanilang organisasyon ay duon nagaganap. Walang kahit anong cctv at hidden mic sa buong paligid na maaaring ma-hack ng kalaban.
Dahil sa hinatid pa ni Chad si Skylar sa kanilang bahay, na late ito ng mga dalawang oras lang naman. Kaya ng naglakad siya papasok ng meeting room ay napatingin sa kaniya ang mga kasamahan niya.
“Hala! Ang aga mo naman!” sabi ni Addison sabay tingin kanniyang relo.
“Oo nga pare! Dapat ginawa mo ng tatlong oras para cute.” sabi naman ni Frank na ikinatawa ng lahat,
“Bakit? Anong oras na ba?” pagtatanong ni Chad sa lahat,
“Eleven na! Ang usapan ay dapat nandito na ng nine. Siguro kaya ka na late dahil may kinita kang babae noh.” ani ni Tyler na isa sa mga hitman ng organisasyon,
Napangisi na lang si Chad dahil totoo naman na may kinita talaga siyang babae. Hindi nga lang kagaya ng nasaisip nila.
“Nine? Sigurado ako na eleven ang sabi ko kaya hindi ako na late, nauna lang kayo.” Napangisi at napailing na lang ang nasa loob ng meeting room. “Tsaka, kaya ako natagalan dahil may dinaanan pa ako.” pagpapaliwanag ni Chad,
Nagsimula na silang magbigayan ng impormasyon patungkol sa nangyayari sa loob ng organisasyon nila. Kagaya ng kung ilan na ang napapadala nilang mga iligal na mga product. Don’t worry kasi hindi kabilang dito ang drugs. Hindi nila tinotolerate ang mga nagbebenta ng drugs lalong lalo na ang mga malalaking kumpanya na nagbebenta nito. In fact, kinakalaban nila ang mga ito.
One time, may nakapag balita sa kaniya na may nagpasok ng drugs sa east venue kaya agad niya itong pinuntahan at binalaan. Hindi gumana ang pagbabanta niya dito kaya noong bumalik ang nagbebenta ng drugs sa kaniyang lugar ay agad niyang inutusan ang kaniyang hitman na si Isaiah na patumbahin ito. Si Isaiah ang pinaka matangkad sa kanila na may taas lang naman na 6’7f. Kaya minsan, haharap pa lang siya sa ibang tao ay natatakot na sa kaniya. Kaya kung tutuusin, para kay Chad, si Isaiah ang pinakamagaling sa kaniyang mga hitman.
“Tayo pa rin ang may pinaka malaking transport ng sasakyan na naipapadala sa iba’t ibang bansa base sa tracking ni Renz. Ganoon din sa diamond at sa fire arms.” ani ni Jaeden.
Tuwing nagkaka-meeting sila, kadalasan ay Ang don, underboss, consigliere, at capos lang. Ngunit ngayon ay may sumamang isang hitman sa meeting nila at iyun ay walang iba kung hindi si Tyler. Si Tyler na marites at gusto ay lagi siyang involved sa lahat ng meeting.
=☆=☆=【Skylar’s POV】=☆=☆=
Ilang oras na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Sobra pa naman akong kinabahan ng sabihin sa akin ni Mariel na pinalayas ni boss Chad ang huling nagluto sa kaniya ng adobo. Grabe, buti na lang at nagustuhan niya yung akin. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko na nasimut ni Chad ang pagkain sa lamesa niya.
“Ay! Bakit parang kilig na kilig yung isa diyan?” nakangiting sabi sa akin ni Mariel sabay bangga ng mahina sa aking baywang. Nasa loob kami ng isang maliking kwarto na marami ang nakahelerang kama, medyo malayo sa bahay ni Chad pero nasa loob pa rin ng lupa niya. Ewan ko ba, siguro ganto talaga ang mayayaman. Sa sobrang daming mga pera ay parang wala ng mapaglagyan at tila ba ibinibili na lang ng kung-ano-ano. Kagaya nitong lupa at bahay niya na halos kasing laki na ng isang baranggay. “UUY!!! Natahimik siya… so totoo nga na kinikilig ka? Kanino? Share mo naman oh!” pagbibiro nito.
“Uy! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sayo.” napatingin si Mariel sa buong paligid.
“Jusko ka! Sinong maakakrinig sa atin e tayong dalawa lang naman ang nandito sa loob. Uy! May third eye ka ba?” Napalingon din ako sa paligid. Wala nga pala talagang tao. Bakit ko ba sinabi yun?
“Baliw. Ibig ko lang sabihin ay hindi ako kinikilig at baka kung may ibang tao dito at marinig, baka isipin nila na kumikirengkeng ako.” pagpapaliwanag ko.
“At ako pa ang baliw ngayon? At tsaka, ano naman kung may makarinig? Mababait naman sila kaya okay lang yan. Huwag na huwag mong iisipin na huhusgahan ka namin.Pare-parehas lang naman tayo ng kinatatayuan sa buhay.” ani ni Mariel, “So… sino nga?” pangungulit niya habang yinuyugyug ang balikat ko.
Buti na lang talaga at pumayag akong magtrabaho dito. Pakiramdam ko ay nakahanap ako dito ng kaibigan. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, ngayon lang ako nakatagpo ng kagaya ni Mariel na makulit, mabait at higit sa lahat ay maganda. Sana ay maging kaibigan ko na talaga siya.
Mas matangkad ako kay Mariel pero hindi na ako nagulat duon dahil kadalasan naman ng mga natatabihan ko ay di hamak na mas matangkad ako. Huli ko kasing sukat ng taas ko ay 5’6ft ako. Malamang ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Maliit ang mga mata ni Mariel at ganoon din ang kaniyang labi. Kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at ang buhok niya naman na hindi lalagpas sa kaniyang balikat ay itim na itim.
“Wala. Ano lang kasi, uhm. Natutuwa lang ako dahil nagustuhan ni boss Chad ang luto ko.” itinigil niya ang pagyugyog sa balikat ko at tinignan ako ng mata niyang halos maningkit na sa sobrang laki ng kaniyang ngiti.
“Oo nga e. Tsaka, napansin mo? Parang medyo good mood si sir ngayon?” sabi ni Mariel.
“Good mood? Pasensya na, hindi kasi ako nakakaintindi ng salitang ingles.” Ang galing niya, kanina pa siya may mga nababanggit na salitang ingles pero ngayon ko lang nasabi na hindi ako nakakaintindi nun. Buti pa siya, kahit papaano ay natutunan ang lengwaheng iyun.
“Ah ganun ba? Syems, sorry! Ay, pasensya na. Ibig kong sabihin sa good mood, yung parang hindi siya nagalit ngayon.” Sa mukha niyang nakasibangot, good mood pa para sa kanila iyun? Jusko, kung good mood na iyun para sa kaniya, paano pa kaya kung hindi? Oh diba! May nalaman ako ngayong salita. Good mood.
“Alam mo, tuturuan kitang mag english pero sa isang kondisyon.” napatingin ako kay Mariel,
“Ano yun?” pagtatanong ko,
“Tuturuan kita basta ituturo mo rin sa akin kung paano mo niluto yung adobo mo.” nakangiti niyang sabi.
“Sige ba!”
Habang nagdadaldalan kami ni Mariel sa loob ng malaking gusali na ito, bigla kong naalala si Tyler at pati na rin si Ina. Ano kaya ang ginagawa nila? Naka-kain na kaya sila? Kung oo, ano kaya ang ulam nila? Pero paano kung hindi pa?
Ang daming pumapasok sa utak ko. Ngayon lang kasi ako nalayo sa kanila. Sanay ako na laging nasa tabi nila, lalo na kapag kumakain sa tanghalian at hapunan. Sana talaga ay nakakain na sila. Ang ngiti sa aking mukha ay napalitan ng pag-aalala.
Napansin ito ni Mariel kaya napatanong na siya, “Ayos ka lang ba?”
Umiling ako, “Yung anak ko tsaka si Ina, baka hindi pa sila kumakain, may sakit kasi si ina kaya minsan hindi niya kayang tumayo sa kama.” parang kinakalikot ang tiyan ko sa sobrang pag-aalala sa kanila. “Kailangan kong tawagan si mama.” Agad kong kinuha ang telepono kong dipindot sa maliit kong bag at tinawagan ang numero ni ina.
“Bakit ka tumawag anak?” pagtatanong sa akin ni ina. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses ni ina.
Napansin ko na nilalapit ni Mariel ang tenga niya sa telepono kaya naisipan ko na lang ilagay sa speaker.
“Kumain na po ba kayo?” maiyak-iyak kong tanong. Hindi ko alam kung bakit parang iiyak ako, siguro nga ay dahil ngayon lang ako nawalay sa kanila. Akala mo namang isang linggo ko na silang hindi nakita, e kanina lang naman ako umalis ng bahay. Basta, ewan ko. Ang alam ko lang ay namimiss ko na sila lalong-lalo na ang anak kong makulit.
“Oo anak! Hindi mo ba alam? Ang sabi ng lalaking mabait ay ikaw daw ang nagpadala nitong napakasarap na pagkain.” Kinilabutan ako sa sinabi ni ina. Wala akong pinapaabot na kahit na ano. Naku! Baka kaya may masamang balak ang nagbigay ng pagkain na iyun.
“Ina! Huwag ninyong kainin yan! Wala akong pinapadala na kahit anong pagkain sa inyo. Baka mamaya ay nilagyan yan ng—
“Hi mama! Si kuya po kagabi. Si kuyang mabait.” medyo mahinang ani sa akin ni Tyler,
“Si Chad?” medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin ako kay Mariel at tila ba gulat na gulat sa aking sinabi.
“Kaibigan ko! Kapangalan ng boss natin.” Pagpapalusot ko.
May sasabihin pa sana ako ngunit biglang naputol ang tawag. Naubusan na ako ng load.
“Jusko! Akala ko si sir Chad!” ani niya sabay tawa, “Akala ko nag bagong buhay na si sir Chad at pinilit niya na lang na maging mabait.”
Totoo ba? Bakit niya ginawa ‘yun? Hala! Hindi kaya, alam na niya na siya yung ama ni Tyler? Hindi ito maaari lalo na ngayon na alam ko na kung gaano siya kayaman. Baka ihiwalay niya sa akin ang anak ko.
Masyado nag malalim ang pag-iisip ko. Hindi naman siguro niya alam dahil kung alam niya ay kinuha niya na sa akin si Tyler nung una pa lang. Masyado lang akong mag-isip.
“By the way, may anak ka na pala? Grabe, ang bata mo pang tignan. Ilang taon ka na ba? At ilang taon na din ang baby mo?” Marami talaga ang nagugulat sa tuwing nalalaman nila na may anak na ako. Eighteen lang kasi ako noong nag buntis ako kay Tyler. Oh diba ang bata ko pa! Ayun kasi yung unang beses kong makasama si Chad e. Grabe! Hindi lang pera ang iniwan, pati pala bata. Pero syempre, hindi ako nagsisisi dahil noong gusto ko ng sumuko sa buhay, si Tyler ang nagpapalakas ng loob ko upang tuluyan pang lumaban sa buhay.
“Twenty two na ako at si Tyler naman ay apat na taon.”
“Asan yung tatay ng bata?” hindi ko na siya nasagot. Napansin niya ata na natahimik ako kaya agad siyang nailang at humingi ng pasensya.
“Pasensya na! Ang daldal ko kasi e. wag mo ng sagutin yun.” ani ni Mariel at nginitian ko naman siya. “Alam mo, kung nag-aalala ka sa kanila, edi ipaalam mo sila kay sir. Yung kasamahan nga natin na isa, yung anak nun ay dito din tumutuloy dahil single mother yun.”
“Nahihiya ako e, baka sabihin sakin ni boss Chad na kabago-bago ko lang ay may mga hinihiling na agad ako.”
“Anu ba! Huwag mo ngang isipin yan. Mabait naman si sir e.” ani niya, “Minsan.” sabay ngisi ng mahina, “Uy, pero aminin, sobrang pogi ni sir kahit laging naka poker face.”
“Poker face?”
“Oo! Yung laging seryoso yung mukha.” Jusko! Si Mariel lang pala ay sapat na para matutunan ko ang salitang ingles e.
Habang nag-uusap kami ni Mariel ay biglang pumasok ang si manang.
“Ano pang ginagawa ninyo diyan? Malapit ng umuwi si sir. Baka abutan kayong wala sa loob ng bahay. Magaya pa kayo sa mga napapatalsik dito.”
Agad tumayo si Mariel at hinila ako palabas ng satingin ko ay kwarto naming mga kasambahay.
“Tara na! Wala ka pang naluluto! Ayokong mapatalsik ka ng bahay.” kabadong ani sa akin ni Mariel habang tumatakbo kami papuntang bahay ni sir Chad.