=☆=☆=【Skylar’s POV】=☆=☆=
“Anong nangyayari?” natatakot ako sa nangyayari sa harap ko. Ano ba kasing nangyari at sa harap pa ng anak ko sila nag-away.
Wala na ang ingay at nakarinig na ako ng mabibilis at mga papalayong yapak. Sinilip ko at wala na nga ang mga nag-aaway bagkus, ang nasa harapan niya ay ang dalawang matatangkad na lalaki. Si Chad at ang isa pang lalaki na hindi ko kakilala.
Kumunot ang aking noo at tumayo sa harap nila. “Hindi ninyo ba nakikitang may bata sa harap? Dito pa talaga kayo nag-away. Mga basagulero.”
“Tsk! Pasalamat ka nga at tinulungan ka ni Chad e. Panigurado na kung hindi namin inabutan ang pangyayari, malamang ay wala na ang anak mo sa tabi mo.” Tinignan ako nito ng masama, “Walang utang na loob.” inis na inis ako not knowing na ako pala ang may sala at pinagtanggol lang pala nila ako at ang aking anak.
“Totoo ba ‘yun anak?” napalingon ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat. Pinantay ko ang aking mata sa kaniya at lumuhod.
“Opo mama. Tapos po kumuha pa po sila sa balut tsaka nilagay po nila sa bulsa nila. Mama ang galing galing po nila kuya kasi napatumba po nila yung mga masasamang tao tapos po…” Napapikit ako ng mata. Nakakainis naman.
Muli akong tumayo at napakamot na lang sa ulo. “Pasensya na sa nasabi ko. Hindi ko naman alam e. Basta ayoko kasi ng nakakakita ang anak ko ng mga ganun.”
“Sa susunod kasi, huwag kang tulog ng tulog. Meron bang nagbebenta tapos natutulog? Then kasama mo pa yung anak mo? Jusko po. Hindi mo ba pwedeng iwan ang anak mo sa bahay?” sabi ni Chad.
“Oo nga! Oh di kaya, kung pagod ka pala, edi sana hindi ka lang muna nag tinda.” inis naman na wika ng kasama niyang pogi nga nakakainis naman.
“Pasensya na ah! Kung hindi ako pwedeng mag pahinga kapag napapagod na. Pasensya dahil kung nagagawa ninyong humiga sa malalambot ninyong kama sa tuwing oras ng pahinga, pwes ako hindi. Kailangan kong kumayod para sa pambili ng gamot ng mama ko, sa bayarin sa bahay, pangangailangan ng anak ko at sa pang-araw-araw na pang kain. Palibhasa kasi kayong mayayaman, hindi ninyo naiintindihan ang sitwasyon naming mga mahihirap. Habang kayo ay nagpapakasasa sa mga pera ninyo, kami ay gumagawa ng paraan upang malagpasan ang isang araw.” hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako kaya ng mapansin ko ito ay agad ko itong pinunasan. “Sige na! Salamat sa pagtulong. Sir Chad, salamat po.” Binuhat ko na ang balut at ipinatong sa aking ulo at hinawakan na ang kamay ng anak ko. “Mauna na po kami.” lumakad na ako papalayo hahbang sila ay nakatayo pa rin sa kanina pa nilang kinatatayuan.
“Miss! Hold on.” Ano nanaman?
Nilingon ko ito, “Ano po iyun? Bibili po ba kayo ng balut?” Itinanggal ko sa pagkakapatong ang bilao at kumuha ako ng plastic upang ilagay ang isang balut sa loob.
“No! Hindi kami bibili. I just wanna know if you know how to cook.” sabi nito na hindi ko naman naiintindihan,
“Pasensya na boss, hindi ko po kayo naiintindihan. Mauna na po ako.”
“Ang sabi ko, marunong ka ba mag luto?” Tinignan ko ulit siya,
“Opo boss, Ako po ang nagluluto sa bahay simula pa ng bata ako.” Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong. Ang gusto ko na lang ay makaalis na sa lugar na ito at mailako ko na ang mga natitirang balut para makauwi na kami. Panigurado ay gutom na si Ina.
“Sa gawaing bahay?” Malamang. magluto ngq kaya ko e, sa gawaing bahay pa kaya. Maliit man ang bahay namin pero malinis ito.
“Opo.” ayan na lang ang naisagot ko sa kaniya.
“I’m looking for a house servant. I’ll pay you 150k if you accept ng offer as my maid.” ito nanaman ni sir. sabi na ngang hindi ako nakakaintindi ng lengwahe niya e, inulit pa.
“Hindi nga po kita naiintindihan sir. Aym dont spokening dalars.”” nakakainis, nasasayang yung oras ko dito.
“Sabi ni Chad, babayaran ka niya ng 150,000 pesos per month kapag nagtrabaho ka bilang katulong sa bahay niya.” Nanlaki ang mga mata ko. Niloloko ata ako nito e. Akala ata ay maniniwala ako sa mga sinasabi niyang kalokohan. Akala siguro nito ay mukha akong pera kaya ganoon na lang mag bigay ng presyo,
“HOY! Anong akala mmo sa akin? Mukhang pera?” umiling ang dalawa at tumalikod na sa akin,
“Sayang lang oras natin dito. Tara na.” sabi ni Frank,
“Kailan ba ako pwedeng mag start.” Napahinto sila sa pag-lalakad. Hindi man siya nakaharap sa akin pero ramdam ko pa rin ang ngisi ng kaniyang mukha.
“Kahit kailan mo gusto. Kung gusto mo nga ay bukas na agad.” sabi ni Chad na ngayon ay nakatingin na sa akin.
“Siguraduhin mong totoo ‘to. Kung hindi ay yari ka sa akin. Ipapatawag ko ang mga gangster na kakilala ko at ipapabugbog kita.” sabi ko kahit wala naman talaga akong kakilalang gangster. Kung tutuusin nga ay iniiwasan kong may makasalubong na mga ganun dahil natatakot ako sa kanila. “Bukas. Magkita na lang tayo sa harap ng bayan. Hindi ko pa alam kung saan ang bahay ninyo kaya kahit ituro mo na lang sa akin bukas. Alas-sais ng umaga. Sa harap ng bayan.” Umalis na ako at nagopatuloy na sa paglalako.
Kinabukasan. Maaga akong gumising para makapaghanda. Nagluto na rin ako ng gulay para iinitin na lang ni ina ang pagkain. Hindi ko pa kasi alam ang patakaran sa pagtatrabahuhan ko. Basta kailangan kong linawin na kailangan ay makakauwi ako sa amin ng gabi upang asikasuhin si ina at Tyler.
Naligo na ako at nagbihis. Hindi na ako nakapag-paalam kay ina at Tyler dahil mga tulog pa sila. Nakapag-usap na naman kami ni ina kagabi patungkol sa bago kong trabaho, ayun lang nga, hindi ko nabanggit kung magkano ang magiging sweldo ko. Hindi ko pa kasi alam kung totoo yun. Sasabihin ko na lang sa kaniya kapag natanggap ko na ang pera.
Alas singko y medya na at naglakad na ako papuntang bayan. Halos tresta minuto din kasi ang paglalakbay ko simula sa amin hanggang bayan. Pero ayos lang sapagkat sa sobrang tagal ko na itong ginagawa ay nasanay na ako.
Nang makarating ako sa harap ng bayan ay wla pa ito. Mag a-alas sais pa lang naman kaya ayos lang. Saktong alas-sais ay may dumarating na na isang magarang sasakyan. Alam kong si boss Chad na ito dahil sa kaniya lang naman ako nakakakita ng mga ganitong klase ng sasakyan. Boss na ang itatawag ko sa kaniya dahil magtatrabaho na ako sa kaniyang bahay.
Huminto ito sa akin at kinatok ko ang kaniyang bintana. Binuksan niya ito at ibinaba ko ang aking ulo katapat ng bintana. “Saan ba yung bahay mo boss? Mamamasahe na lang ako.” ani ko ngunit hindi niya ako sinagot at sumandal ito sa kabilang gilid upang buksan ang pinto.
Lumakad ako sa kabilang gilid ng sasakyan at umupo sa tabi niya. “Boss, wla aka bang ibang pupuntahan? Pwede naman akong mamasahe na lang. Sabihin mo lang yung address mo tapos—”
“Enough! God damn!” malakas niyang sabi,
Hindi ko man naintindihan ang sinasabi niya pero parang nagalit siya kaya natahimik na lang ako.
Okay! Napakasungit, sinasabi ko lang naman e. Buong byahe ay tahimik lang kami. Malayo-layo rin pala ang bahay ni boss Chad. Jusko, wala na akong nakikitang bahay sa paligid. Maya-maya lang ay lumiko siya at may bumukas na gate. Siguro ito na ang lugar niya. Ang buong paligid ay may hilera ng mga puno na hugis christmas tree. Hindi ko alam ang tawag sa puno na ito pero nakakakita ako ng mga ganto sa tabi-tabi. Walang mga bahay sa paligid. Huwag mong sabihin na pagmamay-ari niya ang buong ito? Lumingon ako sa kaniya at ibubuka ko pa lang ang aking bibig ay itinaas na niya agad ang kaniyang hintuturo na tila ba ayaw niyang marinig ang aking mga sasabihin. Edi huwag. Itatanong ko lang naman kung malaopit na tayo e.
Sumandal na lang ulit ako sa upuan at pinagmasdan ang paligid. sa harap namin ay may malaking bahay. Sobrang laki. Huwag mong sabihing ito ang lilinisin ko? Hala? Hindi kaya isang linggo bago ko malinis ang buong bahay niya?” Inihinto na niya ang kaniyang sasakyan sa harap ng napakalaking mansyon.
“Boss! Hindi ba parang ang laki namna ng lilinisin ko?” hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso lang sa napakalaking pinto ng bahay. Sinalubong siya ng mga taong naka puting uniporme. Ano ‘to? School at si Chad ang teacher? Kaloka.
Nang makapasok si Chad sa loob ay agad naman akong inasikaso ng isang naka unipormeng puti. “Ma’am ako na po magdadala ng bag niyo?” Kinuha nito ang maliit kong bag na may lamang kaunting pera at telepono kong dipindot. Kukuhanin ko na ulit sana sa kamay niya ng biglang lumingon si Chad sa direksyon namin. Nginitian ko lang ito at pinasunod na ako ng babaeng nakaputi sa loob ng malaking bahay.
“Siya na ang papalit sa nagkasakit.” ani ni Chad sabay akyat sa mahaba at bonggang hagdanan. Nilingon ko ang buong bahay at bago ko pa matapos i-ikot ang aking tingin sa bahay ay iniabot na sa akin ng babae ang bag ko.
“Akala ko pa naman guest ka dito. Kasambahay ka lang pala na kagaya namin. Binitbit ko pa yung bag mo na parang wala namang laman.” sabi nito. Ay ang taray naman.
“Pasensya na po.” ani ko sabay yuko,
“Joke lang! Ano ko ba. So????”
Inaantay ko ang kasunod niyang sasabihin pero parang wala, “Ano pong so?”
“Bakit ka nakasakay sa sasakyan ni Sir? Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sumakay sa sasakyan niya. OMG! Sana ako naman sa susunod ang maisakay niya duon.” Napakamot na lang ako ng ulo, “By the way, Mariel nga pala ang pangalan ko.” Halos kasing edad ko lang siya kung hindi ako nagkakamali. basta bata pa rin siya kagaya ko. “At siya naman si manang, siya yung makakasama mo sa paghahain sa umaga. Si kuyang driver naman ay madalas na nasa garahe para in case na magpahatid si sir sa kung saan ay mabilis siyang makakasunod. Siya din ang naglilinis ng mga sasakyan ni sir. Nakaka-awa nga e, ang daming sasakyan tapos siya lang at yung isa pa nating kasamahan ang naglilinis.”
Hanggat maaari ay nakangiti ako. Ayoko namang isipin nila na hindi ako palakaibigan. Baka kasi kapag sumubangot ako ay isipin nila na nagtataray o nagsusungit ako.
Sinimulan na nila akong turuan ng mga gagawin sa bahay. Bali pala hindi ko naman kailangang maglinis ng buong bahay dahil may mga naka toka kaming gagawin sa pang-araw-araw. Ang kailangan ko lang gawin ay magluto para kay boss Chad at panatilihing malinis ang dalawa niyang kusina. Grabe, mas malaki pa ang kusina niya kaysa sa buong bahay namin. Sa akin din nakatoka ang pamamalengke dahil ako ang nakaka-alam ng mga lulutuin. Sa akin din nakatoka ang laman ng aparador pati na rin ang laman ng malaking ref.
“Kailangan ay hindi nauubusana ng mga laman ng aparador at ref na iyan dahil masisigawan ka ni sir. Ang malala pa ay baka mapalayas ka pa ni sir.
“Parang mabait naman si sir ah?” Nagngisihan ng mahina ang mga kasamahan ko,. Bakit? Totoo naman. Binili niya nga ng gamot si ina at hindi lang iyun, pinagtatanggol niya rin ako sa kapahamakan.
“Alamin mo na lang sa sarili mo. Sige na at magsimula ka ng magluto. Ang gusto ni sir ay yung bago siya pumasok ng opisina niya ay nakakain na siya.” Tatalikod na sana siya ng bigala ulit siyang tumingin sa akin, “At, huwag na huwag kang hahawak ng kahit anong pagkain ng walang gloves.” Gloves? Ano yun?Binuksan niya ang isang aparador at iniabot sa akin ang plastic na hugis kamay. Ah! Ito yung mga nakikita ko sa mga nadadaanan kong karinderya. Gloves pala ang tawag dito. Sinuot ko na ito sa aking magkabilang kamay at binuksan ko ang malaking ref at nagulat ako sa sobrang daming laman nito.
Agad kong nakita ang manok at ang naisip ko agad ay adobo. Specialty ko kasi ‘to sa bahay. Sa tuwing ganito ang niluluto ko ay nasisimut ang kaldero pati na rin ang kanin. Sinimulan ko ng linisin ang manok pagtapos ay naghiwa na din ako ng mga igigisa ko.
Nang matapos ko ng lutuin ay naghanap agad ako ng paglalagyan. nakita ko sa loob ng isang aparador ang babasagin na mangkok kaya duon ko na lang naisipang ilagay ang adobo. Nakahanda na ang lahat sa lamesa at ang ulam na lang ang kulang.
Pinagtinginan ako ng mga kasamahan ko. “Bakit?” pagtatanong ko habang inilalapag ko ang mangkok sa lamesa.
“Alam mo bang ang huling nagluto ng adobo sa bahay na ito ay napatalsik ni sir? Niluwa niya yung pagkain sa tissue at agad pinalayas ni sir yung nagluto?”
“Hala! bakit ngayon mo lang sinabi?” Agad kong nilapitan ang mangkok. Handa naman akong magluto ng ibang ulam kaso pababa na si sir ng hagdan kaya iniwan ko na lang ulit sa lamesa.
“Pasensya na, hindi ko nasabi sa iyo. Mukha pa namang magkakasundo tayo.” bulong sa akin ni Mariel. Jusko lord, please, huwag naman sana akong mapatalsik agad. Kaka-simula ko pa lang eh.
Umupo na si boss Chad at kumuha na ng kanin at ulam. Nakapikit ako at nagdadasal na magustuhan niya sana at huwag niya akong paalisin.
“Hmm!” ani ni boss chad habang tumatango-tango. Kumuha pa ulit siya ng adobo na nasa mangkok at sumubo ng kanin.
Napatingin sa akin ang si Mariel at manang at tila ba gulat na gulat.
"Great start!" sabi ni Chad ng masimot niya ang kanin na nasa plato at ang luto kong adobo na nasa mangkok. Mukhang nagustuhan ni Boss Chad ang luto ko.