=☆=☆=【Third person’s POV】=☆=☆= “Ako lang ba ang nakakapansin?” ani ni Addison habang naka halukipkip at naka krus ang mga binti. Napatingin sa kaniya ang mga kasamahan nila. “Hindi niyo napapansin na may parang mali sa mukha ni Chad?” Napakunot ang mukha ni Chad, “Please tell me na hindi nabawasan ang kagwapuhan ko.” wika ni Chad habang ang dalawang kamay ay kinakapa ang kaniyang mukha. Nang mahawakan ni Chad ang pasa niya sa mukha nung nasuntok siya nung lalaki noong gabing tinulungan nila si Skylar, napapikit siya. Tsaka niya lang naalala na may hiwa nga pala siya sa loob ng kaniyang labi at nag pasa din ito ng bahagya. “Sino ang gumawa sayo niyan at raratratin ko ng bala sa mukha.” bulalas ni Tyler. Nilapitan si Chad ni Tyler pati na rin ni Jaeden at Alexander. “Oh wow! Ikaw? Nakipa