=☆=☆=【Third person’s POV】=☆=☆=
Sakto ng matapos kumain si Chad, dumating na ang mga FBI. Nagpanggap si Chad na hindi niya ine-expect na darating ang mga ito. Hindi siya natataranta sa tuwing may raid ang FBI sa kaniyang lugar sapagkat, thanks to his cousin, may kapit siya sa mga ito. Sabi nga nila, ‘keep your friends close and enemies closer.’
Inantay niya na siya ang lapitan ng mga ito dahil sanay na siya na kapag nakikita siya ng mga ito ay nilalapitan siya ng may ngiti sa kanilang mga labi.
“Ayun, nakaupo.” wika ng pinsan ni Chad na si Erickson sa mga kasamahan niyang FBI agent kagaya niya.
Nilapitan nila ang nakatalikod na si Chad, “Mr. Zeppieri.” nakangiting tawag ng isang FBI agent kaya napalingon si Chad. Nagpanggap si Chad na nasurpresa siya sa pagdating ng mga ito.
“Uy! Whatsup.” Tumayo si Chad at sinalubong ang mga FBI.
Pinaupo niya ang mga ito atinalok ng inumin. “Umorder lang kayo diyan. It’s on the house.” sabi ni Chad.
“Another raid?” pagpapanggap ni Chad,
“Oo! May nakapag alert nanaman sa office na illegal gumbling na nagaganap malapit dito. Pumunta na rin kami para sa libreng drinks at pagkain.” sabi ng isang FBI.
Nagulat si Chad sa narinig niya. “Dito sa east venue?” Hindi maaaring may maganap na kahit anong iligal sa east venue dahil ayaw niyang magkaroon ng bad impression sa kahit anong otoridad. Ayaw niyang masangkot ang pangalan niya sa kahit anong kaso lalo na at may pinapahalagahan siyang organisasyon na kahit na sino ay walang nakaka-alam except sa mga kaibigan niyang si Trystan at Daisy, pati na rin ang pinsan niyang si Erickson. Ayaw niyang masangkot lalo na at sa ngayon ay maganda pa ang pakikitungo sa kaniya ng mga otoridad. Sobrang organized kasi ng organisasyon nila na kahit ang mga matataas na otoridad ay walang kahit anong trace about sa kanila.
“Nope!” sabi ng pinsan niya sabay tungga sa shot glass.
“Sa labas ng east venue. Duon na club malapit sa papasoik dito.” Buti naman. Nawala ang kabang naramdaman ni Chad at napalitan ito ng ngiti sa kaniyang mga labi.
Kumuha ng alak si Chad, “Cheers!” ani ni Chad.
Habang si Chad ay nakikipag-usap sa mga FBI agents, si Alexander, Jaeden at Trystan naman ay hindi alam ang gagawin sa balut na inilagay ni Daisy sa bibig nila. halos maduwal-duwal ang dalawa habang si Daisy at Addison ay pinagmamasdan lang sila habang payapang kumakain.
“Ang arte niyo. Para kayong hindi mga pinoy.” sabi ni Addison habang nginunguya ang balut at sarap na sarap. Lumingon si Addison kay Daisy. “Ang sarap pala ng balut sa sinigang. Pwede ka bang magdala ulit nito bukas? Pleaasseeee?”
Napangiti si Daisy at tumango, “Oo naman! Kahit araw-araw pa, walang problema.”
Habang si Addison ay masaya sa sagot ni Daisy, sila Alexander naman ay tila ba hihimatayin.
“Sasabihin ninyo kung kailan kayo pupunta dito para maiwasan kong pumunta.” sabi ni Alexander,
“Huwag mong pansinin yan. Maarte talaga yan.” sabi ni Addison kay Daisy at patuloy na silang nag kwentuhan.
Biglang bumukas ang elevator at duon ay bumungad si Chad.
“Wala na sila?” pag-uusisa ni Addison,
“Wala na!” napalingon si Chad sa tatlo, “Oh! Bakit ganyan ang mga itsura ninyo?” Namumutla sina Trystan, Alexander, at Jaeden.
Hindi ito mga nagsisagot at tinuro lang ang direksyon nila Daisy, “Ah!” ayan lang naging sagot ni Chad bago ito maglakad ng mabilis papalayo sa kanila at pumasok sa kaniyang private bedroom.
Makaraan ang isang linggo, nagkasakit ang nagluluto sa kaniyang bahay kaya ng magising si Chad ng walang pagkain sa lamesa, nagalit ito.
“ASAN NA YUNG PAGKAIN?” umaalingaw-ngaw ang kaniyang boses sa loob ng malaki niyang bahay. Nagsilapitan ang mga nakarinig na kasambahay sa upuan kung saan nakaupo si Chad at mga nagsiyukuan ang mga ito sa takot.
“S-Sir, nagkasakit po kasi si ate Kyla kaya hindi po siya nakapag-luto.” sabi ng lalaking kasambahay,
“Ah ganun? Hindi ninyo ba nasabi sa baguhan na ‘yan na kaya natanggal yung nauna sa kaniya dahil sa gantong eksaktong pangyayari?”
Ibubuka pa lang sana ng kasambahay na lalaki ang kaniyang bibig ng bigla ulit magsalita si Chad, “You know what? I don’t even wanna hear it. Ikuha ninyo ako ng bago. At please lang, yung hindi sakitin kung ayaw ninyong pati kayo ay mawalan ng trabaho.” Padabog na tumayo si Chad sa upuan, “Nakakawala kayong lahat ng ganang kumain.”
MEANWHILE, si Skylar ay napagpasyahan munang iwan ang kaniyang anak na si Tyler upang maghanap ng mapapasukan. Since, hapon lang naman ang oras ng tinda ng balut, napagdesisyunan ni Skylar na maghanap ng ibang sideline upang mas mabilis siyang makaipon.
“Basta anak huwag kang magkukulit kay ina ah! Dito ka lang sa kwarto, babalik din agad ako.”
Nagdala lang ng kaunting pera si Skylar at umalis na rin ng kanilang maliit na bahay. Pumunta ito sa kalapit na siyudad kung saan maraming hiring. May mga saleslady, kargador, at marami pang iba. Lahat ng iyun ay pinuntahan niya at nagbabakasakaling kahit isa manlang ay matanggap siya. Wala siyang maiharap na resume sa kanila sapagkat walang alam si Skylar kung paano gumawang ganun. Hindi rin siya marunong gumamit ng kahit anong touch screen na cellphone para gumawa ng resume dahil ang nag-iisang ginagamit niyang cellphone ay noong araw pa ni kopong-kopong. Kalos hindi na rin mabasa ang nasa screen dahil sa basag-basag na ito. Pinagtsa-tsagaan na lang ni Skylar ang ginagamit niya dahil ayun lang ang pwede niyang magamit sa tuwing tumatawag sa kaniya ang kaniyang ina.
Kahit isa sa pinasukan niya ay sinabihan siyang tatawagan na lang siya.
“Nakakainis! Puro kayo tatawagan, tatawagan, ni hindi ninyo nga kinukuha ang numero ko. Mga bwisit. Ang aarte ninyo sa empleyado, akala ninyo naman maganda yang gusali ninyo. Ang baho pa.” inis na bulong ni Skylar habang naglalakad palabas ng pinakahuling hiring. “Kaylangan ganto, kailangan ganire. Akala mo naman na kailangang mag ingles o kaya mag math kapag nagkakargador. Kasalanan ko ba kung hindi ako nakatapos ng kahit elementary lang? Kainis.”
Napaupo na lang siya sa gilid lang kalsada. Halata sa kaniyang itsura ang pagod. Bakit ba kasi ang aarte ng mga hiring na ito? Akala mo namang mga naka aircon. Saglit lang at tumayo na rin si Skylar. “Saan pa ako nito pupunta?”
Nakakaramdam na siya ng sakit ng ulo at katawan dahil sa pagod at init. Ang bawat pa yapak ng kaniyang mga paa ay kasabay ng lalo pang tumitinding pagsakit ng kaniyang ulo. Ayaw niyang tumigil at magpahinga dahilo para sa kaniya, mahihina lang ang mga nagpapahinga. Oo, ganyan mag isip si Skylar dahil bata pa lang siya ay banat na ang buto niya sa pagtatrabaho. Ayaw na ayaw niya ng napapahinga ang kaniyang katawan sapagkat nakasalalay sa kaniya ang pang-araw-araw nilang gastusin.
Tatawid na sana siya ngunit dahil sa hilo na kaniyang nararamdaman ay natumba siya. Sakto at nadaan naman si Chad sa lugar na iyun. nakita niyang natumba si Skylar sa gilid ngunit pilit niya itong hindi pinansin. Dinaanan lang niya ito ngunit dahil sa konsensya niyang taglay, napilitan siyang ihinto ang sasakyan. “f**k! Ano namang pake ko sa babaeng ‘to?” sabi ni Chad ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid. Napabuntong hininga na lang ito ng malalim bago bumaba at akayin si Skylar papasok sa kaniyang sasakyan.
Hindi nagsasalita si Skylar dahil ramdam pa rin nito ang pagkahilo. Nang malapit na sila sa maliit na bahay ni Skylar, duon lang ito nagsalita.
“Salamat.” ani ni Skylar at hindi naman siya sinagot ni Chad. Inihinto ni Chad ang sasakyan sa harap ng bahay ni Skylar at ng makababa si Skylar ay agad din itong umalis.
Aminin n’yo, demonyo man pero may tinatagong kabaitan. Mga one percent.
Hindi ipinaalam ni Skylar ang nangyari sa kaniya sa kaniyang ina. Ayaw niya itong mag-alala. Ilang oras na lang at maglalako na siya ng balut kaya uminom siya ng gamot at maraming tubig upang mawala ang pag sakit ng kaniyang ulo. Naligo na rin siya upang mabawasan ang pagod na kaniyang katawan at mapreskuhan siya bago ulit siya sumabak sa panibagong paglalakad.
“Anak, dito ka muna kay ina ah! Kailangan ko lang maglako.” sabi ni Skylar ngunit nagpumilit sumama si Tyler.
Walang nagawa si Skylar kung hindi ang isama ito. Ayaw niya namang umiyak pa si Tyler at magkulit sa kaniyang ina.
“Sige Tyler pero ipangako mo sa akin na hindi ka bibitaw kay mama ah!” Tumango-tango si Tyler kaya nagpaalamna sila kay Rosa at umalis na.
Nang makakuha sila ng balut ay agad din nilang sinimulan ang paglalako. Umiiwas muna siyang pumunta sa bayan dahil natatakot siya na baka balikan siya ng masasamang loob at baka kung ano pa ang gawin nila kay Tyler.
Naglako na lang muna sila sa kabilang bandang bahagi ng town which is malapit sa east venue. Wala na kasi siyang maisip na ibang lugar na alam niyang maraming tao ang naglalakad. Mayroon siya dating pinupuntahan ngunit sa sobrang dami niyang ka kompetisyon sa perya na iyun, madalas ay hindi siya napapansin kaya wala din siyang choice kung hindi ang lumipat ng pwesto.
Mahirap din talaga magbenta ng balut lalo na sa lugar na maraming tao. Paniguradong marami kang kakumpitensya. Tapos may masama pang mga loob na kakayan-kayanin ka lang kagaya ng nangyari noong nakaraang linggo sa kaniya. Delikado din talaga lalo na at gabi talaga ang bentahan ng balut. Tapos babae pa siya.
Sa gilid lang siya ng east venue pumwesto dahil ayaw niya talagang pumasok dito. Marami pa namang naglalakad sa kadiretyuhan ng eat venue. Okay lang dahil kapag nakita naman siya ng mga tao ay baka naman puntahan siya.
“BALUT! BALUT PO KAYO DIYAN!” Pang-aakit ni Skylar sa mga tao. Dahil sa pagsigaw niya na iyun ay may mga lumapit sa kaniya. Isa na duon si Daisy at Trystan. Habang si Daisy ay ngiting-ngiti, si Trystan naman ay napapakamot ng ulo at napapangiwi.
“Hiii!” Excited na bati ni Daisy kay Skylar,
“Hi po ate!” Binigyan ni Skylar ng isang balut si Daisy. “Ate, huwag mo ng bayaran.” nakangiti nitong ani,
“Naku! Salamat ah. Sayang hindi namin kasama si Chad, hindi niya tuloy makikita yung mini me niya.” Unang beses pa lang nakita ni Daisy si Tyler ay sobra na siyang naku-cute-an.
Makaraan ang ilang oras na paglalako si Skylar, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya. May mga kabataan ang kumukuha ng balut at ipinapaloob sa kanilang mga bulsa. Si Tyler ay nakatingin lang sa mga kabataan habnag nakayakap sa kaniyang ina. Sakto namang naglalakad sina Chad at Frank palabas ng East Venue ng mapansin nila na binibigyan ng mga isa sa mga kabataan ng lollipop si Tyler at inaabot pilit ang kamay nito. Agad na naglakad si Chad sa likod ng mga kabataan kasama si Frank.
Kinalabit ni Frank ang nagpupumilit na hatakin ang kamay ni Tyler at agad namang lumingon ito. Nginitian ito ni Chad sabay sipa sa tagiliran ng lalaki. Ang iba nitong kasamahan ay nagsimula na ring sumuntok ngunit dahil sa galing ni Chad at Frank sa pakikipaglaban, ni isang suntok ng mga ito ay hindi sila tinamaan.
Nagising sa ingay si Skylar at napayakap ito sa kaniyang anak ng makita ang kaguluhan na nagaganap sa kanilang harapan.
Ang mga kalalakihan ay halos mabalian ng buto sa pakikipaglaban kila Chad at Frank habang sila Chad naman ay pa chill-chill lang. Hindi napansin ni Chad na may isa pa lang lalaki na nasalikod niya. Nasuntok siya nito sa mukha na nag cause ng pagdugo ng kaniyang labi. Susugudin na sana ni Frank ang lalaki ngunit pinigilan ito ni Chad habang pinupunasan ang dugo na dahan-dahang tumutulo sa kaniyang baba. Mabagal na nilapitan ni Chad ang lalaking sumuntok sa kaniya at dahil sa kaba ng lalaki ay bumwelo ulit siya ng suntok kay Chad ngunit sa kamalas-malasan niya ay nasapo ni Chad ang kaniyang kamao. Nginisihan ni Chad ng kaunti ang lalaki bago pa niya pilayin ang kamay nito. Napasigaw ang lalaki sa sakit ang iba niyang kasama ay napaatras sa takot.
Nilapit ni Chad ang mukha niya sa lalaki at tsaka may ibinulong. “Pag nakita ko pa kayo dito, hindi lang ito ang aabutin ninyo.” sabay tulak sa takot na takot na lalaki. Kumaripas ng takbo ang mga kabataan. Ang pinaka-ayaw ni Chad sa lahat ay yung may nadadamay na bata sa mga maling choices ng ibang tao.