=☆=☆=【Chad's POV】=☆=☆=
Gumising ako ng maaga dahil kailangan kong pumunta sa underground ng bar na tinatawag naming Dark Venom. Kakamustahin ko lang ang takbo ng aming business. Ang mga illegal dealership.
"Eenie meenie minie mo,: Catch a tiger by the toe." I sang while pointing my fingers at hundreds of keys in my glass drawer. Nahinto ang aking daliri sa isang BMW car key kaya iyun ang aking kinuha.
Lumabas na ako ng aking kwarto at pagbaba ko ay may nakahanda ng pagkain. Pagtapos kong kumain ay dumiretso na ako sa aking parking lot at pinatunog ang sasakyan. Ito ang problema ko tuwing umaga, ang hanapin ang sasakyan ng susing napili ko.
Hindi ko naririnig sa unang palapag ng aking parking lot ang sasakyan kaya sumakay ako ng elevator upang pumunta sa pangalawang palapag. Pagpindot ko ng automatic car key ko ay agad kong narinig sa harapan ko ang aking 1958 BMW 507 Series II. Sinakyan ko na agad ito at pinaandar. Dumiretso na ako sa kabilang entrance ng Dark Venom kung saan, kung titignan mo mo ay parang isang garahe lang. Ang hindi alam ng lahat ay, as soon as the automatic roll up door closes, may button kaming pinipindot upang bumaba ang metal floor ng garahe at once na bumaba ito, ipa-park ko na sa loob ng underground ang aking sasakyan at pipindutin lang muli ang button na ang may access lang ay ang mga mga trabahador at mga kasapi ko. Ito ay nagsisilbing elevator para makapasok kami sa underground.
Bumaba na ako ng sasakyan at nilakad na ang kaderetsuhan ng mahabang hallway.
May isang malaking office dito kung saan pipo-process ang mga records ng dealership pati na rin ang mga perang dumadating sa amin.
"Hola putas." bati ko sa mga capos na mga kaibigan ko.
Tumingin ang mga ito at nakangiti akong sinalubong.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Jaeden,
"Kinontak kasi ako ng pinsan ko na kasapi ng FBI. May magaganap daw na raid sa bar mamayang alas tres ng hapon. Pumunta lang ako dito para makasiguradong okay pa kayo."ani ko sa kanila habang umuupo sa sopa na nasa isang gilid ng opisina.
"Ang daming sinabi. Ang sabihin mo, namimiss mo lang kami." ani naman ni Addison.
"I don't miss anything. The only thing I miss is the money I spent on that suit you're wearing." Nagtawanan sina Jaeden at Alexander.
Matapos kong malaman ang mga kaganapan sa Dark Venom kagaya ng sales and traffics, umalis na din ako.
Nagmaneho na ako patungo sa aking kumpanya. Kailangan ko ng bumalik sa kumpanya ko dahil may itinakda akong meeting ngayong araw. Kailangan kong matapos ang meeting na ito bago pumatak ang alas tres. Kailangang andun ako sa oras na i-raid ang aking bar.
=☆=☆=【Third Person's POV】=☆=☆=
Ang silid ng pagpupulong ay puno ng mga pinuno ng mga departamento. Ang bawat isa ay nakaupo sa paligid ng mahabang mesa ng pagpupulong.
"Ang tagal naman ng pagdating ni Mr. Zeppieri." sabi ng lalaking empleyado na kanina pa pasulyap-sulyap sa kaniyang wrist watch.
"Oo nga! Lagi na lang siyang late. Okay lang sana kung mabait siya kaso parang demonyong naghuhugis tao." Pinanlalakihan siya ng mata ng mga kasamahan niya na tila wina-warning-an siya."Bakit? Totoo naman yung mga sinabi ko ah. Tsaka hindi naman worth it 'tong pag-aantay natin dito. Sa tuwing may nagaganap na pagpupulong ay may napapatalsik sa atin. Mas ayos pa noong nagbakasyon siya." wika ng babaeng empleyado na walang kaalam-alam na nakatayo na sa likuran niya ang demonyo nilang boss na si Chad.
"And that person would be you!" Nanlaki ang mga mata ng babaeng empleyado, gulat na gulat ng marinig ang boses ni Chad. Agad siyang napalingon sa kaniyang likod at bumungad sa kaniya ang nakahalukipkip na si Chad.
"S-Sir! It's n―"
"Wala akong oras para sa basura mong eksplenasyon. Alis."
"Pero sir―
"I SAID GET OUT! NOW!" dahil sa pagpapahiya sa kaniya ni Chad, wala siyang nagawa kung hindi ang tumayong nakatungon ang ulo sa baba. Agad-agad itong umalis at ang mga kasamahan nitong empleyado ay hindi makatingin sa nangyayari.
Inayos ni Chad ang kaniyang navy blue na tux bago siya umupo at humarap sa kaniyang mga empleyado.
"Magandang araw sa inyong lahat. Narito tayong lahat upang pag-usapan ang paparating na proyekto at―"
"Sandali lang. bago tayo magsimula, hayaan ninyo muna akong linawin ang isang bagay. I already know how to make this project a huge success. you all should be taking notes." pagputol ni Chad sa facilitator.
Nagpalitan ng mga tingin ang mga pinuno ng departamento. Tila may inis sa kanilang mga mukha pero nanatili silang mahinahom.
"Of course, CEO. Pinapahalagahan namin ang iyong mga ideya.
"We're facing some logistical challenges―"
Chad smirked, "I knew you'd say that. Now, let's move on."
Habang nagpapatuloy ang kanilang pagpupulong, paulit-ulit na pinuputol ni Chad ang mga ideyang ibinibito ng mga pinuno ng departamento.
"Ang aming mga projection sa budget ay nagpapakita na―"
"You know, I once single-handedly turned around a failing company just by giving a motivational speech. Gawin ko din kaya dito yun no?" inis niyang pagputol sa sinasabi ng head of finance.
"We're facing some logistical challenges―"
Muling pinutol ni Chad ang sinasabi ng head of operations, "Logistics? Please. Back in my day, I used to run a warehouse blindfolded. Logistics. Come on!" sarkastiko nitong wika,
Ang mga pinuno ng departamento ay walang nagawa kung hindi ang makinig na lang sa mga sinasabi ng kanilang CEO. Wala din naman silang magagawa dahil kung susuwayin nila ang CEO ay baka maging isa pa sila sa matanggal.
Habang tumatagal ang kanilang meeting, unti-unti silang nakakalikum ng mga ideya sa isa't-isa. Mayroon mang hindi pagkakaunawaan ang mga pinuno ng departamento at ang CEO na si Chad. Natapos pa rin nila ang pagpaplano.
Unang lumabas si Chad ng conference room at ang mga pinuno ng departamento ay muling nakahinga ng maluwag.
Umalis na si Chad ng kumpanya at dumiretso na sa kaniyang sasakyan. "Ang sakit talaga nila sa ulo." Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan at dumiretso na ng kaniyang bar.
Dalawang oras pa ang kaniyang aantayin bago dumating ang mga FBI. May araw talaga na nag re-raid ang mga FBI sa mga bar at sa iba pang establisyimentong kagaya ng mga club. Sinisigurado nilang walang nangyayaring labag sa batas sa loob ng mga establisyimentong ito.
Tumawag sina Trystan at Daisy kay Chad.
“Wassup?”
“Nagluto ng sinigang si Daisy. Baka gusto mo. Dadalhan ka namin.” ani ni Trystan,
“Sakto! Hindi pa ako kumakain. Nandito ako sa bar malapit sa hotel na tinutuluyan niyo. Kung hindi niyo mahanap, ipagtanong niyo na lang.”
“Okay! Pupunta na kami.”
MEANWHILE, habang nag-aantay si Chad sa dadalhing pagkain nila Daisy para sa kaniya, si Skylar naman ay tinititigan ang perang natitira sa kaniya habang iniisip kung paano niya pagkakasyahin iyun sa mga susunod na araw lalo na at malapit nanaman ang bayaran ng tubig at kuryente. Buti na lang at wala na siyang iintindihin sa gamot ng kaniyang ina, thanks to Chad.
“Anak! Pwede mo ba akong mabigyan ng tubig?” ani sa kaniya ng kaniyang ina,
Ibinalik na muna ni Skylar ang pera at pumunta na siya sa kusina upang kumuha ng tubig para sa kaniyang ina.
“Ina, ito na po.” Tinulungan niyang bumangon ang kaniyang ina bago niya inabot ang tubig. Oras na para uminom ito ng gamot.
“Tulungan na kita ina.” Binuksan ni Skylar ang pakete ng gamot at iniabot ito sa kaniyang ina na si Rosa.
Sobrang pasasalamat ni Rosa at binigyan siya ng anak na kagaya ni Skylar. Mabait, matulungin, masipag, maalaga at higit sa lahat ay mapagmahal. Hindi alam ni Rosa kung mangyayari sa kaniya kapag nawala ang kaniyang anak na si Skylar. Lalo ngayon na kahit ang kaniyang asawa ay hindi na siya dinadalaw. Hindi nga niya alam kung kailan ang huling beses na nakita niya ito, basta ang alam niya ay nagbago na ang asawa niya simula ng magkasakit siya.
“Salamat anak. Huwag kang mag-alala. Kapag gumaling na ako, magtatrabaho agad ako at ibibigay ko sayo lahat ng pangangailangan mo. Pag-aaralin din kita kapag nakaipon tayo para hindi ka magaya sa akin.” sabi ni Rosa sa kaniyang anak na si Tyler,
Lumapit si Tyler kay Rosa at niyakap ito. “Ako din po ba ina papasok din po sa school?”
Natawa si Rosa at Skylar, “Oo naman apo. Pag-aaralin ka namin ng mama mo.” sabi niya.
“Alam mo ina, Hindi mo na kailangang mag trabaho. Ako na ang bahala sa atin. Ang importante ngayon ay ang gumaling ka.”
Itinaas ni Rosa ang kaniyang kamay, “Tara nga dito.” Lumapit si Skylar at niyakap niya ang kaniyang ina.
=☆=☆=【Chad's POV】=☆=☆=
Dumating na sila Daisy at Trystan na may dalang isang bag. “Sakto at gutom na ako.” sabi ko habang sinasalubong ang aking mga kaibigan.
“Sobrang magugustuhan mo ‘to!” malaking ngiti ang ibinigay sa akin ni Trystan habang si Daisy naman ay inilapag na ang pagkain sa lamesa ng bar.
“Huwag na tayo dito.” sabi ko at inaya ko na sila sa elevator. May raid mamaya at baka hindi ko mapansin ang oras.
Itinapat ko sa scanner ang customized ring ko at bumaba na ang elevator. Nang makarating kami sa baba ay lumabas na kami at nanlaki ang mga mata nila Daisy at Trystan sa kanilang nakita. Ibang-iba kasi ito sa lahat ng floor. Malamang dahil sa aming organisasyon lang ito. Kung tutuusin ay silang dalawa pa lang ang nakakapasok dito sa secret conclave na hindi kasapi ng organisasyon. Wala naman akong problema na dalhin sila dito sapagkat may tiwala ako sa kanila at alam na din naman nila ang totoo.
Binuksn na ni Daisy ang tupperware at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong balut ang laman nito imbis na karne.
Napatingin sa akin si Trystan at napangisi ng may halong pang-aasar.
“Your turn.” mahinang sabi nito na parang bumubulong sa hangin.
Pinanlakihan ko ito ng mata, “No!” bulong kong ani,
No way! Hindi ako kakain ng itik. No! No! No! Habang nag-aayos si Daisy ng kakainan namin, kinuha ko na ang chance na iyun upang gumawa ng dahilan.
Nagpanggap akong may tumatawag sa aking phone,
“Ah! Hello? Oh! Nandiyan na pala kayo sa taas. Sige papunta na ako.”
“Guys, I have to go. Nandito na yung mag re-raid ng bar ko. Kailangan andun ako.” sabi ko na ikinagulat nila Trystan.
“Wait!” lumingon-lingon si Trystan, “S-Sayo din ‘to?” gulat na gulat yan?
“Yup! Actually, halos lahat ng building dito sa east venue ay pagmamay-ari ko na.”
“Okay! Kain na tayo.” nakangiting ani ni Daisy,
“I-I have to go.” utal kong sabi.Gagawin ko ang lahat huwag lang kumain ng balut na iyan. Agad akong tumungo sa harap ng elevator.
“H-Hun! S-Samahan ko muna si Chad ah!” natatawa ako kay Trystan. Pati siya ay gumagawa ng paraan huwag lang makain ang balut. Akala niya makakabawi siya sa akin ah? Dami ko kayang pwedeng gawing dahilan.
“Hindi! Okay lang ako. I guess mas okay kapag nandito muna kayong dalawa habang may nagre-raid ng buong bar. Wala silang access dito sa baba at wala ring nakaka-alam na may basement ito kaya huwag kayong maingay.
“Okay! Tara na, Trystan. Kain na tayo.”
Humarap sa akin si Trystan at hinawakan ng mahigpit ang aking tux. “Please, isama mo na ako. Promise, hindi ako mag-iingay.” bulong niya at rinig mo ang takot sa kaniyang boses.
“Nah! I’m fine. Kaya mo na yan.” Bumukas na ang elevator at nilapitan na ni Daisy si Trystan habang ako naman ay pumapasok na sa loob ng elevator.
Humarap ako kay Trystan na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin at tila ba nagmamakaawa ang tingin. “Good luck!” sabi ko ng walang lumalabas na boses sabay ngisi.
Nakarating na ako sa main floor ng bar. Itinaas ko ang manggas ng aking tux upang tignan ang oras. May tatlong put minuto pa akong mag-aantay. Naririnig ko na ang kulog sa aking tiyan. Gutom na ako pero hindi ko kakainin ang sinigang version ni Daisy. Over my dead hot and sexy body.
Tumungo ako sa counter bar. Wala pang halos tao sa bar sapagkat, madalas itong puno sa oras ng gabi. Malamang ay nasa trabaho pa ang karamihan ng tao sa oras na ito.
“Bigyan mo ako ng pico de gallo with chips and fries.” utos ko sa nakita kong empleyado.
“Okay po Mr. Zeppieri.”
After ten minutes ay dumating din ang aking inorder. Sinimulan ko ng kainin ito at bago ko pa ‘to maubos ay dumating sila Addison, Jaeden at Alexander.
Nilapitan ko sila. “May mga bisita tayo sa baba. Mga kaibigan ko. Huwag na huwag ninyong i-stress-in si Daisy dahil buntis yun. Lahat ng ipapagawa niya ay gawin ninyo.” Mahina kong sabi sa kanila at bumalik na ako sa counter upang mabilisang ubusin ang aking pagkain. “Good luck.” ani ko sa aking sarili sabay ngisi.