Chapter 2: Isang libo

2066 Words
=☆=☆=【Chad's POV】=☆=☆= Maaga kong pinapunta ang aking consigliere na si Zachery Frederico Acuesta sa business meeting patungkol sa nag-iisang lupa na ayaw pang ibenta sa akin. Ang lupang pagmamay-ari ni Rodolfo Quintos na ngayon ay forty two years old na. Ang lupa na lang niya ang kulang at mapapasaakin na ang kahabaan ng east venue. Hindi ako papayag na may makakasagabal sa plano kong mapasa-akin ang buong east venue. Kahit na sino ka pa ay kakalabanin kita. Binibenta na ni Rodolfo ang lupang kinatatayuan ng bulok niyang gusali ngunit hindi niya ito binebenta sa akin dahil para sa kaniya, kapag sa akin napunta ang lupa, mababalahura lang ang buong town. Gusto ko mang pwersahin ang pagkuha ng lupa pero mas magandang makuha ko ito ng legal upang hindi ako pagmulan ng gulo at baka madamay pa ang mga pulis. Habang naka sakay ako sa aking McLaren Elva at payapang nagmamaneho, may biglang tumakbo na isang batang lalaki sa gitna ng kalsada. What the! Buti na lang at nakapag-preno agad ako kung hindi ay matutuluyan kong mabangga ang batang ito. Tinanggal ko ang seatbelt na sumusuporta sa aking katawan at bumaba ng sasakyan. Nilapitan ko ang bata at sinuri ang kaniyang katawan uoang makasigurado na kay lang ang bata. Nang makasigurado akong hindi ko siya tinamaan, napahawak ako sa aking ulo. "Asan ba kasi yung mga magulang mo? Bakit pinapabayaan ka nilang lumabas ng bahay ng walang bantay. Nakakabwisit. Muntikan ka ng mawala sa mundo. Pasalamat ka at nakapag preno agad ako." Hindi kumikibo ang bata at nakatingin lang ito sa akin. "ANAK!" sigaw ng isang babae hindi kalayuan sa amin. Napatingin ako sa tumatakbong babae na papunta sa direksyon namin. "Jusko po, Tyler. Nabitawan lang kita ng ilang segundo, nakatakas ka na agad. Jusmiyo. Kaya ayokong binibitawan ka e." bulalas ng ina ng bata, "Kung hindi mo kayang bantayan ang anak mo, huwag mo ng sinasama. Paano kung hindi ako nakapag preno kaagad?" inis kong wika, "Pasensya na po. Pasensya na po talaga." sagot niya sa akin ng hindi lumilingon sa akin dahil busy siyang suriin ang katawan ng bata. "Mama, bakit ko po siya kamukha?" sabi ng bata. Oo nga noh! Bakit nga ba? Napatingin ako sa babae at nag-aantay din ng kasagutan. Katulad ko ay matangon ang ilong at malalim ang mata. Parehas din kami ng lip shape kung saan ito ay hugis puso. Napatingin sa akin ang ina ng bata at napatunganga ng makita ako. "What?" kunot noo kong tanong sa babae, "A-Ah! W-Wala po." Agad niyang binuhat ang kaniyang anak at habang papalayo sila ay narinig ko nanaman ang bata. "Mama, siya po ba ang papa ko?" pagtatanong nito sa kaniyang ina kaya tinakpan ng babae ang bibig nito. Hmm! Natatawa ako sa bata. Napagkamalan pa akong papa. Girlfriend nga ay wala ako, anak pa kaya. Sumakay na ako sa aking sasakyan at ng maikabit ko na ang seatbelt ay pinaandar ko na ang aking sasakyan at dumiretso na sa aking kumpanya. "Good morning, sir." "Good morning, Mr. Zeppieri." bati sa akin ng mga nadaanan kong empleyado na hindi ko pinansin. Dumiretso na ako sa elevator at pumasok sa aking opisina. Saktong pag-upo ko sa swivel chair, pumasok naman ang isa kong empleyado na may dala-dalang mga papel. "Sir! Ito na po ang compilation ng mga inquiries kahapon," "Leave it on my desk." pag-uutos ko habang inire-relax ang aking katawan sa aking swivel chair, Ang folder ay naglalaman ng mga papel na may kapal na halos isang dangkal. Titignan ko pa lang ay tinatamad na akong tignan lahat. =☆=☆=【Third Person's POV】=☆=☆= Matapos ipahinga ni Chad ang kaniyang katawan sa mamahalin niyang swivel chair, sinimulan na niyang isa-isahin ang mga inquiries ng mga taong gustong mag apply sa hindi lang isa kung hindi sa hindi mabilang na kumpanyang pagmamay-ari niya. Hindi pa siya nakaka one forth sa inquiries, itinapon niya na agad ang mga ito sa basurahan. "Mga basura!" MEANWHILE, Hindi makapaniwala si Skylar na muli niyang makikita ang pagmumukha ni Chad. Galit at lungkot ang bumalot sa katawan ni Skylar. Akala niya ay hindi na niya muli itong masisilayan matapos ang gabing kahit kailan ay hindi niya makakalimutan. Hindi man siya maalala ni Chad, alalang-alala naman niya ang buong pagmumukha nito. "Mama, siguro siya ang papa ko noh?" ani ni Tyler, "Anak! Hindi. Wala na ang papa mo." Masakit man sa puso ngunit kailangang panindigan ni Skylar ang mga katagang iyun. Lalo na at natatakot siya na baka pag nalaman ni Chad na anak niya si Tyler ay ilayo siya nito sa kaniyang anak. Iniisip pa lang ni Skylar iyun ay parang mababaliw na siya. 'Bakit pagkatapos ng apat na taon ay muli siyang magpaparamdam?' gulong katanungan ni Skylar sa kaniyang isip. 'Hindi niya kailangang malaman na anak niya ang anak ko. Buti na lang at mukhang hindi na niya ako naaalala.' "Anak, may naaamoy akong nasusunog." sigaw ng ina ni Skylar. "Hala yung niluluto ko!" tarantang ani ni Skylar habang binabaliktad ang isdang kaniyang pinipirito. Sa sobrang kakaisip niya, nakalimutan na niya ang kaniyang niluluto. Buti na lang at naamoy ng kaniyang ina. Hindi siya makapaniwala na ni hindi manlang niya naamoy ang nasusunog niyang niluluto. "Nakakainis naman! Isda na lang nasunog ko pa." inis na turan niya habang pinagmamasdan ang sunog na isda na nasa kawali. "Chad!" nakangiting pagtawag ni Frank sa kaniyang kaibigan. "Frank. I'm so glad you're here. Sobra na akong nababagot. Bakit ka naparito?" "May gustong bumisita sayo. Nasa baba sila dahil ayaw ka nilang istorbohin." ani ni Frank. Tumayo si Chad at sinundan ang mga yapak ni Frank habang inaayos ang kaniyang itim na tux. "Sino?" pagtatanong ni Chad habang nasa elevator sila. "Basta! Matutuwa kang makita sila." "Dapat lang. Lalo na at nag effort pa akong bumaba para sa kanila." Nang bumukas ang elevator, bumungad sa kanila sina Daisy at Trystan na magkahawak ang kamay na nag-iintay sa kanila. Napatunganga si Daisy ng makita niya si Chad na naka Tux. Ngayon niya lang ito nakitang formal ang suot. Noong nasa Italy kasi sila ay laging naka leather jacket ito. "Oh wow! I didn't know you wear such things." sabi ni Daisy, "Ganun agad ang bungad?" sarkastikong sabi ni Chad sabay ngiti at yakap kay Daisy pagtapos ay chest bump naman kay Trystan. Dahil sa pagkakayakap ni Chad kay Daisy, napatingin ang mga nakakitang empleyado sa kanila na tila ba ngayon lang nila nakitang ngumiti. Buti na lang at hindi sila nakita ni Chad na nakatingin sa kanila kung hindi ay may panibago nanamang matatanggal sa trabaho. "What are you guys doing here?" pagtatakang tanong ni Chad kila Trystan habang pinipindot ang elevator upang mag bukas. "Ito kasing si Daisy, sa dami-dami ng paglilihian ay balut pa." bumukas ang elevator at una-una silang sumakay dito. "B-Balut?" pagtatanong ni Chad. Kahit na kailan ay hinding hindi kumain si Chad ng balut. ganoon din si Trystan at Frank. Kaya nagkatinginan silang tatlo at napangiwi. Nahihiyang hinampas ni Daisy si Trystan sa braso kaya natawa silang tatlo. Nakarating na sila sa floor ng office ni Chad kaya lumabas na sila ng elevator at dumiretso na sa office ni Chad. "Bakit naman kasi Balut? Ang dami namang masasarap diyan ah!" ani ni Chad, "Ewan ko ba! Sa tuwing nakakakita ako ng picture ng balut sa social media ko ay naglalaway ako." "Okay lang sana kung naglalaway ka lang e, kaso umiiyak ka pa kapag hindi ka nakakakain. Nag hanap naman ako sa Madrid kaso wala naman akong mabilan kaya ito, napagdesisyunan na lang namin na umuwi ng pilipinas." "May matutuluyan na ba kayo? May hotel kasi ako dito, pwede kayong mag stay duon hanggat gusto ninyo. It's on the house. You guys don't have to worry about anything." pag aalok ni Chad sa kaniyang mga kaibigan. "Basta libre, go!" natawa sila Chad sa sinabi ni Daisy. Sabi nga nila, masamang tumanggi sa grasya. Habang masaya silang nagpapalitan ng mga kwento, biglang nakaramdam si Daisy ng pagsusuka kaya agad niyang tinanong kay Chad ang malapit na CR. Buti na lang at may CR sa loob ng office ni Chad at hindi na kailangang lumayo ni Daisy. Sinamahan ni Trystan ang kaniyang asawa sa banyo habang sila Chad naman ay nakatingin lang sa pinto, inaantay na lumabas ang dalawa. MEANWHILE, "Ina, maaga akong maglalako ngayon para mas malaki kitain ko." Dahil paubos na ang gamot ng kaniyang ina, kailangang maglako ni Skylar ng mas maaga. Ayun na ang naging routine niya sa tuwing nakikita niyang paubos na ang gamot ng kaniyang ina. Medyo may presyo ang mga gamot kaya kailangan niyang mag pursigi. Kinuha na niya ang bilao at isang maliit na cooler at naglakad na sila papunta sa gusaling kaniyang kinukuhanan ng balut. "Boss, two fifty. Nangangailangan ako ngayon e." nakangiting sabi ni Skylar. Matapos siyang pumirma sa record book, kumuha na siya ng sampung tray ng balut na naglalaman ng bawat dalawampu't apat na piraso bawat isa. Kumuha din siya ng sampung piraso sa isang tray upang sumakto ng one fifty. "Anak, tulungan mo nga si mama ilagay 'to sa bilao." Tumango si Tyler at nagsimula ng tumulong. Isa-isa nilang pinagtulungan na ilagay sa bilao ang mga balut at ang mga hindi na nagkasya sa bilao ay inilagay naman ni Skylar sa loob ng cooler. Ipinatong na ni Skylar ang bilao sa kaniyang ulo at isinukbit naman ang tali ng cooler sa kaniyang balikat. "Hawak ka na kay mama." sabi ni Skylar kay Tyler na sumunod naman. "Una na ako boss." at lumabas na ang dalawa sa gusali. Katulad kagabi ay duon ulit sila pumwesto. Medyo maaga pa kaya wala pa ang mga ka-kumpitensya niya. Buti naman dahil sa mga gustong bumili ng balut, sakanya pupunta. Dahan-dahang ibinaba ni Skylar ang cooler at ipinatong ang bilao duon habang si Tyler naman ay nakaupo lang sa batong upuan. Hindi pa bumababa ang araw kaya tutok pa sa kanila ang sinag nito. Buti na lang ay may puno sa pinepwestuhan nila kaya may lilim pa rin na sumusuporta sa kanila. "Mama, gusto ko po ng lobo." sabi ni Tyler noong may lumapit sa kanilang may hawak na lobo. Napatingin si Daisy sa hawak niyang lobo ng marinig niya ang bata. "Gusto mo?" pag-aalok ni Daisy sa bata at tumango naman ito, "Naku! Hindi na po, nakakahiya naman!" sabi ni Skylar na hindi pa napapansin sa harapan niya si Chad. "Okay lang! Pwede naman akong bumili ulit." malambing na sabi ni Daisy sabay abot ng lobo kay Tyler na sobrang laki ng ngiti. "Anong sasabihin mo?" malambing na tono ni Skylar, "Salamat po." sagot naman ni Tyler na may malaking ngiti sa kaniyang mukha. "Ang bait naman ni Chad." pabirong sabi ni Daisy, Napatingin si Chad kay Daisy na nagtataka kung bakit, "Huh?" "Kamukha mo kaya!" sabi ni Daisy habang nakangisi. "Ang pogi mo siguro nung bata ka noh? Parang siya." Noong makita ni Skylar si Chad, bigla itong napayuko. 'Hala! Nagkita nanaman kami. Chad pala ang pangalan niya. Ang tindi rin e, siya ang ama ng anak ko pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.' sabi ni Skylar sa kaniyang pagiisip. "Oo nga Chad! Kamukha mo." sabi ni Frank na natatawa kaya tinignan siya ng masama ni Chad kaya napatahimik siya. Makuha ka sa isang tingin Frank. Huwag mong gagalitin ang dragon. "I-Ito po," utal-utal na sabi ni Skylar, "Bayad po para po sa lobo na ibinigay niyo sa anak ko." iniabot ni Skylar kay Daisy ang plastic na may lamang isang balut. "Naku! Hindi mo na ako kailangang bigyan ng libre." Kinuha ni Daisy sa bulsa ni Chad ang wallet nito at kumuha ng isang libo at iniabot kay Skylar. "Iyan! Sayo na ang sukli." tsaka binalik ni Daisy ang wallet ni Chad na binuksan namang muli nito upang bilangin ang kaniyang pera. Nanlaki ang mata ni Chad at si Trystan at Frank naman ay nagpipigil ng tawa. Natawa si Skylar, "Nagbibiro po ba kayo?" Tumango-tango si Chad, "Yea! Are you joking? You bette—" natigil si Chad ng hinampas ng mahina ni Daisy ang tiyan ni Chad, "Hindi ako nagbibiro. Sayo na 'yan. Sobrang cute kasi ng anak mo. He remind me of someone." sabay tingin kay Chad. Habang sobra sobrang nagpapasalamat si Skylar sa kanila, si Chad naman ay napatingin kay Trystan at nanlalaki ang mga mata. Napa kibit balikat lang si Trystan habang patuloy na nagpipigil sa kakatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD