=☆=☆=【Third person's POV】=☆=☆=
Hindi makapaniwala si Skylar sa natanggap niyang bayad na nanggaling sa wallet ni Chad. "Ang swerte ko talaga simula ng sinama kita sa pagbebenta ko." nakaharap na ani ni Sky sa kaniyang anak.
Ngayon lang nangyari sa kaniya ito. Ang isang balut ay katumbas ng isang libo. Sobrang laki ng ngiti ni Skylar habang si Tyler ay tuwang-tuwa sa lobo na ibinigay ni Daisy.
"Mama! Ang bait po nila."
"Oo anak. Sobrang bait."
MEANWHILE, "Parang napasama pa ang pag punta n'yo ah!" pagbibirong wika ni Chad sa kanila na ikinatawa naman ng lahat.
Pumasok na sila sa loob ng hotel ni Chad at duon ay pinapili na sila ni Chad kung saang floor nila gustong mag stay.
"Gusto ko yung kita yung mga building. Tapos pag gabi ay kitang-kita ko ang mga ilaw sa buong paligid." pagde-demand ni Daisy. Dinala ni Chad ang mga kaibigan niya sa 36th floor ng hotel at binigay sa kanila ang Royal Suite kung alin ang pinakamahal at pinakamalaki.
"Sayo 'to? Hindi ko alam na sobrang yaman mo pala. Akala ko ako na ang pinakamayaman sa ating magkakaibigan." ani ni Trystan na kinatawa naman ni Frank.
Dito pa nga lang ay nasu-surpresa na si Trystan, paano pa kaya kung nalaman niya na halos lahat bukod sa isang nakatayong gusali dito sa east venue ay pagmamay-ari ni Chad. Baka malaglag ang brief niya.
Nang makapasok na sila sa loob ng royal suite,, hindi na nakapag-antay si Daisy na i-tour sila ni Chad sa loob. Agad binuksan ni Daisy ang ibabaw ng balut at napatunganga sila Trystan ng higupin ni Daisy ang sabaw nito.
"Chad! Tara dito." tawag ni Daisy,
"Aba! Paano naman ako? Huwag mong sabihin na pinaglilihian mo pati si Chad?" selos na bulalas ni Trystan sa kaniyang asawa.
Kung alam mo lang Trystan ang susunod na gagawin ni Daisy, baka magpasalamat ka pa na hindi ikaw ang tinawag niya.
"Edi ikaw na lang!" wika ni Daisy kaya naman bumalik si Chad sa kinatatayuan nila kanina at ang nakangiting si Trystan ang pumalit.
Nakangiti ka ngayon, intayin mong mangiwi ka sa ipapagawa sa iyo ni Daisy.
Hiniwalay ni Daisy ang itik ng balut bago niya ito lagyan ng asin. Halos masuka-suka ang tatlo nung nakita nila ang itik. Si Trystan ay napatakip pa ng bibig sa pagpipigil na huwag bumaligtad ang kaniyang sikmura.
Kinain na ni Daisy ang balut bukod sa itik na itinabi niya sa platito.
"Mhhhhh! Sobrang sarap!" tuwang-tuwa na sabi ni Daisy. Kinuha ni Daisy ang platito at iniabot kay Trystan, "Ikaw naman!"
"Ano? Ayoko!" Ibinaba ni Trystan ang platito at diring-diri habang sila Chad at Frank naman ay tawang tawa.
"Buti na lang talaga at nag tampo ka." natatawang ani ni Chad,
Kinuha ni Daisy ang itik sa platito at hinawakan ito sa paa, "Bilis!"
"Ayoko!"
"Ah, ayaw mo?"
Bumalik si Trystan sa kinatatayuan nila Chad, "Mm-mm!"
"Pakihawakan nga yan." ani ni Daisy habang papalapit sa kanila na hawak-hawak pa rin ang itik.
"Sige. Sige subukan n'yo." Nagkatinginan sina Chad at Frank bago nila hawakan ng mahigpit si Trystan. Malakas ang tawanan nila na halos tumaginting na sa loob ng suite.
"Bitawan n'yo ako!" nagwawalang ani ni Trystan sabay tikom ng bibig.
Nasa-harapan na ni Trystan si Daisy at pilit nitong pinapanganga ito. Sa sobrang makalokohan ni Chad, habang nakayakap si Frank sa likod ni Trystan, siya namang hinawakan ito sa bibig at pilit na ibinubuka. "Buksan mo! Nagagalit na ang asawa mo!" natatawang sabi ni Chad.
Chad managed to open Trystan's mouth kaya naipasok ni Daisy ang itik sa bunganga nito.
"Nguyain mo yan! Nguyain mo yan!" They chanted.
Sa sobrang pagwawala ni Trystan, nakatakas ito sa pagkakayakap ni Frank sa kaniya. Agad hinanap ni Trystan ang lababo at dinura niya ang itik sabay suka.
Nagtatawanan sina Chad at Frank habang si Daisy naman ay nagsimula ng ikutin ang suite na parang walang nangyari.
Nang makarecover si Trystan, tinignan niya ng masama sila Chad sabay sugod sa kanila kay kanya-kanyang takbo ang dalawa.
"Taingina pare! Parang naramdaman kong tinuka ako ng itik sa dila." reklamo ni Trystan ng kumalma na ang lahat. "Sa susunod ay hindi na ako magrereklamo kapag ikaw ang tinawag niya." dagdag nitong ani kay Chad.
"Huwag kang mag-alala, sa susunod na bibili ulit kayo ng balut ay hindi na ako sasama." ani ni Chad.
"Speaking of balut! Kamukha mo talaga yung bata. Para kayong pinagbiyak na buko." Daisy, "Sure ka ba na hindi mo anak yun?" dagdag nito,
"Sure ako! I'm always protected whenever I—" natigil sa pagsasalita si Chad ng maalala niya ang babaeng naka one night stand niya sa hotel. Pilit niyang inaalala ang mukha but he has no luck. Dahil sa panandaliang oras na nakasama niya ang babae, hindi na niya naaalala ang mukha nito. 'Posible kayang— NO! Hinndi ko anak yun.' ani ni Chad sa kaniyang isipan.
"Bakit parang napaisip ka? So ano? May chance nga?" ani ni Daisy,
"No! Wala! Sure ako na nag-iingta ako kapag may nakakasiping akong mga babae."
"Okay! Sabi mo e!"
MEANWHILE, Tumawag si Zachery kay Chad ng malaman niyang wala sa pilipinas ang may-ari ng lupang si Rodolfo na pinagdi-diskitahan ni Chad.
"Sundan mo kahit saan siya pumunta! Baka maibigay pa sa iba." Agad na bumili ng ticket si Zachery papuntang Japan kung saan nagbabakasyon si Rodolfo.
Talagang gagawin ni Chad ang lahat mapasakanya lang ang lupaing pagmamay-ari ni Rodolfo.
=☆=☆=【Skylar's POV】=☆=☆=
Anong oras na at may natitira pa ring hindi lalagpas ng dalawampu't pirasong balut sa tinitinda ko. Marami na kasi ang kakumpitensya ko kaya naghanda na ako upang lumipat ng pwesto.
Kailangan ko 'tong maubos upang maipandagdag sa gamot ni ina.
Ipinatong ko na ang bilao sa aking ulo at isinukbit ko na ang tali ng cooler sa aking balikat. "Anak. Tayo na diyan at lilipat na muna tayo ng pwesto. hindi ako sinasagot nito kaya napalingon ako sa kaniya. Natutulog na pala si Tyler. Binaba ko ang bilao at inilagay ko na lang sa cooler ang balut para mabuhat ko si Tyler. Isinukbit ko ulit ang tali ng cooler sa aking balikat at inipit ko na lang sa pagitan ng kili-kili ko ang bilao.
Nagsimula na akong maglako sa labas ng bayan. "BALUT!" sigaw ko,
Hindi pa ako nakakalayo ay may bumili na agad sa akin na dalawa. Konti na lang at matatapos na akong mag benta. Makakabili na ako ng pagkain at mabibili ko na ang gamot ni mama.
"BALUT KAYO DIYAN!" muli kong sigaw ng biglang may lumapit sa akin na grupo ng halong mga babae at lalaki. Ang isang kasama nilang lalaki ay nasa tagaliran ko at ang mga kasamahan naman nito ay nagmamasid sa paligid.
"Subukan mong sumigaw at bubutasan namin yang anak mo." mahina ngunit nakakatakot na sabi ng lalaki. "Ibigay mo na lang sa amin lahat ng kinita mo kung ayaw mong may mangyari sa inyo ng anak mo." Sa sobrang takot ko ay hindi na ako nakakibo. Kinapa nila ang katawan ko at ng makuha nila ang pera ay biglang may bumusina ng malakas kaya nagsitakbuhan silang lahat.
Napaluhod na lang ako sa sobrang panginginig ng aking katawan. Napayakap ako ng mahigpit kay Tyler habang tumutulo ang aking mga luha.
"Miss, are you okay?" wika ng isang boses lalaki.
"Pambili ko ng gamot ni ina yung pera na iyun. Ang dami-daming iba diyan pero bakit ako pa." umiiyak kong sambit,
"Mama, umiiyak ka po?" pagtatanong ni Tyler ng magising siya,
Agad kong pinunasan ang aking mga luha. "Hindi anak." pilit kong sinabi ng nakangiti. Tinulungan akong tumayo ng lalaki at duon ko lang nakita ang mukha niya,
"C-Chad?" Anong ginagawa niya dito? bakit ko ba tinatanong? Dapat nga ay nagpapasalamat ako dahil kung hindi siya dumating ay baka kung ano na ang nangyari sa amin ng anak ko.
"Ihahatid ko na kayo. Delikado na sa lugar na ito sa ganitong oras." pagmamagandang loob niya pero dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa, wala na akong tiwala sa kaniya o kahit na sino man.
"Hindi na! Kaya na namin 'to! Tsaka kailangan kong gumawa ng paraan para kumita." Binaba ko na si Tyler at binitbit ang mga gamit ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng wala akong dala-dalang gamot. Yung pera na tinatabi ko sa bahay ay kulang pang pambili ng gamot ni ina. Nag lakad na ako palayo habang pinupunasan ang aking luha na nagbabadyang tumulo.
"Bibilhin ko na ang gamot ng mama mo basta pumayag ka lang na ihatid ko kayo." sigaw ng lalaki ngunit hindi ko ito pinansin. Narinig ko na binuksan niya na ang magara niyang sasakyan at muling sinara.
"Bahala ka! Kapag binalikan ka ng mga yun, wala na akong magagawa." Natakot ako sa sinabi niya. Paano nga ba kung bumalik ang mga lokong 'yun? Anong gagawin ko?
Napatingin ako sa anak ko. Naiisip ko pa lang na may mangyayaring masama sa kaniya ay hindi ko na kinakaya.
Nilingon ko ang papalayo ng sasakyan. "HOY!" sigaw ko na nagbabakasakaling marinig ako. Pero parang hindi na niya ako narinig dahil sa lakas ng tunog ng sasakyan niya.
Binilisan ko na lang ang lakad upang makapunta sa lugar na may maraming tao. Habang naglalakad kami ni Tyler ay biglang huminto ang sasakyan at bumukas ang pinto.
Sinilip ko si Chad na nakatingin sa akin. "Pasok." mahinahon niyang ani sa akin.
Ipinasok ko muna ang mga bitbit ko bago ko ipinasok ang aking anak at tsaka lang ako umupo.
"Ang sikip naman! Maganda nga yung sasakyan mo, masikip naman ang loob." sabi ko habang hirap na hirap akong hawakan ang mga gamit tapos kandong ko pa si Tyler.
Habang umaandar ang sasakyan, napansin kong pasulyap-sulyap si Chad sa anak ko kaya pasimple kong iniharang ang bilao sa pagitan namin.
"Ayan yung botika." iginilid ni Chad ang sasakyan sa harap nito at dahil marami akong dala, siya na ang bumaba.
"The medical prescriptions." ani niya habang nakalahad. Ano daw? Nanghihingi ba siya sa akin ng pera? Nanakaw nga e.
"Tara na nga!" inis kong sabi,
"What? Bakit?"
"Wala nga akong pambili e!" sabi ko,
"I know. Kaya nga hinihingi ko na yung reseta."
AHHH! Reseta lang pala yung hinihingi. Bakit ba kasi ako ini-ingles nito. Inabot ko na ang reseta na nasa aking bulsa at binigay sa kaniya. Buti na lang at hindi nakuha ng masasamang loob na iyun ang reseta ng gamot ni ina.
"Kahit tig tatlo lang." Ako na ang bahala sa iba. Mag lalako na lang ulit ako ng maaga bukas
Medyo nagtagal siya sa loob ng botika. Matiyaga akong nag-antay sa kaniya hanggang sa siya ay bumalik. Inabot niya sa akin ang malaking plastic na may laman na punong gamot. Napatingin ako sa kaniya. Gulat na gulat dahil sa mabuti niyang kalooban.
Hindi siya nagsasalita habang umaandar ang sasakyan. Ako naman ay nakatitig lang sa mga gamot. Maiyak-iyak sa tuwa.
"Maraming maraming salamat sa pagtulong sa akin. Hindi na kita tatanungin kung bakit mo ako tinutulungan kasi baka bawiin mo pa."
Natawa siya sa sinabi ko.
"Walang anuman." Hindi na ako nakapag simula pa ng usapan dahil nakarating na kami sa bahay.
"Ayun yung bahay namin."sabi ko at huminto na siya sa harap nito.
Bumaba na kami ng aking anak at nagpaalam na sa kaniya. Inantay ko munang umandar ang sasakyan niya bago kami pumasok. "Mama nagugutom na po ako." sabi ng aking anak. Wala pa nga pala kaming pagkain.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nakita kong natutulog na si mama. Paniguradong gutom na rin si ina. Nahuli na kasi kaming nakauwi dahil hindi agad naubos ang benta ko. Tapos pagkamalas-malas pa ay napagtripan pa ng mga lokong adik. Nakakainis talaga. Mga salot sa lipunan. Manong maghanap ng pagkakakitaan hindi yung pinaghirapan ng iba ang kinukuha. Pasalamat talaga sila at may dumating, kung hindi ay pagbubuhul-buhulin ko sila.
Tinungo ko ang direksyon ng ref at binuksan ito. Nagulat ako dahil hindi ko makita ang mga gulay na binili ko kaninang umaga. Paglingon ko sa maliit naming kalan, nakita ko ang isang kawali na may takip. Pinuntahan ko ito at pagbukas ko ay may lutong ulam na. Napatingin ako sa direksyon ng kwarto ni ina. Dapat ay hindi na siya nag-abala pa. Dapat ay inantay niya na lang ako.
Kumuha na ako ng kaning lamig at nilagyan ng sabaw ng gulay.
"Anak. Upo ka na dito sa lamesa. Kumain ka na muna." ani ko ng maibaba ko ang pagkain sa lamesa.
Pinuntahan ko si ina at tinanong kung nakainom na siya ng gamot.
"Oo anak! Kaso huling gamot ko na iyun." sabay ubo, "Pasensya na talaga anak at dahil sa mga mamahalin kong gamot ay nahihirapan tayo sa pera." dugtong ani niya sabay ubong muli.
Nginitian ko si ina at umupo sa tabi niya. Hinimas ko ang kaniyang ulo, "Ina huwag ka ng mag-alala. May mabait na taong tumulong sa akin kanina. Binili niya lahat ng gamot na kailangan mo." Ipinakita ko sa kaniya ang plastic na may lama na mga gamot. nakita ko ang saya sa kaniyang mga mata.
Hindi ko na iku-kwento sa kaniya ang nangyari kanina dahil sigurado ako na pipilitin niya nanaman akong tumugil sa paglalako ng balut.