=☆=☆=【Third Person's POV】=☆=☆=
Makaraan ang apat na taon, umuwi na rin ng pilipinas si Chad. Nagpahinga lang siya ng isang araw bago siya muling pumasok sa office ng kaniyang multi billion company. Medyo masakit ang ulo ni Chad na pumasok sa entrance ng building. May mga bumati sa kaniya ngunit wala silang narinig na kahit na ano kay Chad. Sanay na ang mga empleyado sa ugali ni Chad ngunit ang ibang baguhan ay hindi pa. Sumakay siya ng elevator ng building at may nakasabay siyang isnag baguhan na empleyado. Nginitian ng babaeng empleyado si Chad ngunit dumaplis lang ang tingin nito at hindi na muling tinignan pa.
Napayuko na lang ang babae habang si Chad ay deretsong nakatayo sa harap ng elevator at nag-aantay na magbukas ito. Ang floor ng empleyadong babae ang unang hinintuan ng elevator ngunit ng bababa na ang babae ay muling tinindot ni Chad ang close button ng elevator. Walang nagawa ang babaeng empleyado kung hindi ang umatras at yumuko sa isang sulok.
Nang huminto na ang elevator sa floor ni Chad, agad din itong bumaba at katulad ng mga empleyado sa baba, binati din si Chad sa kaniyang pagbabalik. Syempre at hindi rin sila binigyan ng pansin ni Chad. Para kay Chad ay hindi sila worthy ng time niya.
Kung nagtataka kayo kung bakit nasa taas ang kaniyang office, simple lang ang kasagutan diyan. Para sa kaniya ay mas mataas ang floor ng kaniyang pinagtatrabahuhan, mas maganda ang view. Simple lang but it makes sense. Mayroon din naman siyang office sa groundfloor ngunit madalang niya itong ginagamit. Kadalasan ay kapag may investor lang.
Kung titignan ng iba, nasakanya na ang lahat, except for one thing— heart. Oo heart, para sa nakakarami ay wala siyang puso. Mabait lang siya sa kaniyang mga kaibigan pero pagdating sa iba ay wala siyang pakielam. Kahit na magpagulong-gulong ka pa sa kalsada, baka sagasaan ka pa niya.
Nang makarating siya sa kaniyang office, agad din siyang umupo sa kaniyang mamahaling swivel chair na nagkakahalaga lang naman ng 178,000 pesos.
Habang nag rerelax siya sa kaniyang swivel chair, napansin niya na nakatingin sa kaniya ang ibang mga empleyado.
Pinakaayaw niya ang pinapanuod siya. Ayaw na ayaw niya ng may mga matang nakasubaybay sa bawat galaw niya.
Inayos niya ang kaniyang navy blue na necktie bago siya tumayo. Tumungo siya sa kaniyang glass door at tumayo duon. "You, you, and you. You're all fired." sabay lakad pabalik sa kaniyang swivel chair at umupo.
I told you, wala siyang heart. Ang tatlong empleyado ay pinagtinginan ng mga nakakita ng eksena kani-kanina lang. Mga baguhan lang sila at ngayon lang nila nakasama ang kanilang boss. Noong nagsimula sila sa pagtatrabaho, nagbabakasyon pa si Chad sa Madrid. Nakakarinig sila sa iba nilang kasamahan ng hindi magagandang ugali ng kanilang boss ngunit hindi nila inaasahan na pati sa pagtingin lang nila ay maaari silang mapatalsik.
Nanginginig at naiiyak-iyak ang mga itong nilalagay sa isang maliit na box ang mga gamit nila. Ang isa ay nauna ng bumaba dahil sa kahihiyan. May nakasabay siyang isang empleyado sa pagsakay niya ng elevator. Hindi ito nagsasalita at nakayuko lang habang buhat-buhat ang box na puno ng kaniyang mga gamit. "Anong nangyari?" pagtatanong ng empleyado.
"Pinatalsik ako ni Sir. Wala pa akong isang taon sa trabaho na ito tapos ganto na agad ang nangyari. Paano kong sasabihin sa pamilya ko na natanggal ako sa trabaho ko? Hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin ngayong napatalsik ako sa pinaka malaking kumpanya sa buong mundo."
=☆=☆=【Skylar's POV】=☆=☆=
"Ngayon lang po kasi ako nakatapos ng gawaing bahay kaya ngayon lang ako makakakuha ng pangbenta." sabi ko sa aming boss kung saan kami kumukuha ng balut na pambenta. Medyo nagalit siya sa akin dahil nalate ako ng punta. May oras kasi kami ng kuha at kapag hindi namin nabenta lahat iyun ay wala kaming makukuhang sweldo sa araw na iyun.Sobrang higpit ng boss namin hindi katulad ng dati kong kinukuhanan. Sayang lang at inatake sa puso ang may-ari kaya hindi na sila nagtuloy.
"Oh siya! Punuin mo na 'yang bulok mong bilao bago pa magbago ang isip ko at tanggalin ka." sabi ng matandang babae. Akala mo laging nag me-menopause.
Dali-dali ko ng pinuno ng balut ang bilaong dala ko at hinatak na ang kamay ng aking apat na taong gulang na anak palabas ng mabahong gusali.
"Mama, bakit po siya nagagalit?" pagtatanong ng aking apat na taong gulang na anak habang naglalakad na nakatingin sa akin.
"Hindi kasi nakapunta si mama sa tamang oras. Hayaan mo na yun at samahan mo na lang si mama magbenta ah!"
"Ano pong gagawin ko?"
"Bentahan mo na lang sila ng maganda mong ngiti. Panigurado ako na maku-cute-an sila sayo."
Ngayon ko lang naisama si Tyler mag lako ng balut. Hindi na rin kasi kaya ni ina na magbantay dahil sa sakit niya. Paano ba naman kasi, hindi ako makaipon-ipon. Ang daming gastusin tapos mga gamit pa ni Tyler.
Ilang taon na lang at magsisimula na din siyang mag-aral. Gusto ko sana siyang makapag-aral dahil hindi ko nagawa iyun gawa ng kailangan kong magtrabaho at alagaan si ina. Si papa naman kasi. Noong nagkasakit si ina ay nagkanda-loko-loko na rin ang buhay niya. Nakakainis nga kasi, naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao, hinding hindi mo siya iiwanan sa ere sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa kalusugan.
Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho. Kahit katulong o janitor lang sa isang gusali ay tatanggapin ko. Hindi naman ako maarte sa trabaho. Ito ngang paglalako ng balut ay kinakaya ko e, iyun pa kaya.
"Ate isa nga. Magkano?" ani ng babaeng lumapit sa amin ng anak ko.
"Bente lang ate." sagot ko habang ibinababa ang bilao na nakapatong sa aking ulo. "Ipa-plastic pa po ba?"
"Hindi na, dito ko na lang kakainin. Pahingi na lang ng suka." Inabot ko sa babae ang balot pati na rin ang suka na nakalagay sa maillit na bote.
Nang ibalik na ng babae ang suka, nagpatuloy na kaming maglako. "Balut kayo diyan." pag-aalok ko habang hawak-hawak ang kamay ng aking anak at ang kanan naman ay inaalalayan ang bilao na nakapatong sa aking ulo.
Hindi ko mabitawan ang kamay ng aking anak dahil sa takot na baka tumakbo siya sa gitna ng kalsada.
"Mama, napapagod na po ako maglakad. Gusto ko na po umupo." sabi ng anak ko na nagbabagal na sa paglalakad.
"Kaunting lakad na lang anak at makakapunta na tayo sa pinepwestuhan ni mama." ngiti kong ani sa kaniya. Naaawa ako sa itsura niya dahil sa sobrang pagod ay namumula na ang mukha niya. "Konting tiis na lang nak."
Buti na lang at natiis ni Tyler ang mahabang nilakad namin. Agad ko siyang pinaupo sa batong upuan na nakapwesto sa gilid ng bayan. Minsan mang matumal ang bentahan dahil sa maraming kakompitensya, mas ligtas naman kaysa sa dati kong pwesto. Hindi na ako bumabalik sa kahabaan ng east venue matapos ang pangyayaring iyun. Pilit ko man na kalimutan, hindi ko magawa sapagkat araw-araw kong kasama ang bunga. Isang bungang hinding hindi ko pinagsisisihan.
"Ayun kay ate!" sabi ng isang lalaki na papalapit sa amin. "Pakyawin ko na lahat yan ate." Naku!!!! Ganyan na ganyan din yung sinabi ng mga kalalakihan dun sa bwisit na east venue na iyun e. "Tapos anong kapalit? Ang katawan ko? Hindi na uy!"
"Okay ka lang ate?" sabi ng kasama nitong babae sabay tawa nilang tatlo. Hala! Napatakip ako ng bibig dahil sa aking nasabi. Hala! Hala! Hala! Hindi ko napansin na nasabi ko pala ng malakas. Sa utak ko lang dapat yun e. Jusko!!! Pahamak din talaga ang pagiging madaldal.
"P-Pasensya po! Pasensya po! Nagpapraktis lang ako ng iba't ibang linya." pagpapalusot ko. Nakakahiya. Kumuha ako ng malaking plastic sa bag na bitbit ng anak ko. "Kukunin niyo po lahat noh!" paninigurado ko bago ko ilagay sa plastic ang balut.
"Oo sana. Iaadobo ko kasi. Babaunin namin sa beach." Sana all. Kailan ko kaya mae-experience pumunta sa dagat. Hanggang ilog lang kasi ako.
Nang maibalot at makwenta ko na ang mga balut. Inabot ko na sa kanila. Isang daan at apat na pu't siyam po ang bilang ng balut. Bali two nine eighty po lahat.
Walang pag-aalinlangang ibinigay sa akin ng babae ang tatlong libo. "Sayo na ang sukli." at umalis na sila.
"Maraming maraming salamat po mga ate at kuya." sigaw kong sabi sa papalayo nilang mga yapak.
"Anak! Nakaubos agad tayo!" Masaya kong ipinapakita kay Tyler ang tatlong libo. Dahil ibinigay na sa akin ng babae ang sukli, kinuha ko ito at inilagay sa bulsa ko. "May pambili na tayo ng pagkain anak! Swerte ka talaga sa akin."
Masaya kaming naglalakad pabalik sa gusali kung saan ako kumukuha ng paninda.
"Boss! Eto na po ang napagbentahan ko." wika ko habang hawak-hawak ang pera.
"Aba! Ang bilis mong nakatapos ah!" Kinuha niya ang pera at binilang. Ang kitaan namin ay apat na piso sa bawat mabebenta naming piraso ng balut. Kaya sa one fifty na nabenta kong balut, sumesweldo ako ng anim na raan. Kaya talaga hindi ko maiwanan ang pagbebenta ng balut e. Sa mga naririnig-rinig ko kasi sa balita na ang kinikita ng mga taong may ordinaryong trabaho ay limang daan. Mas malaki pa rin ang kinikita ko sa pagbebenta ng balut. Ayun nga lang, kapag hindi ako makakaubos ay wala rin akong kikitain. Kaya isang daan at limangpu lang ang kinukuha ko kasi bukod sa wala akong bisikleta at malaking lalagyanan, natatakot din ako na baka hindi ko maubos. Ang pagkakaalam ko naman ay basta makabenta ka ng hindi bababa sa isang daan at limangpu, sigurado na ang kita mo.
"Dahil mabilis kang nakabenta, dadagdagan ko ng isang daan ang kita mo." Napangiti ako ng malaki sa sinabi niya. Ngayon ko lang naranasan magkaroon ng bonus. "Kapag ba ganito palagi ang performance mo, lagi kang magkakaroon ng bonus."
"Maraming-maraming salamat po talaga." Masaya kaming lumabas ni Tyler sa gusali at nagtatatalon ako sa saya. "Masarap ang pagkain natin. Diba paborito mo ang manok?" Nanlaki ang mga mata niya sa saya. "Magmamanok tayo ngayong hapunan."
"Yehey! Pasko na!" sabi niya na ikinatawa ko naman. Sanay kasi siya na sa pasko lang nakakakain ng manok.
"Oo anak! Pasko na." sabi ko sabay buhat sa kaniya.
Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa bilihan ng nagpipirito ng mga manok.
"Tatlong hita kuya." sabi ko. Ininit niyang muli ang manok sa kawaling may kumukulong mantika at sinalang ng matapos itong lumutong.
"Setenta y cinco lang ne!" Kumuha ako sa bulsa ko ng pera at medyo nahirapan ako dahil buhat ko si Tyler na nakatulog na sa aking balikat at hawak ko rin ang bilao.
"Saglit lang kuya. Nasa bulsa kasi yung pera ko." Inipit ko muna ang bilao sa pagitan ng aking hita at agad na kinuha ang pera sa malalim na bulsa.
Iniabot ko na kay kuya ang pera at kinuha ko na ang mainit na manok na nakalagay sa isang maliit na plastic.
Inihiga ko na sa papag si Tyler. Hindi ko na siya gigisingin dahil baka magtoyo pa siya. Inasikaso ko na ang pagkain ni ina. Dinala ko na sa kwarto niya ang plato na may laman na manok at kanin. Nagdala na rin ako ng tubig para sa kaniya. Pagkatapos kong maibigay kay ina ang pagkain niya, dinala ko naman ang akin. Sa kwarto na kasi kami kumakain sapagkat nahihirapan ng tumayo si ina. Sabi niya na sa tuwing tatayo siya ay pakiramdam niya na tutumba lang siya.
Nagsimula na kaming kumain. "Anak, pwede mo ba akong samahan mag cr? Hindi ko na kasi mapigilan. Sasabog na ang pantog ko." Mabilis akong tumayo upang tulungan si ina. Habang umiihi siya, bigla siyang nagsalita.
"Pasensya na anak ah! Nagiging pabigat na ako sayo."
"Ina, kahit kailan ay hindi ko naramdaman na naging pabigat ka sa akin. Lagi mong tatandaan na kahit gaano man kahirap ang buhay, hinding hindi kita iiwanan." sagot ko sa kaniya habang tinutulungan siyang tumayo. Inakay ko na siya sa kaniyang kama at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Kahit na kailan ay hindi naging pabigat sa akin si ina. Kung tutuusin ay siya ang lakas ko na magpatuloy sa pang-araw-araw na buhay. Si ina ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsisikap. At dahil may Tyler na ako, nadagdagan na ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap na kumita.
Nang matapos na kaming kumain ay niligb0pit ko na ang lahat ng pinagkainan namin at hinati-hati ko na ang pera para sa pambili ng pagkain, pambayad ng kuryente at tubig, pati na rin ang pambili ng mga gamot ni ina. Okay lang kahit walang matira sa akin. Ang importante ay ang makaraos kami sa araw-araw.
Tinabihan ko na si Tyler at dahil sa pagod ng aking katawan, saglit lang ay nakatulog na din ako.