Hinintay ni Noraine na makalabas ang Doctor bago tingnan si Andrei na ngayon ay naglalakad na palapit sa ama nito na may nakakabit na swero at kanina ay may mga itinurok na gamot sa katawan ni Mr. Edwards. Hindi niya akalain na hahantong sa hospital bed si Mr. Edwards dahil sa sagutan nilang iyon ni Andrei. Tahimik ang buong silid. Nakatalikod sa kaniya si Andrei habang pinapanood ang ama nito na natutulog. Magtatatlong oras na itong natutulog kaya hindi mapalagay ang kalooban ni Noraine. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Hindi niya alam kung paanong kakausapin si Andrei para ma-comfort niya ito. Huminga nang malalim si Noraine saka tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Magkasiklop ang kaniyang mga kamay na naglakad siya palapit sa likod ni Andrei. Gusto niya sanang sabihin kay And