Tinapunan niya lang ng tingin si Andrei bago maglakad palapit kay Mr. Edwards na kanina pa hinihintay ang kaniyang pagdating. “Here you go, hija.” Pinaupo siya ni Mr. Edwards sa upuan na katabi nito. Nakangiting bumaling si Mr. Edwards sa kaniya. “Noraine, meet Lorebel, she’s---” Hindi naman intensyon ni Noraine na bastusin si Mr. Edwards pero ayaw niya lang marinig ang mga susunod pa sana nitong sasabihin. “Yes… I know her, Mr. Edwards,” sagot niya agad kahit na hindi pa natatapos ang matanda sa pagsasalita nito. Nakita niyang naningkit ang mga mata ni Mr. Edwards pero hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na ‘yon at tiningnan na lang si Lorebel. Peke ang ngiting ipinakita niya pero sinigurado naman niyang hindi siya mahahalata. “It’s nice to meet you… again, Ms. Lorebel,” sambit n