CHAPTER 8: Princess Popular

1546 Words
Savanna’s POV Gusto kong umalis sa mga taong nakapalibot kay Fausto pero dahil hawak niya ang baywang ko ay hindi ko magawa. “This is Savanna Sicio, a friend of mine,” pakilala ni Fausto sa akin sa kanyang mga kausap. May iilang lalaki doon, pero karamihan ay mga babae. “Hi,” isa-isang bati nila pero agad ding tinuon kay Fausto ang atensyon. “It’s been a month since we saw each other again, anong pinagkakaabalahan mo?” the woman with red lipstick asked to Fausto. “Work,” tipid na sagot ni Fausto at bumaling sa akin. I hold my purse tightly. Binaling na lang ang tingin sa ibang bagay tutal hindi naman ata sila interesado sa akin kundi kay Fausto lamang. “Did you saw Lynita? She is here.” Sumulyap ako sa nagsalita, she looks young, mestiza at maganda ang feature ng mukha. Lynita Verando is a famous model, nakilala ko lang siya dahil siya ang rumored girlfriend noon ni Fausto. Lahat ng mga babae na dinidate niya ay tinatawag na rumored girlfriend dahil ni isa wala siyang isinapubliko at pinakilalang girlfriend. She must be the last fling of Fausto, at ako na yata ang susunod na target nito. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Target? As if I will let him enter my life without working for my trust. Kahit gaano ko pa siya gusto, matalino pa din naman ako. “I didn’t know,” tipid na sambit lamang ni Fausto at sinulyapan ako. Para bang sinisiguro niya kung okay pa ako. Dahil sa pagbaling ni Fausto sa akin ay napabaling din ang mga kausap nitong babae. “Excuse us,” Fausto uttered after seeing someone. Naglakad kami sa isang table, dalawang babae ang naroon at isang lalaki. Nang mamataan kami ay umangat ang gilid ng labi nito habang nakatingin kay Fausto. May sinasabi siya sa dalawang babae dahilan para umalis ito ng table. “Ba’t ka natagalan? Nahirapan ka bang kumbinsihin si Miss Good Girl na sumama?” salubong nang lalaki at tumayo tsaka ako tinignan. “Natagalan kami sa loob ng kotse,” may halong birong sambit ni Fausto dahilan para mapasipol ang kausap nito. “Hi Savanna, I’m Atom Tonio.” The man extended his arm to me. Hindi ko maiwasan na magtaka dahil alam niya ang pangalan ko pero tinanggap ko na lamang iyun. “Savanna Sicio,” I uttered even he mentioned my name already. “I know,” makahulugan nitong sambit. Bumitaw ako sa hawak niya at nagtatanong na binalingan si Fausto. Pinaupo niya ako at umupo na din naman silang dalawa. “Nakukuwento kita sa kanya.” “Actually, hindi lang yun. We met before. Sa isang restaurant, pinakilala ako sa iyo ng pinsan mo,” Atom articulated. “Talaga? Sinong pinsan ko?” he got my attention. “Wenna, we dated but it didn’t last longer.” Napatango ako at naalala nga ang pangyayaring iyun, nagkasalubong lang kami nun kasama ko ang parents ko. “He is my closest friend,” sabat ni Fausto, pertaining to Atom. Itinaas ni Atom ang dalawang kilay niya nang sabihin yun ni Fausto, para bang sumasang-ayon sa sinabi ng kaibigan. “So, what’s the real score between you and my buddy?” he asked in an intriguing manner. Napailing lang si Fausto at makahulugang tinignan ang kaibiga, para bang pinapatahimik niya ito. “We’re friends.” “We talked about that Savanna, we can’t be friends,” pagsabat ni Fausto. “Oooooh!” Atom uttered mockingly. I pouted my lips and hid the smile that might appear on my lips. Fausto crossed his arms lazily. “He’s my father business-partner,” pagtatama ko. Fausto’s eyes narrowed at me. Umiwas lang ako ng tingin at tinuon yun sa wine na nilapag ng waiter. Magpoprotesta sana si Fausto pero biglang dumating ang isang babae na kasing edad ko lang at lumapit kay Fausto. Fausto stood up and the girl hugged Fausto. “You’re late,” the woman said in her red mermaid tail gown. Hindi sumagot si Fausto bagkus ay binalingan ako at nilahad ang kanyang kamay sa akin. I accepted his hand and stood up beside him. The woman scanned me, tumaas ang isang kilay nito hanggang sa namilog na ang kanyang mga mata. Napatakip ito sa kanyang bibig at hinigit si Fausto hindi kalayuan sa amin. “Kuya, kailan ka pa pumatol sa mas bata sayo?” I heard the woman hissed. “At kailan ka pa nakialam Sandra?” may bahid na inis ni Fausto. “Kuya! You know who is she? She is Savanna Sicio!” Tumaas na ang boses ng babae. I think she is not aware that I can heard her clearly. Umupo na lang ako at hindi maiwasan na mapatanong. Kilala ba ako ng babaeng yun? “And you expect me that I don’t know that?” Fausto said annoyed. Bumalik sila sa table namin, nakita ko ang pagniningning sa mga mata ng babae. The woman sat on our table, bumalik si Fausto sa kinauupuan nito. “She is my cousin, Sandra Fausto,” pakilala ni Fausto. “Hi! I didn’t expect that I will meet you here, on my birthday,” impit na tumili ito na parang kinikilig. Now it confuses me, anong meron? Anong nangyayari sa kanya at ganyan na lamang ang reaction nito? “What’s wrong with you Sandra?” hindi na mapigilang tanong ni Fausto. “Stalker ka ba ni Savanna? Parang natotomboy ka,” biro ni Atom at tumawa. Hindi sila pinansin ni Sandra bagkus ay nasa akin lang ang buong atensyon nito. “Yes, I am a stalker of her,” Sandra said abruptly. Namilog ang mga mata kong binalingan si Fausto. “What the f**k?” gulat na tanong ni Atom at binalingan din si Fausto. Pero kahit si Fausto ay napaawang lang din ng labi. “Are you still on your right state of mind?” si Fausto. Bumaling si Sandra sa pinsan niya. “Are you flirting with her? Kapag ginawa mo yan aawayin kita!” Sandra said in a warned tone. “Kailan ka pa naging tibo?” hindi makapaniwalang tanong ni Atom. Muling bumaling ulit sa akin si Sandra ng may ngiti sa labi. Napaayos ako ng upo. “I’ve been watching your cheerdance competition nung highschool ka pa, I’m one of your biggest fan,” mangiyak-ngiyak niyang sambit. Ang dalawang lalaki ay unti-unting napabaling sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, sa takot at pangamba. Tikom ang bibig ko at hindi nakaimik. “You’re a fashion icon, a famous cheerleader, you are a member of exclusive female organization and the sassy princess. Sikat ka sa school namin, halos lahat ng kababaihan ay sinasamba ka. But vanished like a bubble,” the excitement on her voice and face is very evident. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik, walang bahid na kahit anong emosyon habang nakikinig sa mga kuwento niya. I wanna get out of here. “Can I take a picture with you? I’m sure this gonna be viral if my friends saw you with me,” she said excitedly. Walang imik sina Fausto at Atom, para bang hindi makapaniwala sa mga nalalaman. Bumaling ako kay Fausto na tulala lang. “I want to go home,” malamig kong sambit at tumayo. Narinig ko pa ang habol na sigaw ni Sandra sa akin. Nang makarating ako sa parking area ay hinawakan ni Fausto ang braso ko at pinaharap sa kanya. “What was that?” takang tanong niya. “Totoo ba lahat ng sinabi ni Sandra?” mahinahon niyang tanong. “Can you stop throwing me questions?” ngayon ay tumaas na ang boses ko, lumabas na ang inis sa mukha ko, at nakayanan kong tignan siya ng matalim. He stilled on his position, he is scanning me before he shook his head. Marahan akong napalunok nang marealize ang reaksyon na pinakita ko sa kanya. Napayuko na lang ako at pilit kinalma ang sarili. “I don’t get it. Everyone says that you are a dull, plain, silent, and smart person. Lahat ng mga kilala ko sinasabi na kung umakto ka ay parang isang nerd na kulang na lang magsuot ng braces. At lahat ng yun ay napatunayan ko na totoo simula nang makilala kita. Your parents even claiming that you hate people watching you, you hate the attention, you hate socializing, you hate parties, and you have few friends.” Nakita ko na naguguluhan siya pero nanatili lang akong nakayuko. He licked his lower lip and hold my shoulders. “My cousin must be mistaken. I can’t imagine you being sassy or wearing very stylist outfit and talking the trends with your circle of girl friends. Nakita ko kung paano ka manamit, nakita ko kung paano ka yumuko kapag marami na ang tao. I saw how you act awhile ago, you are far different from those girls. But that’s what my cousin claiming after she saw you.” I bit my lower lip. I’m cornered. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Kung ano ba ang pwedi kong sabihin. “I just wanna go home,” bulong ko at yumuko. Ilang segundo pa siyang hindi bumitaw sa balikat ko. Nakatingin lang sa akin habang malalim ang buntong hininga. “Alright,” pagod niyang sambit. Bumaba ang hawak niya sa balikat ko at binuksan ang pinto ng kotse niya. Nang magsimula na ang pag-andar ng kotse nito ay tahimik lang kami sa loob, maraming bumabagabag sa isip ko. Bakit sa ganitong sitwasyon pa naungkat ang nakaraan? Bakit kung kailan naroon pa si Fausto? “You know that even you keep secret to me, I’m still gonna court you,” pagbasag niya ng katahimikan. “Without knowing my past?” I challenged him. “I don’t care about your past, all I care is you.” Gusto kong matawa sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD