Chapter 7: Cheerleader

1526 Words
Savanna’s POV Kanina pa ako niyuyogyog ni Khaya matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Fausto. Hindi ko mapigilan na mamula at ngumiti ng matamis sa kilig. Hindi makapaniwala si Khaya, actually hindi siya naniniwala. Pinakita ko sa kanya ang message sa akin ni Fausto kaninang umaga. From Fausto: Good morning! I’m heading now to the company. Kumain kana ba? I hope you eat a lot. Keep on wearing the necklace, okay? See you this Friday! “Totoo ba yan?” Namumula na ang mukha ni Khaya sa kilig. “Siguro? Hindi nga din ako makapaniwala eh,” pag-amin ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa gym. May cheerdance practice kasi si Khaya para sa up-coming tournament. Hinihintay ko na lang siya para makauwi na kami, tulad ng dati ay sasabay ako ulit sa kanya. “Maraming iiyak na babae, Savanna,” impit na usal nito. “He even bought me pink teddy bear,” natatawang kuwento ko sa kanya. Khaya grimaced. “Pink? I love pink, but I thought you hate pink? You only love the color of white and black.” “Yeah,” nakangiting usal ko. “But I love his gift,” I added and pouted my lips. “Really?” “Oo, ang cute nga eh.” “You don’t like cute stuff. I like cute stuff.” Natawa na lang ako sa reaksyon ni Khaya. She is so sassy and it’s cute watching her reactions and expressions. “But the effort, Khaya. Akalain mo yun, he bought me flowers, pink teddy bear and this necklace,” pinakita ko sa kanya ang suot kong kwintas na kanina niya pa napansin. “Let him court you. Pahirapan mo, hindi ako naniniwala na sincere yan.” Napanguso ako sa sinabi ni Khaya, may point siya. Hindi ko puweding ipakita kay Fausto na gusto ko din siya. He needs to work to gain my trust, pakiramdam ko pa rin talaga ay ang bilis ng lahat. I can see myself back then, dinadaanan niya lang, hindi niya nga ako matapunan ng tingin. Tapos parang isang kidlat na lang na ako ay napansin niya. “Ooy, sali ka sa tournament.” Napaangat ako ng tingin kay Khaya dahil sa sinabi nito. “Ayoko.” “The squad needs two cheerdancer, may nahanap na kaming isa pero kulang pa din,” pamimilit ni Khaya sa akin. “No, Khaya. No,” pinal kong sambit. Nilabas ko ang phone ko sa bag para yun ang pagkaabalahan. “Come on, Savanna. I saw your video during your highschool. Ang galing mo! I still don’t get it why you suddenly stop being a cheerleader!?” takang tanong niya. Lagi niyang tinatanong yan sa akin simula makita nito ang nakatagong video ko sa laptop ko. She was amazed by my movements. I won’t deny that I WAS a cheerleader, pero hindi na ngayon. “Stagefright, Khaya. I don’t like the crowds while I’m performing,” tanging usal ko pero umiling lang siya, dismayado sa desisyon ko. Hindi na nakakontra pa ulit si Khaya dahil tinawag na siya ng trainor nila. She gave me a meaningful look before turn around and run towards her squadmate. Her looks is begging and trying to convince me to change my decision. I don’t want to go back, I don’t wanna be a cheerleader again. Never. Kakadating ko lang galing school nang ipinatawag ako ni papa. Ang mabilis kong lakad pababa ng hagdan ay humina nang makita ko ang kausap ni papa. Marahan akong napalunok at lumapit sa kanila. Nagtatanong kong binalingan si Fausto, siguro hindi naman ako ang sadya niya dito. Wednesday pa lang, hindi pa Friday. Maybe he is here because of dad. “Pinapatawag niyo daw ako, dad?” tanong ko dito. Mom is in the kitchen, habang narito naman sila sa salang dalawa nag-uusap. I saw on my peripheral version how Fausto tilted his head mockingly while staring at me wih his dark brown eyes. “Hindi ako, si Fausto.” My forehead wrinkled of what my father said. Hindi ko talaga maintindihan ang pagkagusto ni dad kay Fausto. Sobra na lang ang pagtitiwala niya sa lalaking ito. “Ba-bakit?” nagtatakang tanong ko. “Pinagpaalam na kita, there is a small party on my cousin’s birthday. Gusto kitang isama.” Hindi ko mapigilan na taasan si Fausto ng isang kilay. “Without asking me?” pagbulong ko sa kanya. Nilapit nito ng konti ang labi sa tainga ko. “I know you would say yes, mali ba ako?” Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi habang nag-iisip kung may importante ba akong gagawin ngayong gabi para sa eskuwelahan. “Pumayag na kami ng mama mo, go out with him and try socialize. Hindi pweding nakakulong ka lang lagi sa bahay Savanna. You are already a college student, ilang taon na lang gagraduate kana at magkakaroon ng trabaho pero umakto ka para ka pa rin isang elementary na laging nasa sulok.” dad’s words caught my attention. “Pa,” pigil ko sa kanya. He just shrugged his shoulder at me. Kalaunan ay bigla ding sumeryoso. “I’m serious Savanna, nag-aalala na kami ng mama mo,” dad said without any humor on his face. Dahil doon ay natahimik ako at napayuko. Ramdam ko ang matindi nilang pag-aalala sa akin, hindi ko lang napapansin pero ganun pala ang nararamdaman nila. Nakita kong marahan na hinawakan ni papa ang balikat ni Fausto bago ito umalis at iwan kaming dalawa sa sala. “Are you coming?” Umangat ang ulo ko sa biglang pagsalita ni Fausto, mabilis akong tumango sa kanya. “Magbibihis lang ako,” usal ko at mabilis siyang tinalikuran. Agad akong dumiretso sa kuwarto ko at nagmamadaling nag-ayos. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa parents ko bago tuluyang umalis ng bahay. Tahimik ang loob ng kotse habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ng pinsan niya. “I don’t get it, why your parents pushing you to socialize? Wala ka bang kaibigan?” biglang tanong nito kaya napabaling ako sa kanya. He glanced at me. “I have, pero bilang lang.” Tumango siya sa sagot ko. “Kaibigang lalaki?” he asked again. Ngayon ay nakakunot na siya ng nuo at nasa daan lang ang tingin. He puckered his lips and looked at me, waiting for my answer. “Isa lang,” I mumbled. Marahan siyang napalunok, ginilid niya ang kotse at tumigil ito. Umayos siya ng upo at hinilig ang braso niya sa ulo ng inuupuan ko. “Sino?” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may bahid na inis ang kanyang boses at mukha. I’m confuse by his reaction, gusto kong isipin na nagseselos siya pero parang hindi selos ang nararamdaman niya, tila ba higit pa doon. I can sense a strong anger towards his facial expression. Tumikhim ako. “Yoga. Yoga Almonte,” I answered with hesitation. His jaw clenched tightly and nodded his head. “Siya lang?” “Yeah, I met him because he is the sister of my friend.” His eyes narrowed at me, ngumisi lang ito. Isang aroganteng ngisi. “Nice,” there is a bitterness on his voice. “I-ikaw din, kaibigan na din kita. I never go out with some guys, but I just did to you.” Pagpapagaan ko ng loob sa kanya, baka yun ang ikinagagalit niya. Sinabi ko na isa lang ang kaibigan kong lalaki, baka naoffend siya sa sinabi ko. Nanunuya siyang humalakhak, nagulat ako sa paglapit ng kamay niya sa akin. But he removes my seatbelt and lifted his gazed at me. Ang kamay niya ay nanatiling nakatukod sa upuan habang malapit ang mukha nito sa akin. Madilim ang kanyang tingin, nawala ang marahan at malambot na expression sa kanyang mukha na nakita ko kanina lang bago kami umalis. I can smell his expensive perfume, huminga siya ng malalim. Dahil hindi ko na makayanan ang malalim niyang titig sa akin ay bumaling na lang ako sa labas. “Na-nandito na ba tayo?” mahinang tanong ko. Ang puso ko ay mabilis at malakas na ang kalabog, ayoko ng ganito katahimik. “Don’t consider me to one of your friends,” matigas niyang sambit dahilan para mapatingin ako sa kanya. Dahil doon ay nakayanan ko siyang tignan sa mga mata. Anong ibig niyang sabihin doon? Galit ba siya sa akin? He looks mad. Lumayo na si Fausto at lumabas ng kotse. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para lumabas na din pero naunahan na niya ako. SInadya niyang humarang para hindi ako makalabas. “I don’t want to be your friend, Savanna.” Napayuko ako at tumango. Edi wag! “Marami ako niyan, hindi ko na kailangan ng isa pa.” “Okay,” labas sa ilong kong sambit. Sa isip ko ay iniirapan ko na siya. Pero napapitlag ako nang hawakan nito ang pisngi ko at iniangat ang mukha ko para matignan siya. “I want something else from you, at hindi yun pagkakaibigan.” Marahan akong napalunok sa sinabi nito. He caressed my lower lip, hindi ko maiwasan na uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Ngumiti ito ng tipid at hinakawan ang kamay ko hanggang makababa ng kotse, habang papasok kami sa isang mamahaling hotel ay lumipat ang kamay niyang nakahawak sa akin sa baywang ko. Tumingala ako sa kanya pero walang emosyon ang mukha nito habang papasok kami at binabati siya ng iilang mga tao, karamihan mga babae. Ito ang hindi ko gusto, ang sobrang atensyon. I hate this, I won’t enjoy this party for sure. Mas lalo lang akong nagsisi nang makapasok na kami sa loob kung saan ang venue. Napaawang na lang ang labi ko sa dami ng tao na nakita, hanggang sa tuluyan na silang lumapit kay Fausto para batiin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD