Chapter 9: Real

1498 Words
Savanna’s POV Nang makauwi ako ay nagulat si papa sa maagang pagdating ko. I approach him, he was with mom on their room. Mukhang matutulog na. “What’s wrong? You didn’t enjoy the party?” tanong ni papa sa akin. Dahil doon ay iniwan ni mama ang kanyang ginagawa sa study table nito at lumapit tsaka umupo sa kama. “You clear everything about the incident, right?” paniniguro ko sa kanila. Nagkatinginan sina mama at papa sa isa’t-isa. “Of course, baby. Don’t worry, walang makakaalam ng tunay na nangyari noon, it’s all buried in the past,” dad said assured. “Kilala ako ng pinsan ni Fausto.” Lumapit na sa akin si mama at hinila ako paupo sa tabi niya. “Marami pa ding makakakilala sayo, Savanna. Hindi mo yan maitatanggal sa mga tao, ang mahalaga ay malinis ang pangalan mo,” niyakap ako ni mama. I bit my lower lip, matagal ko nang napag-isipan ito na sabihin sa kanila. Natatakot lang ako sa maging reaksyon nila at magalit pa sila sa akin. “What if…” marahan akong napalunok. “What if I tell them the truth?” Marahas na kumalas ng yakap si mama sa akin. Dad shook his head of disappointment. “Ngayong may maganda kanang buhay, gusto mo ulit sirain?” matigas na tanong ni papa. “Savanna, you must not do that. Sobra ang hirap na ginawa namin ng papa mo para lang malinis ang pangalan mo. Kung sana nakinig ka sa amin noon pa man, hindi mangyayari yun.” Mom looks frustrated and mad. Hindi na ako umimik pa at tumango na lang ako. They are right. I should keep my mouth shut, sa paraan na yan ay walang magiging problema. NAGMAMADALI AKONG lumabas ng school matapos mabasa ang message sa akin ni Fausto. Nang tuluyan na akong makalabas ay nakita ko siyang nakahilig sa kotse nito habang hawak ang phone niya. Naging mabagal ang lakad ko papalapit sa kanya. “Ba-bakit ka nandito?” I did not expect that he will come here to see me after the incident that happened to his cousin’s birthday. “May date tayo, nakakalimutan mo na ba? I’m here to pick you up.” Dahil nakukuha na namin ang iilang atensyon ng mag estudyanteng lumalabas ay pumasok na ako sa kotse nito. Mabilis kong nilabas ang phone ko para imessage si Khaya sa pag-alis ko, may inaasikaso kasi ito sa lab kaya hindi na ako nakapagpaalam pa. “Friday ngayon, huwag mong sabihin na nakalimutan mo na ang date natin,” sambit ni Fausto nang makapasok ng kotse niya. He started the engine of his car. “Saan tayo pupunta? Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform.” May kinuha siya sa likod at iniabot sa akin. Nagtataka ko iyung tinanggap at isang branded at mamahaling dress and laman. “Gusto mong magpalit ako dito?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Don’t worry, this car is tinted.” Sinimangutan ko siya. “How about you?” “I’m driving, hindi ako susulyap sayo,” he said assured. Pero napaface palm na lang ako. Sa tingin niya mauuto niya ako at maniniwala sa kanya? “At pano ka nakakasiguro?” He sighed tiredly and made a quicked glance at me. “Because If I glance at you, hindi ko na maaalis ang titig ko at mababangga lang tayo.” Napanganga ako sa sagot niya. Is he throwing me another corny lines? Cause it’s not working. But I can’t help to smile on my mind. Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa likod, okay lang naman dahil may suot akong sando at mababang cycling short. “Ibaba mo yung rearview mirror mo,” utos ko sa kanya bago tinanggal ang buttones ng suot kong uniform. I heard him chuckled. “Now you’re become demanding,” he mumbled. “Hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi ni Sandra,” he added. Nang matapos na ako magbihis ay bumalik ako sa dating pwesto ko. “Salamat sa damit.” Sumulyap siya sa akin at bumaba ang tingin sa suot ko. He puckered his lips and nodded his head before he looked away. “Now you really look like a sassy princess,” his voice held mockery. Hindi ko na mapigilan pang irapan siya and he accidentally saw it. Fausto’s lips formed into an amusement smile. Bigla akong napaiwas ng tingin sa pagkakahuli nito sa pag-irap ko sa kanya. “Now you’re rolling your eyes at me,” he murmured but the smile remain on his lips. I bit my lower lip, tinuon ko na lang ang tingin sa labas habang nagbibiyahe sa lugar na hindi ko alam kung saan pupunta. “Walang masama sa pagiging totoo,” biglang sambit niya sa gitna ng katahimikan. Nang balingan ko siya ay nakita ko ang seryosong mukha nito. “Ano bang alam mo sa akin? Hindi mo ako kilala.” “Kahit hindi matagal na magkakilala, alam kong mabuti kang tao. You don’t need to hide yourself, there is nothing wrong for being true.” I stilled on my position, hindi nakaimik sa sinabi niya. “I’m not hiding my real me, I changed,” pangangatuwiran ko. He chukled again and glanced at me. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. “Hindi ka ganyan kapag maraming tao, you’re changing when you get people’s attention. When people are staring and watching you.” He is right, kapag kasama ko siya bumabalik ang dating ako. Nawawala ang pokus ko, kung ano ang dapat na tamang iakto ko. Siguro dahil na din alam niya ang tungkol sa pagkatao ko kaya kahit papaano ay wala na akong pakialam na ipakita sa kanya ang bad sides ko. “Ano bang tingin mo sa akin?” takang tanong ko. Pakiramdam ko sa ilang taon na pagtago sa tunay na ako, sa ilang taon na pagbago sa sarili ko. Tuluyan ko nang nakalimutan kung sino nga ba talaga ako. “You’re a strong woman inside, but fragile outside.” He licked his lower lip and smiled. “I almost forgot who am I,” mapait kong sambit. “Then start knowing yourself again. But this time, kasama na ako.” Bumaling siya sa akin, his eyes are telling me so much sincerity. “I’m not asking you to tell me everything about you and your past. You can start a new, together with me.” My heart melts, lumakas pa lalo ang kalabog ng dibdib ko. Gusto kong matawa, totoo ba ang mga sinasabi niya? Dahil ang pagkakaalam ko ay hindi ganito si Fausto makitungo sa mga babae. “What do you want from me?” pabulong kong tanong. Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. But I feel that there is something from me that he really wants. Katulad ng sabi ko, sa murang edad ay namulat na ako sa mga ganitong klaseng uri ng lalaki. I can already see their purpose when they approach me, pero siya ay talagang naguguluhan ako. If he wants to flirt with me, then why he need to waste her time spending with me? Kung maari naman siyang maghanap ng mas magandang babae diyan kaysa sa akin. “I don’t want anything from you. I will help you Savanna, I will even take care of you. No need in return, yun lang ang gusto kong gawin kaya hayaan mo na ako.” Seryoso ang mukha nito. “You want me as your friend or… sister?” takang tanong ko. Napahawak ito sa batok niya tila napakalaki ng problema. “Damn! Ang hirap namang magpaliwanag sayo. I want to court you and be my girlfriend,” diretsahan niyang sagot. “You sure you wanna court me? Alam mo na mailap ako sa lalaki. Alamin mo din muna ang ibig sabihin ng panliligaw dahil baka hindi mo alam ang mga sinasabi mo. I’m not like your other women that will accept your confession immediately.” Tumawa siya sa sinabi ko. “I’m not confessing to women. They confessed to me,” mahangin nitong sambit. “Then what is all this? Wala akong naalala na nagconfessed ako sayo,” panunuya ko sa kanya. “That’s why I’m courting you because I like you, don’t compare yourself from other women. You’re far different from them.” “You’re flowering words, kikiligin ba ako?” I asked playfully. Hindi siya umimik pero panay ang sulyap sa akin. “I like it,” biglang sambit nito matapos ang ilang segudong pagtatahimik. “Huh?” “I like it when you’re showing your real side to me, it’s cute… and naughty.” Pakiramdam ko ay uminit ang buong mukha ko. Hindi lang dahil sa huling salitang binanggit niya kundi sa appreciation na natanggap ko at nagmula pa yun sa kanya mismo. His side, this is my first time seeing him like this. I always sees him as an authoritative and unreachable person. Seryoso at laging maiinitin ang ulo, walang pakialam sa kapwa basta ang kompanya niya ay lumalago. Now he is here beside me telling comforting words. Hindi na ako umimik at napanguso na lang para itago ang ngisi sa labi. “I will wait, hindi naman ako nagmamadali.” Nagulat na lang ako sa lugar na hinintuan ng kotse ni Fausto. Nakanganga ako nang lumabas sa kotse niya, hindi ko na napansin ang paglapit ni Fausto sa akin sa sobrang pagkagulat at… pagkamangha? I don’t know if I will be horrified or annoyed at him. Pumihit ako paharap sa kanya, I looked at him in disbelief manner. He must be kidding me. There is no way I’m gonna go in there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD