Chapter 4: Flowers

1562 Words
Savanna’s POV Nagkatinginan kami ni Khaya habang papalapit ng parking area. Pareho na kunot ang aming nuo at walang ideya kung bakit maraming college students na nagkukumpulan malapit sa main gate. “I bet there is another actor or model out there. Halos lahat ng naroon ay puro mga babae,” iling na usal niya Khaya habang nakatingin sa labas. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta kung nasaan ang maraming college students. “Te-teka. I need to go home,” pigil ko pero mahigpit ang hawak sa akin ni Khaya. “Come on! This won’t take long. Sisilip lang tayo.” Ramdam ko ang excitement sa boses niya. Hindi na ako nakipagsiksikan sa mga babae na naroon. Nasa likod lamang ako habang si Khaya ay pumunta pa talaga sa unahan para makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa University namin. “Sino ang hinihintay niya?” “OMG! Is he courting a college student in our University?” “Impossible! He don’t have time to do courtship, fling lang ang alam niyan.” “Ang hot niya! He is not even looking at me,” mangiyak-ngiyak na usal ng isang babae. Nakikinig lang ako sa kanila, hindi makasunod sa pinag-uusapan. “He is waiting for someone. Sana hindi babae!” I looked at my wristwatch. I still need to review and read books for the topic of the discussion for this week. Narinig ko na ang boses ni Khaya na tinatawag ako at impit ang tili, siguro ay uuwi na kami. Sasabay ako sa kanya dahil sinabi niyang siya na ang hahatid sa akin. Lumabas na si Khaya sa kumpulan ng mga kababaihan na malaki ang ngisi sa labi. “Gosh! Hulaan mo kung sino ang pinagkakaguluhan nila!” tumili si Khaya kaya hinila ko na siya papuntang kotse nito dahil baka makuha pa namin ang atensyon ng iba. They are like highschool students, pati na din si Khaya ay parang highschool kung kiligin. “Fausto Tugado is freaking here, waiting for someone.” Natigilan ako sa sinabi ni Khaya at nahihirapang napalunok. “Re-really?” tumawa ako ng pilit at binuksan ang front seat. Pumasok din si Khaya pero hindi pa din pinapaandar ang kanyang kotse. “Hindi lang yun. He is holding a boquet of flowers. Hindi ko gustong maniwala na siya ang nakita ko. I mean, hello! It is Fausto Tugado we are talking about. The hot ruthless playboy who don’t take relationship seriously. I’m completely surprised,” kuwento niya na para bang nakakita ng multo. I bit my lower lip, he is holding flowers while waiting for someone? What a playboy! Sabi ko na nga ba at walang katotohanan ang mga sinabi niya sa akin last week. Ngayon ay may bago na naman! “I thought his types of women are successful and stable in life?” tanong ko kay Khaya. “Bestie, that’s also what I’m thinking. I wonder who the lucky girl is.” “Who ARE the lucky girls?” pagtatama ko at nagtawanan kami. Naglaho lang ang ngiti ko nang umandar na ang kotse. Kumalabog ang puso ko dahil madadaanan namin kung nasaan si Fausto ngayon. Nang lumabas na ng gate ang kotse ni Khaya ay kumanan siya. Naroon pa din ang mga kababaihan na nagkukumpulan. The time stops the moment I finally saw Fausto leaning on his black car, wearing his business attire and scrolling something on his phone while waiting for someone. Nasa ibabaw ng kotse niya ang bulaklak at wala siyang pakialam kung marami na ng mata ang nakatingin sa kanya. Matigas at malamig ang kanyang mukha. The car is tinted so I’m not bothered if he glanced at Khaya’s car. Bumagal ang pagpapatakbo ni Khaya ng kotse niya at panay sulyap sa labas. “See?” Khaya mumbled while keep on glancing outside her car’s window. NAKARATING NA ako sa bahay at madaliang nagbihis. Nagdinner muna kami bago ako umakyat ulit sa kuwarto ko para magsimula ng mag-aral. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng kama, at first I thought it was Khaya who was calling but when I saw Fausto’s name on the screen I almost panicked. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinagot ang tawag niya. Wala akong marinig sa kabilang linya kundi malalim na pagbuntong hininga. “Fausto…” I finally uttered. “I’m here… outside of your house. Can you come out?” Mabilis akong tumayo at lumapit sa malaking bintana ng kuwarto ko na natatakpan ng makapal na kurtina. Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. There! I saw Fausto, leaning on his car arrogantly while holding his phone on his right ear lazily. “Please?” he added huskily. Tila nanghina ang mga tuhod ko sa huling sinabi niya. Isang Fausto Tugado? Begging just to see me? I don’t believe this! Ano na naman ba ang kailangan niya? “Can’t you wait until Saturday? Magkikita naman tayo diba?” I want to sound cold but why my voice suddenly became soft and gently? Tinutukoy ko ang pagbisita niya sa rest house namin na naudlot nung Sabado. “Yes, I can’t wait. I want to see you now,” pinal at maawtoridad na usal niya at bumaling sa bintana kung nasaan ako. Namilog ang mga mata ko at agad na nagtago sa likod ng kurtina. Did he saw me? “Why are you here? What do you need?” ngayon ay nagawa ko ng magtaray sa kanya. I should keep doing this so he’ll leave me alone. Hindi maganda ang ginagawa niya. Baka mas lalo lang akong mahulog sa kanya. “I need you to get out of the house just for a bit. Please Savanna, I’m damn tired,” napapaos nitong usal. “Sasabihin ko sayo ang kailangan ko kapag nandito kana sa harap ko.” Kumalabog ang puso ko. Hindi ko mapigilan na maexcite, kabahan at manghina. Para akong isang high school student kung kiligin at kabahan. I fixed myself and put some perfume on my neck. Tahimik akong lumabas ng kuwarto at naglakad papunta sa malaking pintuan para makalabas ng bahay. When I opened the gate, Fautos’s eyes automatically landed on me. Nanginginig ang tuhod ko sa titig niya sa akin. Pinaglalaruan nito ang kanyang cellphone sa isang kamay habang hinihintay ako na makalapit sa kanya. Huminto ako sa harap ni Fausto, his eyes are deep, dark and sleepy. Naramdaman ko ang pagod sa mukha niya. Alam kong busy siya kaya bakit niya pa inaabala ang sarili sa akin? Hindi ko maintindihan. Isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko, walang nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay nasa baba ang tingin. “I just wanna give you this,” he said seriously that made my gaze lift. Naabutan ko siya na kinuha ang boquet of white roses inside of the passenger seat. Inabot niya sa akin ang bulaklak at nakaramdam ako agad ng kiliti sa tiyan ko. I felt the buzzing sensation throughout my body, hindi ako agad nakareact sa ginawa niya. Lubos ang mangha sa bulaklak na dala nito. “Why are you giving me flowers? Wala akong sakit,” pilit kong partataray sa kanya. Hindi pweding magpalinlang ako sa isang playboy na kagaya niya. Nakita ko pa lang siya kanina sa labas ng University namin na may dalang bulaklak, kung ganun tapos na siya sa babae niya kanina at narito na siya ngayon sa akin? I may sound so mean to him, pero ayoko lang umasa. Masasaktan lang ako. “May mga sakit lang ba ang binibigyan ng bulaklak?” napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa paghakbang nito papalapit sa akin. “Hindi ba pweding… gusto kita?” he added softly. Pag-angat ko ng tingin ay napakalapit na niya sa akin. I can already smell his masculine perfume. “Hindi ba tinanggap ng babae mo ang bulaklak kaya sa akin mo binibigay ngayon?” I assumed. Trying to pissed him but he just chuckled. “I think so.” Masama ko siyang tinignan sa pag-amin nito. He thinks so? Kung ganun inaamin niya nga?! “I was waiting outside of her University. Hoping she will come out and welcome me. Pero tinakasan yata ako,” He said sweetly and caressed my right cheek, napapitlag ako sa ginawa niya. “So here I am. Outside of her house, trying to give the flowers I bought for her. Kahit alam ko na anumang oras ay maabutan kami ng papa niya.” I swallowed hard. I want to think straight but my mind is already clouded by his sweet words. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Ang bayanad na paghaplos niya sa aking pisngi ay napaunta sa aking labi. His adam’s apple move gently. Umatras ako sa kanya, takot sa nararamdaman ko ngayon. It’s happening so fast. Bakit sa isang iglap ay nakuha ko ang atensyon niya? “I need to study. Magkita na lang tayo sa Saturday,” pag-iiwas ko. Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga nito. I licked my lower lip and look away. “Here,” binigay niya sa akin ang bulaklak at kahit nanginginig ang kamay ko ay tinanggap ko yun. “Let’s see each other on Saturday. Good night,” Usal niya sa malalim na boses. Tumango lang ako bago siya tinalikuran. Naglakad na ako pabalik sa gate. Nang muli akong lumingon sa kanya ay nakatitig lang ito sa akin. Nang makarating na ako sa kuwarto ko at tumingin sa labas ay nakita ko siyang papasok pa lang ng kotse nito. Nasa dibdib ang isang kamay ko at ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Muli akong napatingin sa bulaklak na hawak ko. I closed my eyes firmly. What should I do? Bumabalik ang nararamdaman kong atraksyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD