Chapter 3: Call

1737 Words
SAVANNA’S POV Napatingin ulit ako sa wristwatch ko. Sabado ngayon at ang usapan ay alas kuwatro y media ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa dumarating si Fausto. Mula sa pagkakaupo sa maliit na hagdanan na yari sa purong kahoy ay napatayo ako nung makita ang pagtigil ng kotse sa tabi ng malaking rest house namin. Lumabas doon si Fausto na seryoso at matigas ang mukha. He is still wearing his business attire. Inayos muna nito ang damit niya bago naglakad papalapit sa akin. “Sorry. Something came up,” seryoso ang boses nito. “Kung busy ka kasi, sana hindi kana lang pumunta dito.” “It’s alright. I always have spare time for you.” Napatingin ako sa mga mata niya sa sinabi nito. Napakunot na lang ako ng nuo. Hindi ako manhid para hindi malaman ang mga galawan niya. Yes, I may not have enough experience in love but I have a lot of knowledge about it. Sa mga nababasa kong libro, iba ang intension ng kagaya niya. “Wag ka nga magbiro,” simangot na usal ko at umiwas ng tingin. “Walang biro sa sinabi ko,” biglang tumahimik ang paligid, walang nagsalita at tanging tunog ng dagat lamang ang aming naririnig. Nagsimula na kaming maglakad at nasa tabi ko naman siya, sinasabayan ang lakad ko. Pinapakita ko sa kanya ang mga area kung saan laging dinadayo ng mhga turista. Pati na din ang sikat na rock formation malapit sa rest house namin. “I heard that your father is planning to sell this house.” sambit niya habang naglalakad kami sa dalampasigan. “You’re planning to buy this?” I asked. Napalabi siya at tumigil sa paglalakad. Hinarap niya ang kalmadong dagat at pinanuod nito ang paglubog ng araw. “Might as well buy this house. Mas malapit sa inyo. Mas malapit… sayo,” ang ngiti sa labi niya ay pinipigilan nito, pero ang pagtawanan siya ay hindi ko na napigilan. He is throwing corny pick-up lines for me na alam kong hindi naman niya ginagawa. Ang Fausto na naririnig ko ay hindi sinusuyo ang babae. Naglaho ang humour sa kanyang mukha at tila medyo napahiya sa naging tugon ko. “Don’t push yourself to do the things you are not comfortable doing,” natatawang saad ko pa din sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. “But I’ll try, for you.” Ngayon ay seryoso na ang boses niya. Wala ng halong biro. “Bakit?” hindi ko mapigilan na magtaka. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang ako napansin? Bakit biglaan? I know the answer already, I might be his flavor of month or maybe weeks? I don’t know. Hindi siya nakaimik sa tanong ko at nilagay sa bulsa ang isang kamay nito. He sighed heavily, nakatingin lang ako sa kanya. “Why not? Can’t I be your friend?” Napailing ako sa rason niya. Friend? Ewan ko ba kung maniniwala ako sa kanya. Walang kaibigan na babae si Fausto, dahil ang alam ko ay lahat ng babae na dumadaan sa buhay niya ay nagiging babae nito. Hindi ko alam kung talagang tama ang naririnig ko tungkol sa kanya o exaggerated lang ang mga naririnig kong kuwento tungkol sa kanya. “It’s almost 6. Dad is inviting you to have dinner with us,” pagbabago ko na lang ng usapan ‘tsaka tinignan ang wristwatch ko. “But you haven’t tour me inside the house.” Oo nga pala. Nakalimutan ko. “Maybe next time. Late kana kasing dumating.” He nodded, tila nagustuhan ang sinabi ko. Sabay na kaming naglakad ni Fausto papunta sa bahay. Magkaharapan lang naman ang rest house at bahay namin kaya pweding lakarin. Hindi ko din alam kung totoo ba ang sinasabi niya kanina na may balak si papa na ibenta ang rest house, ang alam ko kasi ay ginagamit din ni dad yun kapag may mga bisita siya. Pumunta ako sa kitchen dahil akala ko ay nandoon na sila papa at mama. Nagtaka ako nung si Yaya lang naabutan ko na naghahanda ng dinner. Lumapit ako sa kanya, saglit na binalingan ko si Fausto na nililibot ang tingin sa dining area. “Si mama po?” “Umalis, sasaglit lang daw ho siya ma’am Savanna, may bibilhin. Dessert ata.” “How about dad?” tanong ko ulit. “Hindi pa dumadating.” Bumalik ako sa dining area kung nasaan si Fausto naghihintay. Naabutan ko siya na nakatingin sa litrato ko kuha sa Korea. Tumkhim ako para kunin ang atensyon niya ngunit hindi ito gumalaw at nanatili lang ang tingin sa litrato ko. “Halos lahat ng litrato mo kuha sa Korea. You love Korea?” tanong nito at tumuwid ng tayo tsaka ako hinarap. “Yeah. Tuwing bakasyon, doon ako laging pumupunta,” sagot ko sa tanong nito. “Hintayin na lang natin ng konti si papa. Dadating na din yun. Gusto mo sa garden ka muna habang naghihintay?” “Sure,” tipid nitong sagot. Dumiretso kami sa garden kung nasaan ang pool area. Gustuhin ko man na iwanan muna siya ay hindi ko magawa. No one will accommodate him, nakakahiya naman sa kanya. So I stayed with him, hoping that dad will arrive quickly. “How old are you?” Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya mismo ako ng ganyang klaseng tanong. “20,” nagtatakang sagot ko. “You’re 20 and I will be 27 next month,” hindi ko mapigilan na taasan siya ng isang kilay. So what? Advance happy birthday, ganun? “Age doesn’t matter, right?” nakangising dagdag niya. Hindi ko ulit mapigilan matawa ng malakas sa sinabi niya. I don’t know if he really means it or he was just fooling around. “Oo. Age doesn’t matter. Pwedi tayong maging kaibigan kahit malayo ang agwat ng edad natin,” pagsabay ko na lang sa kalokohan niya. “We can be more than… friends,” hindi mawala-wala ang naglalarong ngiti sa labi niya. “Sira. Tigilan mo na nga yang biro mo. Hindi na nakakatuwa,” saad ko ng hindi makatingin sa kanya. “Let’s see each other this Saturday then,” tumayo siya ngunit nasa akin pa din ang tingin. “Aalis kana?” agad kong tanong. How about the dinner? Gusto ko sanang idugtong. “You don’t want me to go? I’ll stay if you say,” umangat ng konti ang gilid ng labi nito habang seryoso lang na nakatitig sa akin. “Baliw! Umalis kana, mukhang may gagawin ka pa. Ako na ang bahalang magsabi kay papa.” “Alright,” nilabas nito sa bulsa niya ang mamahaling cellphone nito at inabot sa akin. “Your number. Tatawag ako mamaya sayo, okay lang ba?” Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. He is so straightforward. Pakiramdam ko ay kapag may sinasabi siya ay parang lagi akong nagugulat. Nanginginig kong kinuha ang cellphone nito, pagbukas ko ay walang lock. Plain na wallpaper ang sumalubong sa akin. “Gagawa lang ako ng assignment.” Kahit ang totoo niyan ay magbabasa pa ako ng libro. “Sigurado ka? Ayokong makaistorbo.” Binalik ko na ang cellphone sa kanya. “Okay lang,” alanganin kong usal. Gusto ko siyang tanungin kong bakit kailangan niya pang tumawag kung pwedi na din naman kaming mag-usap ngayon. Pagkaalis lang ni Fausto ay dumating na si mama na may dalang red velvet cake. Si Papa ay dumating din kinalaunan, hinanap niya pa si Fausto. Sinabi ko sa kanya na may gagawin pa ito kaya agad ng umalis at hindi na siya nahintay pa. Matapos ang dinner ay pumasok na ako ng kuwarto. Nang tignan ko ang phone ko ay nagulat ako dahil may tatlong missed call na doon galing sa unregistered number, sigurado ako na siya ang tumawag. I bit my lower lip, hindi ko nasagot ang tawag niya. 1 hour ago siya tumawag. Nang ilalapag ko na sana ang cellphone ko ay biglang nagring. Hindi ko alam kung kinabahan. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya. “He-hello?” usal ko. “Finally, fou answered my call,” he chuckled. I pouted my lips and sat on the sofa. “Sorry. Kakatapos ko lang magdinner,” nahihiyang usal ko. This is really awkward. Dapat hindi ko na sinagot ang tawag niya. “Ah. Akala ko abala ka sa ibang bagay.” “Tulad ng?” “Suitors,” seryosong sagot niya na ikinatawa ko. “Wala,” nakangiting usal ko. Kinagat ko ang labi ko habang pinaglalaruan ang pillow sa tabi ko. Ano ba ang gusto ni Fausto? Why did he suddenly change towards me? Hindi naman ako napapansin nito noon. “Bakit naman?” takang tanong nito. Narinig ko ang mabigat na paghinga niya sa kabilang linya ng hindi agad ako sumagot. “Waiting for someone?” he added that made my heart pound fast and loud. I swallowed hard. I can’t take the risk… “Nope. Busy sa school,” tanging nasambit ko. “Ikaw? Wala ka bang pinagkakaabalahan at nakikipag-usap ka sa akin?” tumawa siya ng marahan sa tanong ko. “I’m busy.” “Busy ka pala. Bakit ka pa tumawag?” nahihiyang usal ko. “Busy sayo.” Pakiramdam ko ay nakangisi siya ngayon habang sinasabi yun. I chuckled and hugged my pillow. “Stop fooling around,” natatawang sambit ko. “I’m fooling…” seryosong usal niya. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin nito. “Falling for you.” Napairap na lang ako pero ang ngiti sa labi ay hindi maalis-alis. Ngunit ‘tsaka lang naglaho ang matamis kong ngiti sa biglang naalala. “You can’t like Fausto Tugado. He is a ruthless playboy. You are far from his age, he won’t notice you,” Khaya said to me after she told me that she saw Fausto in the bar with a model. Ang mga sinabi ni Khaya ay 2 years ago pa. Hindi na ako umasa, nawala na ang pagkagusto ko kay Fausto at mas nagpokus na lamang sa pag-aaral. How ironic, wala ni isang lalaki akong nagustuhan noon kundi si Fausto lang. Nawala na ang nararamdaman ko sa kanya. I should distant myself from him. Hindi impossibli na bumalik ulit ang nararamdaman ko. Lalo na sa mga ginagawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD