CHAPTER 5: Court Her

1646 Words
Fausto’s POV Nasa loob ako ng Just Mine Café, nasa gilid nakaupo at may inaayos sa laptop ko habang hinihintay ang kape na in’order ko. Napaangat ako ng tingin sa umupo sa harap ko. I saw Atom’s lips with teasing grinned, I just raised my left eyebrow and looked at the screen again ang continue typing something.  “Ano ‘tong nababalitaan ko na pumapatol ka daw sa isang college student? Ang matindi ay pumunta ka pa doon at may dalang mamahaling bulaklak,” I can feel his playful smile even I’m not looking at him. “Your pictures are spreading over the social media. Ang mas nakakatawa pa, hindi ka daw sinipot ng babae?” he laughed harder. Tumigil ako sa pagtitipa at tinignan si Atom na naroon pa din ang ngisi sa labi.  “How about the information I got? That you are attracted to Savanna’s best friend? Totoo din ba yun?”  Napawi ang ngisi sa labi niya and napanguso na lamang ito. Tila pinipigilan ang ngiti. So it was true?  “Who?” pagmamaang-maangan niya.  This guy, I know him. He likes hitting college students. Malaki na lang pasasalamat ko at hindi high school students ang pinapatulan nito. Or else he will be sued in no time.  “Don’t make me drop her name. Hindi ako magaling sa pangalan.”  Tumawa siya sa sinabi ko. At least I diverted the topic about me, ngayon siya na ang pinag-uusapan.   “Woah! I don’t even know her name, dude! Seriously!” he said trying to convince me. “Nakita ko lang siya kasama si Savanna, kaya lang nakalimutan ko na ang pangalan niya,” natatawang dagdag nito.  I believe that.  “Alright,” tamad kong sambit.  “So you really bought flowers for Savanna?” pag-uungkat nito dahilan para mainis ako.  “Shut up, Atom!” Iritado kong usal.  I hate the fact that I bought her flowers. Ilang taon na ang lumipas bago ko ulit nagawa ang bagay na yun, ang masaklap pa ay hindi man lang siya lumabas para sa akin. Damn it! Napahiya ako sa mga studyante sa hindi niya pagsipot.  “What? I’m trying to help you. You are making a move without my advice. Mahihirapan ka lang,” he pointed out.  Dumating na ang order ko na kape kaya doon ko na lang tinuon ang pansin ko.  Damn it! I was tired last night, I waited 2 hours for her tapos nung dumiretso naman ako sa kanila ay agad niya akong pinaalis. Hindi ko mapigilang mainis. “She is playing hard to get. It’s annoying,” sambit ko kay Atom habang nag-oorder din siya ng pagkain niya.  “She should be Fausto, hindi ka naman type nun eh. Kaya may karapatan siyang magpakipot,” humagalpak siya sa tawa at kinindatan ang waitress bago ito umalis.  Napahilot ako sa sentido ko. Kailangan ko ba talagang maranasan ang ganitong kahihiyan para lang sa paghihiganti ko? Una, nagtataray siya sa akin. Pangawala, hindi niya man lang ako nilapitan nung puntahan ko siya sa eskuwelahan niya at pangatlo ay ito, ang ipamukha sa akin na hindi niya ako gusto.  “What should I do then?”  Kahit hindi ko gusto na humingi ng tulong sa kanya ay kailangan. I want this revenge to be successful. Siguraduhin lang ni Atom na talagang baliw si Yoga kay Savanna dahil walang kwenta ang lahat ng ito kung wala namang gusto ang dati kong kaibigan sa babae.  “Court her.”  “I’m already doing that.”  “Alam niya ba?” mabilis niyang tanong.  I puckered my lips, dapat alam na niya yun. Matalino siya diba?  “Of course. Hindi ko man sinabi ay—“ napaawang ako ng labi dahil sa pagputol ni Atom sa sinasabi ko.  “Hindi niya alam yun!” he hissed. “Dapat mong sabihin. Be a romantic f*cker dude. You know how to f*ck but you don’t know how to be romantic?” he asked in disbelief.  Nagtimpi na lang ako at pinigilan na mainis sa kanya.  “Alright, just shut up! You’re annoying,” I mumbled.  Hindi na siya umimik pa pero maya-maya lang ay bigla na namang nagsalita.  “I like that woman. Sino nga ulit yan?” tanong bigla ni Atom kaya napaangat ako ng tingin. I saw him looking at the owner of this café. “Kapag hubad yan siguradong maganda yan,” dagdag niya kaya matalim ko siyang tinignan.  “Your f*cking mouth Atom!” galit kong usal dito kaya naguguluhan siyang bumaling sa akin. “Pinsan ko yang tinitignan mo!”  Napaawang ang labi niya sa gulat at tila hindi makapaniwala.  Napailing na lang ako.  “Hindi mo naman sinabi na may pinsan ka palang ganyan kaganda,” pilit siyang tumawa dahil sa matalim kong titig dito.  Minsan lang kasi ako pumupunta dito, nasaktuhan lang na nandito ang pinsan ko habang si Atom ay nandito din.  “Lahat naman ng babae ay maganda sa paningin mo.”  “Woah! Not all, dude. That woman is f*cking pretty. Walang halong biro,” pangungumbinsi niya. Napailing na lang ako, hindi naniniwala sa sinabi nito. “So who is she?” bulong niya.  “Justine is her name,” tamad kong usal. He grimaced after hearing my cousin’s name. Natawa na lang ako sa reaction niya.  “Nakakalalaki naman ang pangalan niya.”  Kahit ako ay natawa sa sinabi ni Atom.  “Yasmine Tin Oclarez is her name,” sumipol siya sa sinabi ko at tumango tsaka muling tinignan ang pinsan ko na may kausap na babae sa isang table. “Stan is obsessed with her. You know him, right? Stanfield Santiago?”  “Yeah. Yung magaspang na Santiago? Psh!” natatawang sambit niya.  Hindi na ako umimik pa.  NANG MAKAPASOK ako sa kotse ko ay paandarin ko na sana ang makina nang biglang nahagip ng tingin ko si Yoga. Kakalabas niya lang ng isang department store kasama ang kapatid nito na babae. Agad nag-init ang dugo ko sa nakita, that man is living with a happy life after what he done to me? What an ass.  Pero mas nagulat ako sa sunod na lumabas ng exit. Si Savanna Sicio, may dalang mga pinamili na papel at kung ano-ano pa na gamit sa eskuwelahan. Nakangiti ng malapad si Savanna sa kapatid ni Yoga na si Kelly at may kung anong sinasabi sa babae. I brushed my lips using my fingers while watching them.  Nakita ko ang kakaibang titig ni Yoga kay Savanna. How he looks Savanna is far different from the woman that passed in his life. Yoga’s eyes are full of amusement and adoration. That ass is f*****g in love with Savanna. Hindi ako pweding magkamali. Kilala ko si Yoga, he is in love. Crazily in love. Nagpaalam na si Savanna sa magkapatid at sumakay ng kotse. Nakita ko pa kung paano tuksuhin ni Kelly ang Kuya niya kay Savanna. I licked my lower lip. No! Savanna will be mine! Hindi siya pweding maging sayo Yoga! Akin dapat siya! SABADO NGAYON at ngayon din ang araw na magkikita kami ulit ni Savanna, kaya ay sinunod ko ang mga sinabi sa akin ni Atom. I bought another bunch of flowers and a cute f*****g teddy bear. Ang nakakainis pa ay kulay pink ang malaking teddy bear na nasa passenger seat.  Kinuha ko ang teddy bear at kinuhanan iyun ng litrato tulad ng request ni Atom sa akin. He said that he wants to see the teddy bear I bought, if it was really pink.  After sending him the picture, he automatically sent me a meesage. Nang buksan ko yun ay capslock na tawa ang nabasa ko at iilang mga mura. Napailing na lang ako sa inis at binulsa ang cellphone ko. That man!   Lumabas ako ng kotse at naabutan ko si Savanna na nakaupo sa buhangin at may kung anong sinusulat doon. Tahimik akong lumapit at nabasa ko ang sinulat nito sa buhangin bago pa niya burahin. Pangalan ko ang sinulat niya doon. “Why did you erase it?”  Napaupo siya sa buhangin dahil sa gulat. Namilog ang mga mata nito nang tignan ako.  “Bakit ka ba nanggugulat?” inis nitong tanong, salubong ang dalawang kilay.  “Why are you writing my name on the sand?” I asked teasingly. This woman is like a little girl. Hindi nga ako makapaniwala na college student na ito. I thought she was just a high school little girl.  “Ang tagal mo kasi.”  Napataas ako ng isang kilay sa rason niya. Yun lang ba talaga? Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. But she refused at mag-isang tumayo.  Pinigilan kong mapangisi nung makita ang buhangin na dumikit sa likod ng short nito.  “Bakit?” takang tanong niya na parang bata.  I hold her wrist and pulled her closer to me. I remove the sand on her butt using my palm. Napaatras siya sa ginawa ko at namimilog ang mga mata. Her face suddenly turned red. Sa hiya ay hindi makatingin sa mga mata ko. Lumayo siya at siya na mismo ang nagtanggal ng buhangin sa likod niya.  “Pervert,” she murmured.  I licked my lower lip and restrained the grinned on my lips. Why is she so innocent? Wala naman akong makitang mali sa ginawa ko. Tinutungan na nga siya. Yun lang pervert na agad? Paano pa kaya kapag hinalikan ko na siya? Tss. “Ready? You’re gonna tour me inside, right?” I grinned. Hindi lang siya umimik at nauna nang maglakad. Sumunod ako sa kanya sa loob ng rest house nila.  Pagbukas niya pa lang ng pintuan ay bumungad na sa akin ang malawak na sala. The theme of the rest house is contemporary, filled of wooden designs. Kaunti lang ang laman na furnitures. Savanna walked again.  “Ito yung kitchen, sa likod naman nito ay maliit na pool lang. Gusto sana ni papa na iparenovate yung pool at palakihin but he has no time to do that,” paliwanag niya.  Napatango naman ako, hindi maipagkakaila na talagang maganda nga itong rest house nila.  Umakyat kami ng hagdan. The staircase is also made of woods. Purong kahoy na sigurado akong mamahalin. Nakatitig lang ako sa likod ni Savanna, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa mapuputing hita nito. I smirked wickedly.  “Are we going in the room?” pilyong usal ko.  Lumingon si Savanna sa akin at nahihiyang tumango kahit na salubong ang dalawang kilay nito.  Savanna doesn’t deserve an ass like Yoga. Hindi marunong magseryoso ang lalaking yun katulad ko. No! Savanna don’t deserve any guy. Mas magandang mag-aral na lang siya at maging doctor. Doctors are too busy to enter in a relationship, magpokus na lang siya sa paggamot sa tao.  Damn! Ano ba itong sinasabi ko? Binabakuran ko ba ang babaeng ito? Natawa na lang ako sa iniisip at napapailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD