Chapter 11

1750 Words
JENNIE "Welcome back, Lady J!" Malakas na bati sa akin ni Boss Alexander nang pumasok ako dito sa loob ng opisina niya. "Thank you, boss," walang emosyon na sagot ko. Umupo ako sa pang-isahang sofa, kaharap kung saan nakaupo si Boss Alex. Alam niyang pupunta ako dito sa opisina niya ngayong araw, para kunin ang major prize ko ngayon natapos ko ng malinis ang misyon ko. Maganda ang naging performance ko, kaya confident akong makukuha ko ang gusto ko. "As expected, you didn't fail. You did a great job, Lady J. Malinis, walang trace at higit sa lahat, you prove to the entire syndicate society how fearsome you are." Nanatili akong walang kibo at tahimik na nakikinig sa pinuno ng aming organisasyon. Expected ko nang sasabihin niya ito sa akin, dahil talagang naging maganda ang performance ko. Isa na ako sa mga kinatatakutang assassin ngayon ng mga kasapi sa sindikato. Sa bawat katawang nahawakan ng kamay ko ay hindi nawawala ang markang iniiwan ko sa balat nila. Ito ang nagpapaalala sa kanilang lahat ng pagkakakilanlan ko at kung sino ang may kagagawan ng pagkamatay ng taong iniligpit ko. Mula sa pagiging Jay ay nabago ito ng mag-iwan ako ng tatak na J sa bawat kasapi ng sindikatong kasama sa listang binigay ni Boss Alexander sa akin. "I did my job, boss, and I believe this is the right time, para tumupad ka sa pangako mo sa akin," seryoso at walang paligoy-ligoy na sabi ko. "Sure," mabilis na sagot ni Boss Alexander. Tumayo siya at lumapit sa mesa. Hindi nagtagal ay bumalik rin agad, dala ang isang folder at inabot sa akin. "Here, nariyan ang lahat ng impormasyong kailangan mo, tungkol sa pagkamatay ng anak mo." Mabilis na inabot ko ang folder at agad binuklat sa harap mismo ni Boss Alexander. Nakita ko ang pamilyar na mga mukha ng anim na lalaking nakatatak sa isipan ko, na siyang nakita ko noon sa CCTV footage at positibong natukoy na siyang sumunog sa kumbento. "You have three months, para tapusin mo ang mga 'yan, Lady J. They are all yours now, but if you need anything that you think I can help you with, just let me know." Alam kong kakailanganin ko ang tulong niya, kaya walang pagdadalawang-isip na sinabi ko sa aming pinuno na kailangan ko ng sasakyan at driving license, para makapag-maneho ako, habang narito ako sa Pilipinas. "You'll have it within two days," mabilis na sagot ng kaharap ko. Sa dami ng koneksyon ni Boss Alexander ay alam kong kaya niya itong gawin. Dahil nakuha ko na ang pakay ko ay agad akong tumayo at nagpaalam na sa kausap ko. "See you soon, Lady J. Take good care of yourself." Tanging marahang tango lamang ang nagawa kong isagot sa aking pinuno, dahil hindi maalis ang mga mata ko sa mukha ng taong nasa larawan. Si Lina ang una sa listahan, kaya siya ang uunahin ko. Lumabas ako sa opisina ni Boss Alexander, dala ang folder na binigay niya sa akin. Sakay ng taxi ay bumalik ako sa penthouse ko at mabilis binuksan ang laptop, para makita ang lugar na puntahan ko. Ilang taon akong nawala dito sa bansa. Hindi rin ako pamilyar sa pasikot-sikot dito sa Maynila, kaya kailangan kong pag-aralan ang lugar na pupuntahan ko. Matapos ang ilang oras na nakatutok ang mga mata ko screen ng laptop na nasa harap ko ay tumayo na ako. Kailangan kong magbihis, dahil aalis ako ngayon, para bumili ng kotseng gagamitin ko. Nagkalat ang mga car dealer at branches sa daan, pero dahil may preferred akong brand ng sasakyan ay mabilis kong nahanap ang brach nila dito sa kahabaan ng EDSA. Simple lang ang ayos ko gano'n rin maging ang pananamit ko, nang pumasok ako dito sa loob ng showroom. Tanging t-shirt at fitted jeans ang suot ko at pinarisan ng puting rubber shoes. Halos walang pumapansin sa akin nang makapasok ako, pero abot hanggang langit ang ngiti ng mga babaeng nakita ko sa lalaking dumating dahil pormal ang pananamit nito. Gumala ang mga mata ko sa buong paligid at isa-isang tiningnan ang mga naka-display na vehicle, pero hindi ko nakita ang latest edition ng sasakyang hinahanap ko. Lumapit ako sa isang sales representative at nagtanong kung meron bang available na unit ng Audi R8 dito sa Pilipinas. Tiningnan lang ako ng staff na kaharap ko. Mapanuri ang mga mata na sinuyod niya ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay pairap na sinabing wala raw silang gano'ng uri ng sasakyan diti. Mukhang nag-base lamang ang babaeng tinanong ko sa appearance ko, kaya ang akala siguro niya ay wala akong perang pambayad, kung sakaling makita ko ang sasakyang hinahanap ko. Bakit nga naman hindi? Bukod sa mahal ang halaga ng kotseng gusto kong bilhin ay limited edition pa ito at nagkakahalaga ng $229,890 sa Amerika ng minsang tumingin ako doon. Kung dito sa Pilipinas ay aabot iyon ng fourteen million or more, kasama ang tax at processing fee. Kahit naiinis ako sa babaeng tinanong ko ay hindi ko na lang pinansin. Wala akong panahon sa tulad niya, kaya naglakad ako palayo sa kanya. "Ma'am, baka may nagustuhan po kayong unit dito sa amin, pwede ko po kayong i-assist," nakangiting sabi ng babaeng lumapit sa akin. "Yes, pero hindi ko nakita dito ang model at unit na gusto ko," pormal na sagot ko. Tinanong ako ng kausap ko kung ano raw ang gusto ko, kaya sinabi ko sa kanya kung ano ang model ng sasakyang hinahanap ko. Nanlaki ang mga mata ng kausap ko. Mukhang hindi siya makapaniwala na gano'ng unit ng sasakyan ang gusto kong bilhin. "May isang unit po kami sa taas, ma'am" agad na sagot ng kausap ko. "Pwede ko bang makita?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. "Sure, ma'am. This way po," mabilis na sagot ng kaharap ko. Magkasama kaming sumakay sa elevator. Minuto lang ay nasa harap ko na ang sasakyang gusto ko. Nagustuhan ko ang kulay at design nito, pero syempre, maganda ang track record ng unit na ito. Mabilis at smooth ang takbo nito sa kalsada, kahit naka-high-speed pa. Minsan ko ng nagamit ang ganitong model ng sasakyan nang pasukin ko ang teritoryo ng huling naging target ko sa Israel. Tuwang-tuwa ang car dealer na nag-assist at tumulong sa akin. "Congratulations po, ma'am. Enjoy and drive safely po," nakangiting sabi nito. Ibinigay niya sa akin ang susi ng bagong sasakyang binili ko, tanda na successful na nga ang p*****t ko. In my peripheral vision, nakita kong nakasunod ang mga mata sa akin ng ilang staff dito sa showroom, kasama na doon ang babaeng tinanong ko kanina. Hindi inaasahan ng malditang iyon na may pambili ako at babayaran ko ng cash ang pinakamahal na sasakyan dito sa shop. Habang naghihintay ako na matapos ang ilang documents na kailangan ko ay nabaling ang paningin ko sa malaking screen sa harap ko, kung saan naka-play ang isang advertisement ng brand ng sasakyang nabili ko. Nangunot ang noo ko ng makita ko ang isang commercial na talagang kumuha sa atensyon ko. It's him again, with his strong aura and handsome face, hindi ako maaaring magkamali. Kahit tatlong taon na ang lumipas ay hinding-hindi ko siya nakalimutan. "Ma'am Jennie, okay na po ang papeles mo. Pirma mo na lang po ang kailangan, para matapos na po tayo." Narinig kong sabi ng car dealer na kausap ko. Ilang kurap ang ginawa ko, bago bumaling sa kanya. "Miss, alam mo ba, kung ano ang pangalan ng lalaking model na sa commercial?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko sa kaharap ko. "Sino po sa kanila?" tanong rin nito sa akin. Ilang commercial pa ang hinintay namin, bago ko muling nakita ang mukha ng lalaking ayaw ko na sanang kilalanin pa, pero para itong anino na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. "Ah, si Don Montenegro po 'yan, ma'am," sabi ng kausap ko. Tila kinikilig pa siya ng sabihin ang pangalan ng lalaking tinanong ko sa kanya. "Sikat po siyang singer at car racer, ma'am." Naging madaldal na ang kausap ko, kaya bigla akong nagkaroon ng mga impormasyon na hindi ko na dapat nalaman kung hindi ako nagtanong. "Thank you po sa tiwala, ma'am. Napakalaking tulong po sa akin at sa pamilya ko na dito ka bumili ng sasakyan." Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat rin dahil nakuha ko na ang isa sa mga bagay na gusto kong bilhin. Malaki ang maitutulong sa akin ng sasakyang ito sa mga gagawin ko. May sarili itong feature na kayang magpalit ng plate number, kahit tatlong ulit pa in just a second in case of emergency. Nang masiguro kong tapos na ang lahat ay tinawagan ko si Boss Alexander at sinabing bumili ako ng bagong sasakyan. "Si Patrick na ang bahala sa lahat. Go home and rest, Lady J. Ipapahatid ko na lang sa iyo ang sasakyan mo kapag tapos na." Matapos magpasalamat ay nagpaalam na ako kay Boss Alex. Binigay ko na rin sa kanya ang address dito sa showroom at si Patrick na raw ang bahalang kumuha at maghatid sa penthouse ng sasakyan ko. Sakay ng taxi ay agad akong bumalik sa penthouse ko. Kanina ko pa gustong umuwi dito, pero pilit na pinipigilan ko ang sarili kong mag-research tungkol Kay Zi. Dahil wala pa akong stock na pagkain dito sa bahay, kaya naghanap na lang ako ng available na food delivery online. Ang nakakainis pa, nakita ko na naman ang mukha ng lalaking iniiwasan kong makita sa banner ng isang sikat na fast-food chain. Mukhang sikat na sikat ang lalaking iyon dito sa Pilipinas. Kahit saan na lang ay nakikita kong pakalat-kalat ang mukha niya. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain, pero dala na rin marahil ng curiosity ko, kaya nagkaroon ako ng urge na mag-research tungkol sa pagkatao ng lalaking iniiwasan ko. Ayon sa bio niya online, his name is Lyndon Montenegro. Anak ng isang kilalang Retired General at may dalawa pang kapatid at kakambal. Aside sa nabasa kong napaka-ikling information tungkol sa lalaking iyon ay wala na akong nabasang kung anu-anong tsismis tungkol sa kanya. Masyadong pribado ang buhay ni Lyndon Montenegro. Kahit sikat na sikat pala ang lalaking iyon ay very limited lamang ang information na maaaring makita at mabasa ko tungkol sa kanya. Siguro ay matagal na siyang artista noon pa, pero dahil malayo kami sa bayan at mahirap lamang kami ni lola, gano'n rin ang mga kapitbahay namin sa barrio kaya wala pa kaming telebisyon sa bahay, para makilala si Zi ng minsang napadpad siya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD