JENNIE
Maaga pa lang kanina ay nagising agad ako, dahil sa malakas na tunog ng nagriring na cellphone sa tabi ko.
Tumawag si Patrick at sinabing hindi siya makakapunta dito sa penthouse, dahil may inutos sa kanya si Boss Alexander, kaya si Max daw ang maghahatid ng sasakyan ko ngayong gabi.
Well, wala naman akong pakialam kahit sino sa kanila ang pupunta dito, basta ang mahalaga ay makarating sa akin ang sasakyan ko. Expected ko na may plate number na iyon at dadalhin na rin ni Max ang driving license na hinihintay ko.
Sa loob ng dalawang araw na naghihintay ako ay inabala ko ang sarili ko sa paghahanap kay Lina. Binalikan ko ang hotel, kung saan ako nagtatrabaho noon para makakuha ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanya.
Wala na kasi siya sa dating address na nakalagay sa profile na binigay ni Boss Alexander sa akin. Kaunti lang ang oras ko, kaya dapat magawa ko ng mas mabilis ang planong paghihiganti ko sa lahat ng sangkot sa pagsunog sa kumbento sa loob ng tatlong buwang binigay sa akin ng boss ko.
Tumayo ako ng marinig ko ang malakas na tunog ng doorbell mula sa labas. As expected, si Max ang nakita ko sa screen, kaya pinagbuksan ko agad.
Walang kibo na isinara ko ang pinto at bumalik sa sofa kasunod si Max.
"Here's your key and all the documents you need, Lady J," pormal na sabi ni Max.
Inilapag niya ang hawak na envelope sa center table. Mabilis na inabot ko ito at tiningnan kung ano ang laman nito.
"Kumpleto na 'yan. Nandyan na ang lahat ng kailangan mo."
Tinanguan ko lang si Max at inilapag sa tabi ko ang documents na binigay niya.
"Thank you," walang emosyon at tipid na sabi ko.
Ngumiti ang kaharap ko. Hindi ko gusto kung paano niya ako tingnan, pero hindi ko na lang pinansin.
Katahimikan ang sumunod na namagitan sa aming dalawa, hanggang hindi nakatiis ang kaharap ko at narinig kong nagtanong si Max sa akin.
"Are you free today?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Why?" maikling tanong ko rin.
"Baka pwede tayong lumabas kahit saglit lang today kung okay lang sa 'yo. Tatlong taon kang nawala dito sa Pilipinas, Lady J. It's about time, para mag-celebrate tayo," paliwanag ng kaharap ko.
Tumaas ang kilay ko at umiling. "Walang dahilan, para mag-celebrate ako," walang ganang sagot ko.
"I can help you-"
Tiningnan ko ng matalim ang kaharap ko. I cut him off. Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"I don't need your help, Max. Alam mo 'yan, so don't insist."
Tumango-tango ang kaharap ko at inabot ang baso na kanina ay gamit ko, para uminom ng wine at mabilis na nilagok ang natirang alak sa kopita.
Kinunutan ko siya ng noo, dahil ayaw kong may ibang gumagamit ng bagay na pag-aari ko.
"Oh, fùck, I'm sorry." Nakataas ang mga kamay na hinging paumanhin ni Max ng makita niyang matalim ang mga matang nakatingin ako sa kanya.
"Palitan mo, 'yan," inis na sabi ko.
"Sure, no problem," mabilis na sagot ni Max.
Nagkibit-balikat ito, habang nakatingin ang mga mata sa wine glass na hawak niya.
"Umuwi ka na rin, busy ako ngayon," malamig na sabi ko at walang ganang tumayo.
Tinalikuran ko si Max at walang lingon-likod na pumasok sa silid ko. Mahigpit na hawak ng kanang kamay ko ang mga documents na dala niya kanina, dahil dito ako magsisimula.
Noong nasa base pa lang ako ay kinatatakutan ng mga kasamahan ko si Max, dahil sa image na meron siya, pero kahit kailan ay hindi ako na intimidate sa kanya.
Siguro ay dahil wala akong pakialam sa ibang bagay. Tanging ang goal at misyon ko lang ang mahalaga sa akin. Hindi rin ako tumingin sa kahit na sinong lalaki, kahit harapan nilang pinakita na may gusto sila sa akin.
Sabi nga nila ay bato raw ako. Walang emosyon, dahil malamig ang pakikitungo ko sa lahat ng mga tao sa paligid ko. Walang nagtangkang manligaw sa akin, dahil kahit minsan ay hindi ko hinayaang may lalaking makalapit sa akin.
Matapos magbihis ay lumabas ako. Wala na si Max at walang bakas niya ang naiwan dito sa loob ng penthouse ko. Alam ko, kung saan makikita si Lina, kaya sa unang pagkakataon ay sumakay ako ng bagong biling sasakyan ko para puntahan siya.
Masyadong mahaba ang tatlong taon, para singilin ko siya. Kung inaakala ng babaeng iyon na nakalimutan ko na ang lahat, dahil ilang taon niya akong hindi nakita ay nagkakamali siya.
Dito sa isang high-end bar sa Makati ko natagpuang nagtatrabaho si Lina. As expected, related pa rin siya sa sindikato at sigurado akong marami na siyang babaeng dinala sa grupong kinabibilangan niya.
Naupo ako sa bakanteng sofa. Isang vip table ang kinuha ko, malapit sa counter, para makita ko ang bawat kilos ng bartender na pinagmamasdan ko.
Magaling si Lina. Talagang sa mataong lugar siya ngayon nagtatrabaho, para mabilis siyang makahanap ng susunod na target na dadalhin at ipagbibili sa sindikato.
Nakita kong tumayo si Lina, kaya mabilis na sinundan ko siya. Hindi gaanong maraming tao dito sa bahagi ng club na kinaroroonan ko, kaya mabilis kong napag-aralan ang bawat kilos ng mga narito.
"Hey, are you alone?"
Nag-angat ako ng mukha at nakita ko ang dalawang foreigners na lumapit sa akin. Hindi ko sila kilala, kaya hindi ako sumagot at nagkibit-balikat lang.
"You're such a lovely woman. It's a shame you're alone here with no one accompanying you," sabi pa ng isa.
Inis na inikutan ko sila ng mga mata at inutusan na iwan ako.
"Don't be a bîtch, lady!" Galit na singhal sa akin ng isa pang foreigner na lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa braso, dahilan kaya mabilis na umigkas ang kamay ko at ubod lakas na nasampal ko ito.
Dito na nagsimula ang gulo, kaya nawala kay Lina ang atensyon ko, dahil distracted ako sa nangyayari sa harap ko.
Minura at dinuro ako ng isa pang lalaki, pero mabilis na sinampal ko rin ito. Sabay na umangat ang kamay nilang dalawa para saktan ako, pero kahit isa sa kanila ay walang tumama ang kamay sa mukha ko.
"What's going on here?" Narinig kong tanong ng tinig na pamilyar sa akin.
Hawak pala niya ang mga kamao ng dalawang foreigner na lumapit at nanggugulo sa akin.
"Nasaktan ka ba nila, Miss?" tila concern na tanong sa akin ni Lyndon Montenegro.
Mabilis akong umiling at hindi nagsalita. Sa dami ng populasyon ng mga taong pwede kong makita ay bakit si Lyndon pa?
Mula sa kaharap naming maiingay at lasing na mga foriegnes ay nakita kong bumaling ang tingin ni Lyndon sa akin at saglit na nagtama ang aming mga mata.
Wala akong nakitang emosyon sa mga mata ni Lyndon, maging ang kahit anong hint na kilala niya ako. Para bang estranghero ako sa paningin niya kung paano niya ako tingnan ngayon.
Biglang bumangon ang matinding galit sa dibdib ko, para sa lalaking kaharap ko. Inis na tinabig ko ang dalawang makulit na mga foreigner at magkasunod na sampal ang natanggap nila mula sa akin.
Sa kanila ko binuhos ang galit ko. Sinapak ko ang dalawa at hindi rin nakaiwas ang nagulat na si Lyndon Montenegro nang dumapo sa mukha niya palad ko, dahilan para makita kong napangiwi ito.
"Ouch! Ang bigat ng kamay mo!"
Narinig kong reklamo ni Mr. Montenegro, pero walang pakialam na kinuha ko ang clutch bag ko at walang paalam na iniwan silang lahat.
Nasira ang plano ko, dahil nandito rin pala si Lyndon Montenegro. Hindi ko na tuloy nasundan si Lina kung saan nagpunta ang babaeng iyon, dahil dumating ang mga bwisit na foreigner at ginulo ako.
Naiinis man, pero hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon na makuha ko si Lina.
"Miss, are you okay?"
Natigilan ako ng narinig ko na naman ang pamilyar na tinig mula sa likuran ko. Sinundan pala ako ni Mr. Montenegro dito sa parking at ngayon ay kasabay kong naglalakad.
Hindi ko siya pinansin at mabilis na lumapit sa sasakyan ko. Hindi ko inaasahan na hanggang dito ay makikita ko ang pagmumukha niya, dahil walang pakialam na nilapitan ako ng lalaking iniiwasan ko.
Tumigil ako at nakasimangot na hinarap ko si Lyndon Montenegro. "What do you want?" mataray na tanong ko sa kanya.
Mayabang na sumandal ito sa kotse ko. Hindi ko tuloy mabuksan ang pintuan para makaupo ako sa driver seat, not unless, umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ko at iwan ako.
"I'm sure, alam mong pinagtanggol kita kanina sa mga foreigner na bumastos sa iyo, pero bakit sinampal mo ako?" naka-ngising tanong sa akin ng lalaking tatlong taon kong pilit na kinakalimutan.
"I don't owe you any explanation, Mister," walang emosyon na sagot ko.
Mas lalong nag-init ang ulo ko ng ngisihan ako ng kaharap ko. Bahagyang tumaas ang kilay niya at matapos ang ilang segundo ay biglang nangunot ang noo ni Lyndon, habang mariin na nakatitig ang mga mata sa mukha ko.
"Nagkita na ba tayo, Miss?" Narinig kong tanong ni Lyndon Montenegro, na para bang wala siyang maalala kung sino ako.
"Bakit parang pamilyar ka sa akin?"
Biglang bumilis ang tahip ng dibdib ko. Napalunok ako at mabilis na nag-taas ng noo.
"Hindi kita kilala at kahit kailan, hindi pa tayo nagkita," mataray na sagot ko.
"Please excuse me."
Tinabig ko siya balikat, para umalis siya sa pagkakasandal sa tapat ng pintuan ng kotse ko, pero mabilis ang naging kilos ng kamay ni Lyndon at nahawakan ako sa braso.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin at tiim-bagang na tiningnan direcho sa mga mata.
"I hate it, kapag may humahawak sa akin, lalo na kung hindi ko kilalang katulad mo. Let me go!" gigil na singhal ko sa kaharap ko.
Binitiwan niya ang braso ko at namulsa sa harap ko. "Alright, I'm sorry, pero hindi ko deserve ang sampal na natanggap ko kanina, right after I came to help you with-"
"Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa iyo!" mabilis na sagot ko.
Tumaas na rin ang tinig ko, dahil ayaw kong makita ng matagal ang pagmumukha niya sa harap ko at baka hindi lang sampal ang matanggap ng lalaking kausap ko mula sa akin.
Well, he deserves that anyway.
Akala ko'y aalis na ang lalaking kaharap ko, pero hindi ko inaasahan ang biglang galaw ng mga braso niya at mabilis na pumulupot sa bewang at katawan ko.
Iglap lang, ako na ang nakasandal sa kotse ko nang umikot siya at bigla akong siniil ng halik sa labi.
Hindi ko inaasahan na ganito ang gawin ng walang-hiyang lalaking ito. Hindi ako nakahuma at gulat na nanlalaki ang mga matang nakamulagat sa kanya, habang walang pakundangan na sinisiil niya ako mg halik sa labi.
Ang bilis ng tibók ng puso ko. Napakabilis ng mga pangyayari, hanggang maramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakayakap niya sa katawan ko at tinigilan ni Lyndon ang panghahalik sa akin at pinakawalan ang labi ko.
"Not bad for a quick and delicious p*****t," naka-ngising bulong ni Lyndon sa akin, habang nakatitig ang mga mata niya sa mukha ko.
Dinilaan pa nila ang pang-ibabang labi, dahilan para matauhan ako.
Payment… Sira-ulong lalaking ito! Ako pa pala ang dapat magbayad sa kanya, gayong siya ang may atraso sa akin ng angkinin niya ako at basta na lang iniwan at walang pakialam kung nabuhay ba ang punlang tinanim niya sa matris ko.
Mabilis na nag-taas baba ang dibdib ko. Tumayo ako ng tuwid at tinapunan ng matalim na tingin ang kaharap ko.
Kumukulo ang dugo ko ngayon sa lalaking ito. Sinubukan ko siyang iwasan, pero siya mismo ang kusang lumapit sa akin.
Tiim-bagang na sinampal ko siya ng ubod-lakas. Hindi ko binigyan ng pagkakataon si Lyndon Montenegro na makapagsalita. Gumalaw ang kanang binti ko at walang pagdadalawang-isip na tinuhod ko siya sa pagitan ng kanyang mga hita.
Nakita kong nawala ang ngisi sa mukha niya at namilipit sa sakit si Lyndon, sapo ang nasaktan na pagkalalakî. Inis na sinipa ko siya sa tagiliran, pero mabilis na nasalo niya ang paa ko. Bumagsak ako sa ibabaw niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Let me go, manyakis ka!" galit na galit na singhal ko.
"You need to pay for what you did, lady," tila hirap pa rin na sabi ni Lyndon Montenegro sa akin.
Tuluyang hindi ko napigilan ang sarili ko. Kumawala ang galit at frustration na kinimkim ko. Umangat ang mga kamay ko at pinagsasampal ko ang lalaking nang-iwan sa akin noon, tatlong taon mahigit na ang nakalipas, habang nasa ibabaw niya ako at patuloy na sinasalo ni Lyndon Montenegro ang bawat hampas ng braso ko.
Wala na akong pakialam kahit dito sa parking lot kaming dalawa nagpang-abot. Nagmukha tuloy akong wrestler na nakikipag basag-ulo, suot ang hapit na dress na may mataas na slit hanggang hita at high-heels.
Nakakatawa, pero wala akong pakialam kahit may ilang nakakita sa aming dalawa, kahit pa nasa ibabaw ako ng lalaking gigil akong mabangasan at malamog ang mukha nito.