JENNIE
Sa loob ng isang taong lumipas, ay wala akong ibang ginagawa kung ‘di ang misyon ko. Hindi naging madali ang lahat, pero nagawa ko. Ilang ulit akong nahuli at nanganib ang buhay ko, pero nakatakas ako, dala ang singsing na pinakamahalaga sa bawat members ng Golden Dragon Syndicate at magpapatunay na naging successful ang bawat trabahong ginagawa ko.
Nanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko. Wala akong mukha sa mga kalaban ng organisasyong kinabibilangan ko. Tanging si Boss Alex at ilang key person ng kanyang clan ang nakakaalam kung sino ako, pero very limited lamang ang access nila tungkol sa personal data ko, dahil tanging ang aming pinuno ang siyang may alam sa tunay na katauhan ko.
Sa loob ng tatlong taong lumipas ay naging tapat akong tauhan ni Boss Alexander. Ginawa ko ang lahat, kaya nagtagumpay ako at napatunayan ko sa kanya na karapat-dapat ako sa posisyon na meron ako ngayon.
Nakatingin ako sa kawalan, habang nakaupo sa isang bench dito sa gilid ng dagat. Nandito ako ngayon sa Hawaii at nagbook ng isang private resort para magbakasyon with free expenses bago bumalik sa Pilipinas.
Nakuha ko itong benepisyo, dahil nagawa ko ang misyon ko. Sa mata ng lahat ay isa akong photographer. Isang traveler at nature lover, pero walang kahit na sino ang nakakaalam sa tunay na katauhan ko.
Lahat ng mga pictures na kinuha ko at ina-upload online ay kuha sa mga bansang pinuntahan ko. May sarili akong page kung saan naka-public post ang lahat ng mga larawang kuha ko sa iba't ibang bahagi ng mundo kung saan ako pumunta, bilang bahagi ng trabaho ko.
Syempre, palabas ko lang ang lahat ng iyon, dahil ang main reason kaya pumunta ako sa isang lugar ay dahil naroon ang target ko.
Nag-eenjoy ako ngayon sa bakasyon ko and I must say, na deserve ko ito. Hindi biro ang maging assassin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit akong nagpalit ng mukha at appearance kapag lumabas ako sa public place para walang makakilala sa akin, kaya ngayong nasa bakasyon ako ay ayaw ko munang mag-isip ng tungkol sa kahit anong bagay na related sa trabahong pinasok ko.
Banayad ang alon ng dagat, pero may kirot akong nararamdaman na unti-unting bumabangon sa dibdib ko at paulit-ulit na sinisikil ko.
Ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan ang nagpapaalala sa akin sa masayang mukha ng anak ko. Kahit pilit na kinakalimutan ko si Zi ay may bahagi sa puso ko nakatago ang alala kung paano at saan ko siya noon natagpuan.
Nabalot ako ng galit noon at iyon ang naging lakas ko, para lumaban sa hamon ng buhay. Malaki ang bahagi ni Zi kaya nabuo si Baby Jay. Galit man ako sa kanya na iniwan niya ako ng walang paalam, pero ng dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng anak, kahit sa napaka-ikling sandali lamang.
Kahit minsan ay hindi ko ginustong hanapin pa si Zi, para tanungin kung bakit siya biglang umalis noon. Para sa akin ay isa lamang siya sa masakit na nangyari sa buhay ko at walang dahilan para muli kong balikan ang nakaraan.
Mas mabuting hindi ko alam kung sino talaga siya at kung ano ang nangyari sa kanya. Wala naman kaming malinaw na usapan tungkol sa aming dalawa. Wala kaming naging relasyon at hindi rin nagmahalan para bumuo ng isang pamilya, kaya walang dahilan para hanapin ko pa siya.
Tanggap ko na ang nangyari noon, dahil kasalanan ko rin naman ang lahat. Hindi ako naging matatag at nadala ako sa tukso.
Dalawa kaming may kasalanan at hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat. Ngayong natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa ay natutunan kong tanggapin ang nakaraan ko, pero hindi ang nangyari sa anak ko.
Sa mga panahon na ginagawa ko ang misyon ko ay wala akong ibang nasa isip kung 'di ang mahanap ang mga taong may kagagawan sa pagsunog sa kumbento.
Hindi ako papayag na hindi nila pagbayaran ang pagkuha nila sa buhay ng anak ko. Dugo sa dugo, buhay sa buhay ang kapalit, at iyan ang batas ko.
Sanay na akong mamuhay ng mag-isa, kaya balewala na sa akin kung ako lang ang tao dito sa cottage na kinuha ko. May baril o wala, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, kaya wala akong pakialam kahit saang sulok man ako ng mundo mapunta.
Huling araw ko na dito sa Hawaii, kaya pinagsasawa ko na ang mga mata ko sa magandang tanawin sa lugar na ito. Bukas ng tanghali ay aalis na ako papuntang airport at babalik na sa Pilipinas.
Mabilis na lumipas ang oras. Kahit hating-gabi na ako natulog kagabi ay maaga akong nagising. Hindi ako excited bumalik sa Pilipinas, dahil wala akong pamilyang babalikan, kaya lang hindi ko mawari kung bakit distracted ako.
Tanging ang mga magulang ko ang meron ako, pero bata pa lang ako ay hindi na sila bahagi ng buhay ko, kaya walang dahilan para puntahan ko sila at magpakita sa kanila.
Simula ng sinabi ni papa na tumayo ako sa sarili kong mga paa ay minabuti kong lumayo at mamuhay ng mag-isa. I'm sure, sa loob ng tatlong taong lumipas ay hindi man lang ako hinanap ng aking ama, dahil simula pa lang ay wala na siyang pakialam sa akin.
Dala ang backpack ay umalis ako sa resort at nag-book ng taxi na maghahatid sa akin sa airport. Nakasuot lamang ako ng rubber shoes at maong na jeans na pinarisan ko ng puting off shoulder na blouse.
Gaya ng nakasanayan ko ay nagsuot ako ng sunglasses. Kahit saang public places ako pumunta ay ginagawa ko ito, para na rin magbago ang appearance ko at hindi makilala ng ilang taong nakasalamuha ko.
Tahimik na inabot ko ang passport na hawak ko sa immigration officer na siyang nadatnan ko dito sa counter. Ngumiti siya sa akin at binati ako, pero tipid na ngiti lamang ang iginanti ko.
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong sumakay ng eroplano, pero ngayon lang ako nakaramdam ng hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib ko.
Ang lakas ng tibók ng puso ko. Para akong tumakbo ng malayo, habang tahimik na nakaupo sa upuang laan sa akin. Malaki ang space, dahil business class ang kinuha kong upuan. Kaunti lang ang tao, pero hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Ito na ang pinaka-uncomfortable na biyahe ko. Malayo ang Hawaii sa Pilipinas. Mahaba ang flight duration, pero kahit nakapikit ako ay hindi ako nakatulog dahil ayaw akong dalawin ng antok.
Iba pala ang pakiramdam na uuwi ako ngayon sa Pilipinas, kumpara sa ibang flight ko papunta sa iba't ibang sulok ng mundo, para puntahan ang susunod na target ko at bahagi ng misyon ko.
Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamahabang oras ng biyahe ko. Sobrang nakakabagot at kahit pinilit kong matulog sa loob ng eroplano ay nagising agad ako.
Maraming pasahero ang sakay ng eroplano, pero dahil vip passenger ako ay mabilis na nakalabas ako at tumuloy sa immigration area.
Alam kong naghihintay na sa akin ang tauhan ni Boss Alex, dahil may natanggap akong text message mula kay Patrick na may susundo raw sa akin dito sa airport, para ihatid ako sa penthouse ko.
Yes, may sarili na akong bahay. Malaki ang kinita ko sa bawat trabahong ginawa ko. Nakabili ako ng mga property sa tulong na rin ni Boss Alex, kaya marami akong dapat ipagpasalamat sa kanya.
Napakaraming tao ang naghihintay sa waiting area ng arrival, pero alam kong kahit isa sa kanila ay wala akong kapamilya. Tumayo ako sa dulong bahagi at kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko, para tingnan kung dumating na ba ang sundo ko.
"Welcome back, Lady J!"
Nagtaas ako ng mukha ng marinig ko ang pamilyar na tinig ni Max. Siya pala ang sundo ko, kasama ang ilang tauhan ni Boss Alex.
"How's your trip?" tanong ng kaharap ko, pero nagkibit-balikat lang ako.
"Nothing special," walang emosyon na sagot ko.
Sabay kaming napalingon ni Max ng marinig namin ang malakas na sigaw at tilian ng mga taong nasa waiting area. Mula sa kinatatayuan ko, nakita kong kumaway ang isang lalaking naka-talikod sa amin.
"Sino 'yan?" walang ganang tanong ko.
"Baka artista o kaya naman ay pulitiko," kibit-balikat na sagot ng kaharap ko at pagkatapos ay bumaling sa akin at niyaya ako.
"Let's go, ihahatid na kita sa bahay mo."
Tumango lang ako at nagsimulang ihakbang ang mga paa ko papunta sa naghihintay na sasakyan.
Pasakay na sana ako ng muling marinig ko ang malakas na tilian ng mga babae at may tinatawag silang pangalan, kaya napalingon ako.
Hindi ko alam kung dinadaya ba ako ng paningin ko, pero kahit malayo ang distansya namin ay malinaw na nakita ko ang mukhang pamilyar sa akin.
Si Zi, siya ang nakita kong sumakay sa itim na sasakyan, kasunod ang ilang kalalakihan.
Saglit na natigilan ako. Hindi ko nagawang igalaw at ihakbang ang mga paa ko, hanggang nawala sa paningin ko ang sasakyang sinundan ng mga mata ko.
"Okay ka lang ba, Lady J?" Narinig kong tanong ni Max sa akin.
Marahan akong tumango at walang imik na sumakay sa sasakyang naghihintay sa akin.
"What happened?" tanong ni Max, habang nagmamaneho at mabilis na nagpapatakbo ng minamanehong sasakyan.
"Hindi tayo close, para tanungin mo ako ng kung anu-ano, Max," walang ganang sagot ko.
"Yeah, I know that. Curious lang ako, dahil bigla kang natulala mg makita mo yung artista," natatawang paliwanag ni Max.
Hindi ko siya sinagot. Sa lahat ng ayaw ko ay ang maraming tanong. Sanay akong mag-isa at walang nakikialam at mausisa sa kahit anong ginagawa ko, kaya tahimik ang buhay ko.
As expected, dito ako hinatid ni Max sa penthouse na binili ko two years ago. Ngayon ko lang ito actual na nakita, dahil ito ang unang pagkakataon na umuwi ako dito sa Pilipinas, simula ng umalis ako tatlong taon na ang nakaraan.
"Gusto mo bang samahan kita dito?" tanong ni Max nang makapasok kami at nakaupo na sa sofa.
"Hindi," maikling sagot ko.
Ayaw kong magpaliwanag kung bakit, dahil sarili ko itong bahay at hindi related sa organisasyon.
"Tatlong taon kang nawala dito sa Pilipinas. If you need anything, tawagan mo lang ako," sabi ni Max bago umalis.
Naiwan akong mag-isa. Inikot ng mga mata ko ang kabuuan ng penthouse at sinuyod kung may kakaiba akong dapat makita.
Gamit ang smart watch na suot ko ay nag-scan at tracing ako kung may unknown devices ba ang narito sa loob ng penthouse ko.
Lagi ko itong ginagawa kahit saan ako pumunta para na rin sa safety ko. May pumupunta kasi dito para maglinis. Gusto kong pag-uwi ko dito ay maayos ang bahay na dadatnan ko, para komportable ako habang narito.
Pabagsak na humiga ako sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko. Pumikit ako para marelax, pero agad napamulat ng bigla kong naalala ang pamilyar na mukha ng lalaking nakita ko kanina sa airport.
Nakita kong tumingin rin siya sa direksyon ko, bago sumakay sa sasakyan na naghihintay sa kanya, pero wala akong nabasang kahit anong emosyon sa mga mata niya.
Siguro nga ay nagkamali lamang ako. Kahit ayaw ko kasing isipin si Zi ay kusang bumabalik sa isipan ko ang nangyari noon na tila ba gustong ipaalala sa akin ang nakaraan ko, ngayong bumalik na ako dito sa Pilipinas.
Sa tingin ko ay ito ang naging dahilan, kaya bigla kong nakita ang pagkakahawig nila ng lalaking kasabay kong umalis sa airport kanina.
Maraming nangyari sa akin dito sa Pilipinas at kahit saang sulok man ako ng mundo napunta ay hindi ko pa rin kanyang basta na lang kalimutan ang lahat.