JENNIE
It takes a week, bago ako tuluyang pinalabas sa base ng mafia organization ni Boss Alex sa Moscow. Opisyal na akong bahagi ng kanyang mafia clan, at isa sa promising assassin of his group.
Sakay ako ngayong ng train papuntang Milan at baba sa Milano Centrale Railway Station. Malapit lang doon ang high-end hotel na kinuha ko, para magawa ko ang unang misyon ko.
Si Gerald Ford ang una sa listahan. He is one of the prominent individuals who has a double lifestyle. Hindi ako nagtanong kay Boss Alex kung ano ang atraso niya sa organisasyon, dahil malinaw na nabasa ko ito sa files na binigay niya sa akin.
Ang misyon ko ay burahin siya sa mundo ng walang maiiwan na bakas na magtuturo sa organisasyon ni Boss Alex at iyan ang gagawin ko.
Dalawang linggo ang binigay niya sa akin, para matapos ko ang misyon ko, kaya wala akong sinayang na pagkakataon. Pagdating ko sa hotel ay agad kong tiningnan ang pattern ng kanyang mga activities sa araw-araw, para alam ko kung saan ako magsisimula.
Tahimik na pinagmamasdan ko ang mga larawang nasa harap ko ng hindi sinasadya ay napatingin ako sa pulsuhan ko.
Bago ako lumabas sa base ay nilagyan nila ako ng infused barcode sa pulsuhan ko. Bilang member ng Kazimir Organization, tanging ito ang access ko para makapasok ako sa base at sa mga pribadong lugar na nasasakupan ng clan.
Invisible ito sa mga mata ng ordinaryong tao at makikita lamang sa scanner na siyang entry at exit point namin sa organization bilang identity.
Wala akong sinayang na oras dito sa Milan. Araw-araw akong nakasunod sa bawat kilos ng taong target ko, hanggang nakakita ako ng pagkakataong lapitan siya.
“Ouch!”
Kunwari ay nasaktan ako at napadaing ng malakas. Naka-ngiwing sapo ko ang noo ko sa harap niya, habang mahigpit na nakahawak ang kaliwang kamay ko sa braso ng lalaking pakay ko.
“Are you okay, Miss?” tanong sa akin ni Gerald Ford.
"No, I think my right foot is fractured,” mabilis na sagot ko.
Nagkunwari akong natisod at nasalo naman niya. Suot ko ang pulang sapatos na may mataas na takong at sinadya kong humawak ng mahigpit sa braso ni Mr. Ford, para ipakita sa kanya na nahihirapan ako.
Alam kong hindi kami malalapitan ngayon ng private army ng lalaking pakay ko, na laging nakasunod sa kanya kahit saan siya magpunta, dahil nasa isang event kami at maraming mga mata at camera sa paligid.
I don't think I can walk well. I'm injured, and it's excruciatingly uncomfortable. Can you please assist me in finding a chair to sit on, Mister?” kunwari ay hirap na pakiusap ko.
Yumuko ako, para hindi gaanong clear ang feature ng mukhang gamit ko sa oras na may kumuha ng larawan or video naming dalawa.
“Are you alone, Miss?” tanong ng lalaking kasama ko.
“Yes,” mabilis na sagot ko, sabay hugot ng malalim na buntong-hininga.
Ayaw kong may lalaking humahawak sa katawan ko, pero tiniis ko para maging successful ang misyon ko.
Palihim na gumagala ang mga mata ko sa paligid ko. Maraming prominenteng tao dito sa venue ng weekly fashion week at alam kong gagamitin ng lalaking kasama ko ang opportunity na ito, para magpabango ng pangalan at makakuha ng atensyon ng medya for portraying a good Samaritan.
“You need to be checked by a professional doctor, Miss,” sabi ng kasama ko.
“I'm fine, Mister.” Sinabi ko sa kanya na malapit lang ang hotel na tinutuluyan ko at kaya ko namang bumalik doon kapag nawala na ang sakit ng paa ko.
“Sure, but I can't allow a beautiful woman like you to suffer alone,” nakangiting sagot ng lalaking kasama ko.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya at nagbilang ng ilang segundo bago muling nagsalita.
“Thank you so much. You are an angel, Mister.”
“Oh, you don't have to be too formal, baby. I'm Gerald Ford.” Nakangiting pakilala ng kaharap ko sa sarili.
“You are the famous Mister Gerald Ford?” kunwari ay nagulat at nanlalaki ang mga matang tanong ko.
“I didn't know you were too young compared to those pictures of you that I used to read in all the magazines I had at home.”
Alam kong gustong-gusto niya ang pinupuri at center of attention, kaya bigay todo ang pambobola ko sa kanya.
“I'm just a simple human being…. Miss?”
Pa-humble pa ang kausap ko, pero alam kong natutuwa siya sa naririnig.
Mabilis na inilahad ko ang palad ko at nagpakilala gamit ang pekeng pangalang gamit ko.
“Oh, hi, I'm Katherine Sy, and it's my first time attending a fashion week event,” nakangiting sagot ko. “But I guess this won't be the last time.”
Nakangiting tumango-tango ang kaharap ko. “Are you alone in your hotel room?” tanong ni Mr. Ford sa akin.
“Yeah,” tipid na sagot ko, habang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
"If you allow me, I can nurse you until your foot heals.” Lumawak ang ngiti sa labi ko. Nagustuhan ko ang sinabi ng kaharap ko, pero nagkunwari akong magdadalawang-isip.
“I'm afraid I can't do that, Mr. Ford. My father won't be happy once he finds out that I'm with a married man in my own hotel room.” Mabilis akong tumanggi para makita niya na hindi ako interested sa kanya.
“I don't want to ruin his good reputation in public. You know how important that is to our society.”
Ngumiti sa akin si Mr. Ford at hinawakan ang kamay ko. “Don’t worry, baby. I can take good care of you and everything you worry about. I assure you, your father won't know anything,” pangungumbinsi niya sa akin.
Kunwari ay hesitant akong sumama sa kanya. I project myself na inosente sa harap ng target ko, dahil sa ganitong uri ng babae attracted ang lalaking kausap ko.
“You're here in Milan, you should enjoy it to the fullest.”
Hindi ako sumagot. Nagkunwari akong nag-iisip muna, pero palihim na gumagala ang mga mata ko at pinag-aaralan ang kilos ng mga tauhan ng lalaking kausap ko.
“Alright, if you agree, I can offer you a drink in my hotel room for taking good care of me here, Mr. Ford, but don't expect I can give you more than that.”
Nagliwanag ang mga mata ng lalaking kausap ko at ngumiti ng matamis sa akin.
“Sure, as you said, baby.”
Pinigilan kong umikot ang mga mata ko sa harap ni Mr. Ford at nanatiling nakangiti sa kanya. Kulang na lang ay pilipitin ko ang leeg niya ngayon din, para matapos na ang pakikipag-bolahan ko sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil malaking problema kung dito ko gagawin ang pakay ko.
Hinayaan kong alalayan niya akong tumayo at iika-ikang humakbang, habang mahigpit na nakahawak ang kamay ko sa mga braso ni Mr. Ford.
Pinakita ko sa kanya na mahina ako at sunod-sunuran sa kanya, dahil alam kong ito ang gusto niya.
Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nakasunod sa amin ang mga tauhan ni Mr. Ford. Kunwari ay hindi ko sila nakita, habang naglalakad kami papunta sa hotel room, kung saan ako pansamantalang tumutuloy.
Kung titingnan ako ay para kaming mag-ama ni Mr. Ford. Sinadya kong magmukha mas bata sa hapit na gown na suot ko, pero siniguro ko na mapapansin niya ang magandang hubog ng katawan ko.
As expected, mabilis na nahulog sa trap ko ang lalaking pakay ko. Nakatulong sa akin ang bawat details na nabasa ko sa profile na binigay sa akin ni Boss Alex, para malapitan ko siya ng walang kahirap-hirap.
Pagpasok pa lang namin sa pintuan ng hotel room ko ay ramdam kong nag-iba na ang paraan kung paano humawak sa katawan ko ang mga kamay ni Mr. Ford.
Marahang naglalandas sa maliit na bewang ko ang palad niya, pataas hanggang dibdib ko. Nagkunwari akong hindi ito napapansin, habang mahigpit na hawak ko ang braso niya at bumabaon doon ang mga kuko kong may lason sa dulo na pwedeng pumatay sa kanya in few minutes.
“Ouch, too painful.” Kunwari ay nasasaktan na daing ko.
Nakiusap akong tulungan niya akong makaupo sa sofa. Kailangan ko siyang linlangin dahil oras ang kalaban ko. Ilang minuto pa, bago ko makita ang epekto sa kanya ng lason na nasa dulo ng kuko ko, kaya kailangan kong mag-isip ng paraan, para hindi niya mahawakan ang katawan ko.
“Let me help you, baby,” puno ng pagnanasang sabi ni Mr. Ford, sabay basa ng dila sa pang-ibabang labi.
Muntik akong masuka. Nandidiri ako sa kanya, pero kailangan kong tiisin ang presensya niya sa harap ko. Kaunting minuto na lang ay alam kong matatapos rin ang lahat ng ito.
Lumuhod si Mr. Ford sa harap ko at inabot ang paa ko. Dahan-dahan niyang kinalas ang tali ng mataas na sapatos na suot ko at pagkatapos ay puno ng pagnanasang hinaplos ang binti ko paakyat, habang nakatitig sa mga mata ko.
Wala siyang kamalay-malay na nasa kamay ko na rin ang isa pang karayom na bigla kong ibinaon sa batok niya kaya natigilan si Mr Ford.
“What was that?” kunot ang noo na tanong ng kaharap ko, habang sapo ang batok niya.
Itinaas ko ang kamay ko at pinakita sa kanya ang mahabang kuko ko. Kunwari ay humingi ako ng tawad na nakalmot ko siya, dahil nakiliti ako sa ginawa niyang paghalik sa binti ko.
Ngumiti sa akin si Mr, Ford at muling hinaplos ang binti ko.“It's okay, baby. Let's have fun.”
“Sure,” mapang-akit na sagot ko.
Sinakyan ko ang gusto niya, dahil nakikita ko ang maliit na device na nakakabit sa smart watch na suot niya. Kailangan kong sumabay sa kanya, dahil siguradong susugod dito sa loob ng silid ang mga tauhan niyang nakasunod sa kanya, sa oras na marinig nilang nagkakagulo kaming dalawa dito sa loob.
As expected, nabitawan ng lalaking kaharap ko ang binti ko at sinapo niya ang kanyang ulo. Minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang epekto ng lason na kumalat sa katawan ni Mr. Ford.
Nag-aakusang tumingin sa akin si Mr. Ford, pero wala siyang narinig na kahit anong salita mula sa akin.
Nang bumagsak siya sa sahig ay nagkunwari akong yumakap sa kanya at hahalikan siya sa dibdib, pero ang mga daliri ko ay mabilis na sinalat siya sa leeg para tingnan kung buhay pa ito at huminga pa.
Mabilis na hinubad ko ang damit na suot ko at agad itinapon sa kamay ni Mr. Ford para matakpan ang device na suot niya at walang makita ang mga tauhan niya.
Mabilis ang naging kilos ko. Minuto lang ay wala na sa ulo ko ang blondeng wig na ginamit ko at iba na rin ang damit na suot ko.
Gamit ang parachute, tumalon ako sa veranda, dala ang singsing na pagmamay-ari ni Mr Ford. na kinuha ko sa kamay niya, bilang patunay na nagtagumpay ako sa unang misyon ko at nakuha ko ang kailangan ko sa kanya…