Chapter 8

2009 Words
JENNIE Two years later. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko na aalis ako ng Pilipinas at pupunta ng ibang bansa. Hindi ako handa, wala ito sa plano ko, dahil sa maikling panahon na kasama ko siya ay ang anak ko ang naging sentro ng buhay ko. Huminga ako ng malalim at umupo ng tuwid. Pinilit kong mag-concentrate sa tinuturo sa amin ng personal trainer ko dahil bukod sa strict at terror siya ay ayaw niya ng mabagal at hindi alam ang gagawin ng trainee niya kapag nasa field na. “Are you listening, Jay?” matigas na tanong sa akin ng masungit na babaeng kaharap ko. “Yes, miss,” maikli at tipid na sagot ko. Simula ng dumating ako dito sa base sa Russia ay ginamit ko ang pangalan ng anak ko. Paulit-ulit na narinig ko ito araw-araw at siyang nagpapaalala sa akin kung bakit ako narito. Hinatid lamang ako dito ni Patrick noon at pagkatapos akong ibilin sa taong kaharap ko ay umalis rin agad siya at muling bumalik sa Pilipinas. Wala akong cellphone at hindi rin ako gumagamit ng kahit anong means of communication, para tumawag sa kahit na kanino sa mga kamag-anak ko at ipaalam sa kanila kung nasaan ako. Wala rin akong balita tungkol sa kahit na sinong related sa akin sa Pilipinas, dahil kinalimutan ko silang lahat at nagpokus aki sa training ko dito sa Russia. Gusto kong mabigyan ng nararapat na hustisya ang kalunos-lunos na pagkamatay ng anak ko, maging ang mga inosenteng tanong namatay sa sunog sa kumbento. Para makamit ko iyon ay kailangan kong magsakripisyo. Hindi madali ang training na pinagdaanan ko dito sa base. Mula sa iba't ibang language ay pinag-aaralan ko rin ang lahat ng uri ng baril at patalim na alam kong sa paglabas ko dito ay magagamit ko para protektahan ang sarili ko, laban sa mga taong banta sa buhay ko. Bugbog ang katawan ko sa iba't ibang training na ginagawa ko, lalo na sa workout at araw-araw na paggamit ng baril at patalim, para maging maliksi ako lalo na sa self-defense. Lahat ng uri ng lason at tamang paggamit nito ay kasama sa mga pinag-aralan ko. Maging ang mga buto sa katawan ng tao ay nasa memorya ko. Handa ako kapag bigla akong napunta sa sitwasyon na kailangan kong makipaglaban, para protektahan ang sarili ko ay kaya kong pabagsakin ang kalaban ko, kahit walang hawak na weapon. Natuto akong mag-ayos, gumamit ng mamahaling makeup at magsuot ng mataas na sapatos at revealing na mga damit. Isa ito sa mga pinag-aralan ko dito sa base at malaki ang maitutulong nito sa oras na lumabas na ako at humarap sa totoong mundo. Dalawang taon na dito sa Russia. Malaki na rin ang pinagbago ko, physically, mentally and emotionally. Napakarami ko nang natutunan na siyang magagamit ko para protektahan ang sarili ko sa trabahong naghihintay sa akin sa labas. "Physically, you are here, but once again, you are not paying attention to what I'm doing here, Jay!" malakas na singhal sa akin ng Russian na trainer ko. “My apologies, miss,” hinging paumanhin ko, kahit alam kong hindi naman niya ito tatanggapin. “There's no point in apologizing. You know what to do,” Tumayo ako at pumunta sa gym. Kailangan kong ilabas ang galit ko at gawin ang nararapat na punishment sa akin, dahil nahuli akong hindi nakikinig sa trainer ko. “Max, it's your chance.” Nag-angat ako ng mukha ng marinig ko kung sino ang tinawag ng trainer ko para makalaban ko. Hindi ko inaasahan na narito ang isa sa key person ng organization na sinalihan ko. Bukod kay Sir Alexander, isa si Max sa kinatatakutan namin dito sa base. Masyadong terror ang isang ito. Hindi siya magdadalawang-isip na saktan ako, kaya ngayon pa lang ay hinahanda ko na ang sarili kong masaktan, dahil alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa akin. “You know the rules, Jay!” Narinig kong malakas na sigaw ng trainer ko. Kita ko kung gaano katalim ang mga mata ni Max, habang humahakbang ako palapit sa kanya at nakatingin siya sa akin. Physically, alam kong talo niya ako. Mas Malaki ang katawan niya kumpara sa akin. Higit na malakas ang mga lalaki, pero isang bagay ang natutunan ko dito sa organisasyon na pinasukan ko. Walang puwang ang pagiging mahina at pantay ang kakayahan ng babae at lalaki. Gaya ng inaasahan ko, biglang nagpakawala ng pailalim na suntok si Max, kaya tinamaan agad ako sa sikmura. Notorious ang isang ito pagdating actual fight at binabalian ng buto ang nakalaban niya, kaya kailangan kong maging alerto. Ayaw kong matulad sa iba na iniwan niyang walang buhay. Naging alerto ang mga mata at pakiramdam ko. Gusto kong mabuhay ng normal, kaya pinag-aralan ko ang bawat kilos ni Max. Sinundan ng mga mata ko ang galaw ng kanyang kamay at katawan, gano'n rin ang bawat hakbang ng kanyang mga paa para alam ko, kung paano ko siya maitutumba. “Fight, Jay! Don't disappoint me!” Sigaw na naman ng masungit na trainer ko. Mabilis kumilos si Max at nasundan ito ng mga mata ko. Umangat ang kanang braso ko at akmang susuntukin ko siya, pero ang totoong aim ko ay ang kanyang tuhod at binti. Hinayaan kong tamaan ako ng malakas na suntok sa panga ni Max, pero siniguro ko na sa aming dalawa, siya ang unang babagsak kaya ipinain ko ang sarili ko. Malakas na mura ni Max ang sumunod na narinig naming lahat dito sa gym. Namimilipit sa sakit na bumagsak siya sa sahig, sapo ng mga kamay ang kanyang p*********i. Hindi inaasahan ni Max na gano'n ang atakeng gagawin ko. Nasa akin ang buong atensyon niya. Alam ko ang goal niya at iyon ay ang pabagsakin ako, pero naunahan ko siya. “Bravo, Jay!” Malakas na sigaw ng natutuwang trainer ko. Marami ang bumagsak sa training ng dahil sa kanya. Hinayaan kong saktan ako ni Max, hanggang matukoy ko, kung ano ang tamang atake kaya napabagsak ko siya. Lumapit sa akin ang trainer ko at tinapik ako sa balikat. “You did great. You never failed to amaze me.” Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Nasugatan ako sa mukha, pumutok ang kilay ko, pero worth it naman dahil napabagsak ko agad si Max sa first attack ko kahit nabugbog ako. “Ang laki na nang improvement mo, Jennie,” sabi sa akin ni Max ng makabawi siya ng lakas at tumayo. “Ang tagal ko ng hindi narinig na may tumawag sa akin sa ganyang pangalan, Max. Kinalimutan ko na ‘yan,” walang emosyon na sagot ko. “Fine, pero paano kapag bumalik ka na sa Pilipinas? Babalik ang lahat ng good and bad memories mo.” Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko siya sinagot, dahil walang dahilan para sagutin ko ang tanong niya. Personal na buhay ko ito at hindi related sa trabaho. Si Boss Alex lang ang may karapatang tanungin ako at hindi ang kung sinu-sino sa mga tauhan niya. Walang lingon-likod na tinalikuran ko si Max. Para akong manikang gumagalaw dito sa base, pero wala silang nakikitang emosyon sa akin. Tahimik lamang ako at ang tanging goal ko, kaya ako narito ay matapos ang training ko at makabalik ako sa Pilipinas. Matapos maligo ay pinatawag ako ng kanang kamay ni Boss Alex dito sa Russia. Mabilis akong lumabas ng silid na nakalaan sa akin at pinuntahan ko siya sa opisina niya, pero nagulat ako ng makita kong narito rin pala si Sir Alex na ngayon ko lang ulit nakita. “Sit down, Jennie,” agad na utos ni Sir Alex ng makita niyang nakatayo lamang ako sa kanyang harapan. Walang imik na umupo ako sa sofa, kaharap niya. Hinintay ko ang sasabihin ni Boss Alex, dahil alam kong hindi niya ako ipatatawag ng walang dahilan. “I've witnessed your performance here, and I must say that you did a great job.” Napalunok ako, habang tuwid na nakaupo dito sa sofa at nakikinig sa bawat sinasabi ni Boss Alex. “It's about time, para pakawalan na kita sa labas for actual battle of survival. Kapag nakabalik ka dito ng buhay, you'll get the reward na pinangako ko sa iyo.” Inabot niya sa akin ang katabing folder. Agad ko itong inabot ang binuklat para makita kung ano ang laman. “They were the eight Golden Dragons. Silang walo ang matagal ng tinik sa council. Dapat na silang mawala dito sa mundo ng walang kahit anong bakas na maiiwan at magtuturo sa atin. Sila ang unang trabahong ibibigay ko sa iyo, Jennie.” Nauunawaan ko ang ibig sabihin ni Boss Alex. Kahit hindi niya ipinaliwanag ng buo ay sapat na ang mga papel na hawak ko, para maunawaan ko ang trabahong gagawin ko. May inilapag siyang USB sa ibabaw ng mesa at binigay sa akin. “You only have one year to complete the task, Jennie. Lahat ng impormasyon na kailangan mo ay nariyan. Alam mo ang rules ng organization ko. Gusto kong maging invisible ka sa mata at paningin ng lahat.” Kinuha ko ang maliit na USB at isinilid sa bulsa ng jeans na suot ko. Alam kong hindi magiging madali ang trabahong binigay niya sa akin. Base sa mga profile na nabasa ko ay hindi basta pwedeng lapitan ang mga target ko. Lahat sila ay mahigpit ang security, kaya kailangan kong mag-isip ng magandang paraan para makalapit sa kanila. “I want you to begin with Gerald Ford. Siya ang number one supplier ng mga dróga worldwide. Don't worry, I'm with you through the whole process. I will give you all the information you need, para maging successful ang first mission mo.” Naniniwala ako sa sinabi ni Sir Alexander. Sa loob ng dalawang taon, naging maayos ang training ko dito sa Russia. Hindi naging madali, dahil wala akong kahit anong background sa ganitong trabaho, pero nagawa ko. Bugbog ang katawan ko sa iba't ibang training maghapon at kung minsan ay magdamag pa akong nakababad sa dagat. Akala ko ay magaling na akong lumangoy dahil gilid dagat naman ang lugar namin sa Mindoro. Nasanay ako sa tubig, pero nasubok ang kakayahan ko dito sa Russia nang itapon nila ako sa dagat at magdamag na iniwan doon, para madevelop ang survival skills ko. Matindi ang naging training ko, kasama doon ang high quality education. Iba't ibang language ang pinag-aralan ko, gano'n rin kung paano gumamit ng computer. Daig ko pa ang pumasok sa Arm Forces. Naranasan kong magutom ng ilang araw, para subukin ang kakayahan ko sa bundok. Iniwan nila ako sa city na walang pera at walang kaalam-alam kung nasaang lugar ako, pero nagawa kong makabalik dito sa base sa takdang oras na binigay sa akin ng trainer ko. Diskarte, tatag ng loob at determinasyon ang naging puhunan ko, para maabot ko ang inaasam ko. Hindi deal sa akin ang pahinga. Halos tatlo o apat na oras lamang ang tulog ko sa loob ng unang taon na narito ako sa base. Ang akala ko ay hindi ko kaya, pero dahil may determinasyon akong matapos ko ang training ko ay ginawa ko ang lahat para mag-survive dito. Labin-lima kaming magkakasamang nagsimulang nag-training dito sa base noong nagsisimula pa lang ako, pero dalawa na lang kaming natitira ngayon. Ang iba ay hindi na nakalabas ng buhay, dahil nagtangkang tumakas. Hindi nila kinaya ang hirap na pinagdaanan namin dito sa training camp. Sumuko sila at ang ilan naman ay nakalaban namin sa actual fight for survival kaya namatay, para kami ang mabuhay. Bawat patak ng dugo sa kamay ko ay mahalaga. Paulit-ulit man akong nasasaktan at nasusugatan, pero lumalaban ako at ginawa ko ang lahat para hindi ako mapabagsak ng mga kalaban ko. Para sa anak ko, nagawa kong matapos ang napakahirap na training na pinagdaanan ko sa kamay ng isa sa pinakamalupit na assassin ng organisasyon na pinamumunuan ni Boss Alexander Kazimir. Kaunting paghihintay na lang ay makakalabas na ako dito sa base. Pwede ko ng balikan ang mga taong may kagagawan, kaya nawalan ako ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD