LYNDON "Oh my God! What happened to your face?" Nagmulat ako ng mga mata ng marinig ko ang malakas na tinig ni mommy, kasabay ng malakas na tapik sa balikat ko. Tanghali na pala. Pumasok na si mommy dito sa loob ng silid ko, para gisingin ako, dahil hindi ako sumabay sa kanila mag-breakfast kanina. "Good morning, mom," nakangiting bati ko sa aking ina, pero pingot sa tenga ang natanggap ko. "Ouch! Ang sakit, mom!" naka-ngiwing reklamo ko. "Anong kalokohan na naman ang ginawa mo kagabi at ganyan ang nangyari sa mukha mo?" galit na tanong ni mommy sa akin. Bumangon ako at ngumiti kay mommy, pero mukhang galit talaga siya at mainit ang ulo ngayon. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, kanino ka nakipag-basag-ulo kagabi?" Natigilan ako sa narinig kong tanong ni mommy. Ang talas talaga