JENNIE Kahit nanlalabo ang paningin ko at nahihilo na ay sinikap kong itulak si Lyndon Montenegro, para mawala siya sa ibabaw ko. Walang malay na bumagsak ang katawan niya sa tabi ko. Kahit umiikot ang aking paningin ay bumangon ako at pagapang na bumaba sa kama. Mabilis ang naging kilos ko. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng malamig na tubig at agad na ibinuhos sa mukha ko, para mawala ang matinding hilo na nararamdaman ko. Kailangan ko ito, para pansamantalang manatiling gising. Malakas ang epekto ng pampatulog na ginamit ko. Bagsak agad si Lyndon Montenegro, kaya dapat na mas maging maliksi ako at magawa ko agad ang kailangan kong gawin. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan ko ang press na nakilala ko kanina sa party. Narinig ko pa ang ingay sa lugar na pinanggalingan ko, katu