JENNIE Hindi ako nakatiis. Ilang lunok muna ang ginawa ko, bago lakas-loob na nagtanong sa lalaking kaharap ko. "Anong ibig mong sabihin? Na-iskandalo ka na rin ba noon, kasama ang ibang babae?" Mabilis na umiling si Mr. Montenegro at pagkatapos ay muling tinitigan ang mukha ko. "Ang mga mata mo…pamilyar talaga sa akin," tila confused na sagot ni Lyndon. "Tapos, maraming pagkakataon na nagigising ako sa madaling araw na may nakikita akong mukha ng isang babae at sa tingin ko… kamukha mo siya." Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na nagsalita pa. Hindi ko alam kung anong pakulo ng lalaking kasama ko at nagpapanggap na hindi niya ako maalala. Imposible naman na nakalimutan niya ang mukha ko, gayong dalawang linggo siyang tumira sa amin sa probinsya. Kung sabagay, ma