JENNIE Pikon na iniwan ko sa gitna si Lyndon Montenegro, dahil biglang nag-init ang ulo ko sa kanya at kumulo talaga ang dugo ko. Hindi na ako umaasa na maalala pa niya ako, dahil wala na akong pakialam kung kinalimutan na niya ang isang gabing pagkakamali namin noon sa probinsya. Baka hindi niya inaakalang muli kaming magkikita dito sa Maynila, lalo na at ibang-iba na ang hitsura at ayos ko ngayon. Hindi ko lang nagustuhan ang ginawa ni Lyndon Montenegro nang hawakan niya ako sa pisngi at titigan ng diretso sa mga mata at sinabing pamilyar daw sa kanya ang mukha ko at paulit-ulit akong tinanong kung nagkita na ba kaming dalawa noon. Inis na bumalik ako sa upuan na kanina ay inupuan ko. Pilit na winaksi ko na sa isipan ko ang lahat, pero parang naglalaro lamang siya at tila biro lam