Chapter 4

1910 Words
JENNIE “Lina, bakit ganito ang suot natin? Hindi ba pwedeng magsuot na lang tayo ng t-shirt at pantalon?” hindi nakatiis na tanong ko sa kaibigan ko, pero mabilis na pinandilatan niya ako ng mga mata. “Ano ka ba naman, Jennie. Umiiral na naman ang pagiging madre mo. Dapat maganda at sexy tayo. Paano ka makaka-jackpot mamaya kung mukha kang manang?” May punto siya. Kailangan ko ng pera, para makapag-ipon kahit paano, dahil mahal ang gastusin ngayon. Isa ito sa dahilan, kaya susubukan kong maghanap ng iba pang trabaho kahit part time lang basta legal. Maganda naman ang sahod namin sa hotel, pero hindi talaga sapat. Umuupa ako ng tirahan, plus pagkain at pamasahe ko araw-araw, tapos kailangan kong magpadala sa anak ko sa probinsya kaya kulang pa rin talaga. Kahit nag-aalangan ako sa maikli at hapit na damit na suot ko ay nilakasan ko ang loob ko. Wala rin namang mangyayari kung magiging mahiyain ako, dahil lakas ng loob ang kailangan para maka-survive dito sa Maynila. Wala na akong maraming tanong pa sa kaibigan ko, dahil ilang buwan na rin naman niyang sinasabi sa akin ang tungkol dito. Sumama akong sumakay ng taxi kay Lina, papunta sa lugar kung saan siya nagtatrabaho sa gabi. “Nandito na tayo. Baba na, Jennie.” Nang hindi ako sumagot ay kinalabit ako ng katabi ko dahil malayo na naman ang tinakbo ng isip ko. “Ha? Anong lugar ba ito, Lina?” gulat na tanong ko, dahil nakita kong nasa tapat kami ng malaking bahay. “Dito tayo kikita ng malaki,” nakangiting sagot ng kaibigan ko. Napalunok ako. Hindi ko gusto ang ideyang pumasok sa isipan ko, pero bumaba na ako ng taxi ng makitang magbayad na ang kaibigan ko. First time kong nakapasok sa ganito kalaki na bahay. Pakiramdam ko ay pumasok ako sa lugar na puno ng mga gutom na hayop. Para bang kakainin ako ng buhay ng mga lalaking harapan kung titigan ako, mula ulo hanggang paa nang pumasok kami ni Lina sa malaking pintuan. “Relax ka lang, Jennie. Kapag may lumapit sa iyo, huwag mong ipakita sa kanila na kinakabahan ka,” bulong ni Lina sa akin. Tumango ako at pilit na nilalabanan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kinalabit ko ang kaibigan ko at bumulong sa kanya habang naglalakad kami sa isang mahabang pasilyo. “Sigurado ka bang hindi tayo mapapahamak dito, Lina?” Ngumiti siya sa akin at mabilis na sinagot ang tanong ko. “Oo naman. Kapag sinuswerte ka ngayong gabi, siguradong kikita ka ng malaki. Kung kasing ganda mo lang ako, Jennie, naku, baka mayaman na ako ngayon.” Ang sabi ni Lina ay katulad raw sa mga modelo at artista sa telebisyon ang trabaho niya. Kailangan ay laging maganda ang pananamit at mabango, kaya bago pumunta dito at naligo ako ng maayos kanina, para hindi magreklamo ang magiging kliyente namin. “Ready ka na?” tanong sa akin ni Lina. Kahit kinakabahan ay tumango ako. Kumapit ako sa salitang bahala na at sumama kay Lina na pumasok sa isang pintuan. Bumulaga sa mga mata ko ang mga babaeng naabutan namin dito sa loob ng silid. Agad na sinalubong kami ng isang may edad na babae at pinasadahan ako ng mga mata mula ulo hanggang paa. “Siya na ba ang sinasabi mong kaibigan mo, Lina?” tanong agad ng kaharap namin sa kasama ko. “Yes, mother. Maganda ‘di ba?” Tumango-tango ang may edad na babaeng kaharap namin at sinabing mahusay raw pumili ang kasama ko. Tinapik-tapik pa niya sa balikat ang kaibigan ko na para bang natutuwa siya. “Magaling, maaasahan ka talaga, Lina.” Bumaling sa akin ang babae at seryosong tinitigan ako sa mga mata. “Sa lahat ng ayaw ko ay maarte at mareklamo. Kung gusto mong magtagal dito at kumita ng malaki, gawin mong mabuti ang trabaho mo. Nagkakaintindihan na tayo?” “Opo, ma'am,” mabilis na sagot ko. “Mabuti kung ganun. Sige na, maupo na kayo at ng makapag-simula na tayo,” utos nito sa amin. Kahit paano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil nakita kong maraming tao dito sa silid, pero hindi nagtagal ay binalot ako ng takot ng may dumating na isa pang babae at inutusan kaming maghubad. Napatingin ako sa kasama ko nang kalabitin niya ako. “Maghubad ka na,” mahinang utos ni Lina sa akin. Nakita ko kung paano mabilis na maghubad ang mga kasama ko dito sa silid. Tanging bra at panty lamang ang natira at pagkatapos ay umupo na sila. Nanginginig ang kamay na hinubad ko ang suot ko. Malamig ang buong silid. Malakas ang buhay ng hangin mula sa aircon, kaya nangangatog ang buong katawan ko. “First time?” tanong sa akin ng babaeng katabi ko sa pila. “Oo,” nahihiyang sagot ko. Ito ang unang pagkakataon na may ibang mga mata ang nakakita sa kahubaran ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nakaramdam ako ng labis na kahihiyan habang sunod-sunod na napalunok. “Kung gusto mo pang mabuhay at makalabas dito ng buhay, kailangan mong lakasan ang loob mo.” Narinig kong mahinang bulong sa akin ng babaeng kasunod ko. Binalot ng matinding kaba ang puso ko. May negative impact sa akin ang mga salitang narinig ko at hindi ito nakatulong sa takot na nararamdaman ko sa dibdib ko. “Anong ibig mong sabihin?” lakas loob na tanong ko. “Gaya mo rin ako noon na inosente nang dumating dito, pero hindi magtatagal ay matututunan mo rin ang lahat.” Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil tinawag na ang babaeng katabi ko at humakbang na siya papunta sa isa pang pintuan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang nawala sa paningin ko. Naiwan akong naguguluhan sa kinauupuan ko, habang isa-isang sinusuyod ng mga mata ang buong silid na kinaroroonan ko at tiningnan ang mga babaeng kasama ko. Wala na si Lina. Hindi ko na siya nakita simula ng maghubad ako at inutusan ng babaeng dumating na umupo sa sofa, katabi ng iba pang mga babaeng kasama ko dito sa silid. Hindi ako nakatiis, kaya tinanong ko ang babaeng katabi ko, kung alam ba nila kung nasaan si Lina. Natatakot na kasi ako at gusto ko ng umalis sa lugar na ito, dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari dito. “Umalis na ‘yun, huwag mo ng hanapin,” walang ka-ngiti-ngiti na sagot ng isa sa mga babaeng kasama ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na aalis si Lina ng hindi ako kasama. “Kanino pwedeng magpaalam kung ayaw ko ng ituloy ang trabaho ko at gusto ko ng umuwi?” kinakabahan na tanong ko, dahil ayaw ko na talagang manatili pa sa lugar na ito. “Sinong may sabi sa iyo na makakaalis at makakalabas ka pa dito?” tanong sa akin ng isa pang babae. Maang na napatingin ako sa kanila. May ilang natawa at ngumisi ng marinig ang tanong ko. May ilan naman ang malungkot ang mga mata na ngumiti sa akin at para bang nakiki-simpatya sa akin dahil naguguluhan ako. “A-anong ibig mong sabihin?” nauutal na tanong ko. “Anong pangalan mo?” seryosong tanong sa akin ng isang pang babaeng kasama ko. “Jennie,” mabilis na sagot ko. Gumalaw ang mga kilay nito at ngumisi. “Pangalan ng mukhang inosente. I guess, wala ka pang alam, kung bakit narito ka sa casa,” sabi ng kausap ko. “Casa?” gulat na tanong ko. Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin ng salitang narinig ko, pero kakaiba ang hatid na takot at kaba nito sa dibdib ko. “Oo, nandito tayo sa Casa. Yung babaeng kasama mo at naghatid sa iyo dito kanina ay isa sa mga recruiter ng sindikato at nagbenta sa iyo dito. Kailangan mong magtrabhong mabuti para mabawi ni Mama Sang ang malaking perang binayad niya kanina. Mas maraming customer, mas mabuti. Tubong lugaw pa rin sila, kasi siguradong kikita sila ng malaki sa iyo kasi maganda ka.” Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng lakas dahil sa narinig ko. Ilang ulit na napa-kurap ako, habang kayakap ng mga braso ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Naging mabuti naman ako kay Lina at wala akong natatandaan na hindi magandang ginawa sa kanya. Naguguluhan ako at hindi ko maunawaan kung bakit nagawa niya sa akin ito, gayong itinuring ko siyang tunay na kaibigan. “Maynila ito, Jennie. Maraming ahas at mapagkunwaring demonyo ang nagpapanggap na anghel gaya ng nangyari sa iyo. Pinagkatiwalaan mo ang hayop na iyon, kaya walang kahirap-hirap na nadala ka niya sa impyernong lugar na ito.” Naluha ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano makakalabas dito. Isipin ko pa lang na hindi ako makapag-padala ng pera sa anak ko para sa gatas niya ay sobrang nag-aalala na ako. “Tumahimik kayo! Hindi ba sinabi ko sa inyong huwag kayong maingay!” Lahat ng mga kasama ko ay natigilan ng may narinig kaming malakas na sigaw mula sa babaeng unang nakita ko kanina. Mabilis akong tumayo nang lumapit siya sa amin at lumuhod sa harap niya, para magmakaawa na pakawalan na niya ako. “Parang awa mo na po, ma'am. Pakiusap, may anak po akong naghihintay sa akin. Wala na po siyang ama-” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang sabunutan ako ng babaeng kaharap ko, kaya napatingala ako sa kanya. “Wala akong pakialam sa anak mo at kung anong dahilan mo!” Malakas na singhal sa akin ng babaeng kaharap ko. Nanlilisik ang mga mata niya at mas lalo pang humigpit ang pagkakasabunot ng kamay sa dakot na buhok ko. “Binili na kita, kaya sa ayaw at sa gusto mo ay magtatrabaho ka sa akin! Sa oras na magtangka kang tumakas ay puputulan kita ng mga paa at ibebenta ko ang lahat ng organ sa katawan mo, para may pakinabang ako sa iyo!” Marahas na binitiwan niya ang buhok ko at sinabing umayos ako, dahil kung hindi ay makakatikim ako ng mabigat na parusa mula sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo at pigil ang luha na bumalik sa upuan ko. Tahimik naman ang mga kasama ko na para bang walang nangyari sa harap nila at normal na lang sa paningin nila ang kanilang nakita. Kagat ang pang-ibabang labi na yumuko ako, para huwag nilang makita ang mga luhang namuo sa mga mata ko. Hindi ito ang oras para maging mahina ako. Kahit mahirap at magulo ang isip ko ngayon ay pinili kong manalangin at humingi ng tulong sa Panginoon. Pagsubok lang sa akin ito. Kailangan kong maging mas malakas at hindi ko pwedeng sukuan ang pagkakataon para makalabas dito ng buhay dito sa casa. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na kontrolin nila ang buhay ko. Alam kong hindi madaling makatakas sa lugar na ito, dahil hindi magtatagal na nakakulong dito sa casa ang mga babaeng kasama ko, kung nakagawa sila ng paraan para makalabas dito. Para sa anak ko, magiging matatag ako. Sa ngayon ay wala pa akong magagawa para makatakas, pero hindi ako susuko. Araw-araw ay may panibagong pag-asa. Sa ngayon ay mananahimik muna ako, dahil siguradong masasaktan lamang ako kapag nakita nila akong lumalaban. Kahit anong mangyari ay hindi ako magtatagal dito sa casa. Hahanap ako ng pagkakataon para makalabas ng buhay at pinapangako ko sa sarili ko na muli kaming magkikita ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD