Chapter 5

1993 Words
JENNIE Isa-isang nawala ang mga babaeng kasama ko dito sa silid, hanggang dumating na ang tagpong kinatatakutan ko. Tinawag ako ng masungit na babaeng sumabunot sa akin kanina at sinabing sumunod ako sa tauhan niya. Ang lakas ng tíbok ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang kumakabog na dibdib ko, dahil sa takot at labis na kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito, habang nag-lulumikot ang mga mata sa bawat bahagi ng bahay na dinadaan ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng babaeng hatak ako sa kanang braso. Sapilitan na kinaladkad niya ako palabas sa silid na pinanggalingan ko, hanggang nakarating kaming dalawa dito sa pasilyo. Maraming pintuan na rin ang nadaanan namin, kaya mas lalo lamang akong nakakaramdam ng kaba, dahil malinaw na narinig ko sa babaeng sumabunot sa akin kanina na huwag akong gagawa ng ikagagalit niya at maging mabait raw ako sa customer na bumili sa akin. Hindi nagtagal ay tumigil kami sa harap ng isang saradong pintuan. “Huwag kang maarte, ha!” Singhal sa akin ng babaeng kasama ko. Napalunok ako at hindi sumagot. Bumukas naman ang pintuang kaharap ko at niluwa ang isang lalaking sa tingin ko ay foreigner dahil hindi siya mukhang pinoy. “Pasok!” Saka lang ako natauhan ng itulak ako papasok ng babaeng kasama ko. Muntik na akong masubsob sa sahig, kung hindi lang ako nasalo ng lalaking kaharap ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ramdam ko ang mainit na balat ng lalaking nakayakap sa katawan ko at agad sinunggaban ang leeg ko. “I'm sick, sir! I have AIDS!” malakas na sigaw ko. Bigla akong nabitawan ng lalaking yumakap sa akin. Matalim ang mga matang tinapunan niya ako ng mapanganib na tingin. Para bang nagbabanta siya sa akin, na kapag nagkamali ako ng sasabihin sa kanya ay ibabaon niya ako ng buhay sa lupa. “What did you say?” Napalunok ako. Masama man ang magsisinungaling pero gagawin ko para iligtas ang sarili ko. “I'm a HIV patient, sir,” lakas loob na sagot ko, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. “My friend sent me here so I can earn some money for my medical treatment.” Kahit hindi ako sanay mag-english ay naitawid ko naman. Malaking bagay na isa ako sa top student noong nag-aaral pa ako. Nahasa rin ako sa mga sinalihan kong competition, dahil gusto kong makuha ang prize, para may pang-dagdag allowance na rin. “Fùck! I paid a huge amount just to get a sick pússy!” Narinig kong mura ng galit na lalaking kasama ko. Sinamantala kong nagagalit ang lalaking bumili sa akin at nakiusap sa kanya. “Sir, I beg you. I have a small child that is waiting for me outside. Please help me get out of here." Mas lalong tumalim ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Bigla niya akong sinunggaban at sinakal sa leeg. Galit na galit siya at pinagbintangan akong nagsisinungaling na may sakit ako, para makatakas dito sa casa. Napasigaw ako nang ihagis niya ako sa kama. Mabilis siyang naghubad ng damit at akmang lalapit sana sa akin, pero agad akong tumalon sa kabilang bahagi, kaya naghabulan kaming dalawa. Siguro ay napagod na rin siya sa pakikipag-habulan kaya tumigil sa paghabol sa akin ang lalaking kasama ko dito sa silid. Akala ko ay titigilan na niya ako, pero nagulat ako ng kunin niya ang baril at tinutukan ako sa ulo. “Come here, bïtch, or else, I'm going to blow your fùcking head!” galit na singhal at utos sa akin ng lalaking kasama ko. Dala ng takot ay dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil biglang na blangko ang utak ko. Ibinaba niya ang nakatutok na baril sa ulo, pababa sa katawan ko. “Take it off!” Alam ko ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang hubarin ko ang kakarampot na telang tanging takip sa pribadong bahagi ng katawan ko. Unti-unting gumalaw at umangat ang braso ko papunta sa dibdib ko. Ang akala ng lalaking kaharap ko ay huhubarin ko ang bra na suot ko, pero mabilis na gumalaw ang binti ko at natuhod ko ito sa p*********i niya. Malakas na mura nito ang sumunod na narinig ko, sabay sapo ng kamay sa nasaktan na p*********i at tumalon-talon sa harap ko. Sinamantala ko ang pagkakataon, sinugod ko siya at nagpambuno kaming dalawang sa sahig. Malakas na mura ng galit na lalaking sinuntok ako sa tagiliran ang narinig ko. Nasaktan ako, pero hindi ako papayag na gamitin niya at babuyin ang katawan ko, kahit mamatay pa ako. Lumaban ako kahit mahina ako kumpara sa kanya dahil babae ako. Mahirap gumalaw, lalo na nang daganan niya ako at tutukan ng baril sa sintido. "I prefer a woman like you who is not afraid of me. You piqued my interest. You appear innocent, but not submissive,” naka-ngising sabi ng lalaking nasa ibabaw ko. “You can kill me, but you can't have me!” Nginisihan ako nito na para bang katawa-tawa para sa kanya ang sinabi ko. “Really?” Hindi ko siya sinagot. Bigla kong inangat ang ulo ko at ubod lakas na inuntog sa mukha niya, dahilan para napasigaw ito sa sakit dahil tinamaan ang ilong at mata. Nagdilim ang paningin ko, pero hindi ito dahilan para sukuan kong ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong ibang iniisip ngayon kung ‘di ang mailigtas ko ang sarili ko sa kamay ng hayop na lalaking sumampal sa akin. Balewala sa akin ang dugong nalasahan ko mula sa nasugatang labi ko. Kinagat ko sa leeg ang lalaking sumigaw ng malakas at pinagmumura ako. “I will fùcking kîll you, bîtch!” Nag-agawan kaming dalawa sa baril na hawak niya. Naging reckless na rin ako sa bawat kilos ko at naging marahas ang bawat atake ko sa kanya, hanggang may narinig akong malakas na putok at naramdaman kong may dumaloy na mainit na likidong pumatak sa katawan ko. Nanlalaki ang mga mata at awang ang labi na napasigaw ako. Nanginginig naman ang lalaking muntik ng gumahàsa sa akin at bumagsak na duguan sa sahig. Tinamaan pala siya ng bala sa dibdib ng hindi sinasadyang nakalabit niya ang gatilyo ng baril na hawak niya at nabaril ang sarili. Mas lalo akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Tulala at hindi ko alam ang gagawin ko, habang nakatitig lamang ang mga mata sa nakahandusay na lalaking nanginginig ang katawan at umaagos ang dugo sa bibig at dibdib niya sa tabi ko. Napasigaw ako ng biglang bumukas ang pintuan. May mga armadong kalalakihan ang pumasok at agad nilang binuhat ang manyak na duguang lalaking muntik ng gumahàsa sa akin. Ang bilis ng mga pangyayari, naiwan akong tulala habang nakasiksik ang katawan sa gilid ng kama. Alam kong sa nangyari ay mananagot ako sa babaeng sumampal sa akin kanina. Babalikan ako ng mga taong kasama niya dito sa silid, kaya gumana ang utak ko at mabilis na isinara ang pintuan at ini-lock. Isa-isang binuksan ko ang drawer para maghanap ng bagay na magagamit ko para makatakas at ipagtanggol ang sarili ko, pero bigo ako. Tanging sigarilyo at lighter lamang ang nakita ko sa loob ng drawer, kaya muling gumana ang utak ko. Alam kong malupit na parusa ang naghihintay sa akin at kung mamalasin pa ay papatayīn nila ako, kaya hindi ko na hihintayin na mangyari iyon. Sinindihan ko ang mga sigarilyo at iniwan ko sa ibabaw ng kama at carpet. Nang makita kong nagsisimula ng umapoy ang mga ito ay mabilis na tinungo ko ang banyo at binuksan ang maliit na bintanang salamin para pumasok ang hangin. May nakita akong bathtub na katulad sa hotel. Alam kong magagamit ko ito para protektahan ang sarili ko, kapag lumaki na ang apoy gaya ng inaasahan ko. Binuksan ko ang gripo at kinuha ko ang makapal na mga towel sa cabinet at nilagay sa loob nito. Hinayaan kong dumaloy ang tubig para mapuno ang bathtub. Muli akong lumabas sa banyo at itinuloy ang balak ko. Nag-simula ng mag-apoy ang kama, ganon rin ang carpet. Hinatak ko ang makapal na kurtina at bedsheet at sinilaban ang dulo. Dala ito ay lumabas ako ng silid at dinala ko sa tapat ng ilan pang pintuan sa labas at hinayaang kumalat ang apoy. “Hoy! Anong ginagawa mo?!” Malakas na sigaw sa akin ng lalaking nakakita sa ginagawa ko. Mabilis akong tumayo at walang lingon-likod na tumakbo pabalik sa silid na pinanggalingan ko. Humihingal na isinara ko at ni-lock ang pintuan at siniguro na hindi agad makakapasok dito ang lalaking humabol sa akin. Kahit mausok at nakakahilo ang amoy sa buong silid ay nagawa kong pumasok sa banyo. Nanginginig ang mga kamay na ini-lock ko ang pintuan, habang mabilis ang paghinga na sumandal ang nanghihinang katawan ko sa likod nito. Nagsimula nang pumasok ang usok dito sa banyo. Alam kong hindi magtatagal ay pwedeng ma-suffocate ako, kaya nag-isip ako ng pwede kong gawin, para kahit paano ay mapahaba ko ang oras ko. Gamit ang basang tuwalya ay nilagay ko ito sa ilalim ng pintuan para makontrol ang usok. Malaking bagay na nakapag-training ako ng safety protection sa hotel na pinapasukan ko, kaya may ideya ako kung ano ang gagawin ko, para protektahan ang sarili ko sa sitwasyong katulad nito. May narinig akong kalabugan mula sa labas. Ramdam ko na malakas na ang apoy sa buong silid, dahil naririnig kong naglalagablab ito. Gamit ang shower ay binasa ko ang pintuan para hindi agad ito masunog, gano'n rin ang makapal na mga tuwalya sa ilalim nito. Malaking bagay ito para mapahaba ang oras ko. Umaasa ako na kapag kumalat at hindi agad naapula ang apoy ay may darating na mga bombero. Isa itong malaking pagkakataon na pwede kaming mailigtas ng mga babaeng kasama kong nakakulong dito sa casa at makalabas kapag may dumating na mga bombero. Para sa anak ko, hindi ko susukuan ang maliit na tsansang maaaring makaalis ako dito sa casa. Sa ngayon ay kakapit muna ako sa salitang bahala na ang Panginoon sa akin, dahil maging ako ay hindi sigurado kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos nito. Nararamdaman ko na ang init ng naglalagablab na apoy mula sa labas. Hindi sapat ang tubig na gamit ko, para manatiling basa ang buong paligid, dahil masyadong malakas na ang usok at apoy na tumutupok sa buong paligid. Ayaw kong magpatalo sa takot. Pilit na nilalakasan ko ang loob ko at paulit-ulit na nananalangin na sa may dumating na bombero at makalabas kami dito, habang hawak ko ang shower holder at nakatutok sa pintuan. Nakatulong ang ginagawa ko para hindi agad natupok ng apoy dito sa banyo. Malaking tulong rin ang basang towel nakasiksik sa ilalim ng pintuan, kaya hindi gaanong pumapasok ang usok, pero hindi ko alam kung gaano tagal na ligtas akong nagtatago dito sa loob ng banyo. Namatay na rin ang ilaw at pumasok na ang usok galing sa kisame. Kahit madilim ay hindi ko binitawan ang hawak ko at patuloy na nag-spray ako ng tubig sa pintuan at maging sa kisame kahit hindi ko makita. Mas makapal na ngayon ang usok at nahihirapan na rin akong huminga. Binasa ko ang isa pang tuwalya at isinaklob sa ulo ko. Gamit ang kaliwang kamay ay itinakip ko ang dulong bahagi nito sa ilong ko, habang patuloy na nag-spray ng tubig sa paligid ko. Malakas ang loob ko, pero nakakaramdam rin ako ng takot. Ang last option ko na lang ay pumasok sa loob ng jacuzzi para hindi masunog sa oras na napuno ng apoy dito sa banyo. Hindi nga nagtagal ay napuno na rin ng usok dito sa banyo. Nagsimula na rin masunog ang pintuan at mabilis kumalat ang apoy sa kisame. Binitawan ko ang hawak ko at mabilis na pumasok sa loob ng jacuzzi at nilubog ang buong katawan sa tubig, para protektahan ang sarili ko sa nasusunog at nagliliyab na paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD