Chapter 6

2108 Words
JENNIE Nagising ako na mahapdi ang balat sa kamay at mga paa ko, habang nakahiga sa kama. Sa tingin ko ay nasa loob ako ng isang hospital. May nakakabit na drip sa braso ko, habang mag-isa lamang ako dito sa loob ng puting silid na kinaroroonan ko. Dahan-dahang iginala ko ang paningin ko sa buong silid. Wala akong nakitang pamilyar sa akin. Hindi ko rin alam kung nasaan ako, dahil ang huling natatandaan ko ay napakainit na sa loob ng banyo. Makapal na noon ang apoy, kaya binalot ko ang sarili ko ng basa at makapal na towel habang nakalubog sa tubig sa loob ng jacuzzi. Sa napagtanto ay napabangon ako, pero mabilis rin na bumagsak ang likod at ulo ko sa kama, dahil may nakakabit palang posas sa kaliwang braso ko. Bumundol ang labis na kaba sa dibdib ko. Alam kong nakaligtas ako sa sunog, pero ang nakakabahala ay bakit nakaposas ang kamay ko? Kagat ang pang-ibabang labi na napapikit ako at paulit-ulit na nag-iisip kung ano ba ang nangyari sa akin at nakaposas ako. Naisip ko na baka namatay ang lalaking muntik ng gumahàsa sa akin at napagbintangan akong bumaril sa kanya, kaya ako hinuli ng pulis. Napa-iling na lamang ako sa posibleng kahihinatnan ng ginawa ko. Sinunog ko nga pala ang casa, kaya hindi rin malayong makulong ako dahil doon. Mabigat na kaso ang arson. Ito ang kasong alam kong isasampa sa suspect, kapag nasangkot sa sunog gaya ng malimit kong napapanood, kapag nanonood ako ng favorite crime investigative documentary sa isang sikat na telebisyon channel. Nabaling ang paningin ko sa direksyon kung nasaan ang pintuan ng marinig kong bumukas ito. Pumasok ang isang matangkad at maputing lalaking sa tingin ko ay foreigner, kaya nagsimula na naman akong makaramdam ng kaba sa dibdib ko. Hindi ako nag-salita para magtanong. Nagkunwari akong tulala at nakatingin lamang sa lalaking dumating at naghihintay kung ano ang kanyang sasabihin o kaya naman ay gagawin. Sa totoo lang ay natatakot ako. Naisip ko kasi na baka related siya sa lalaking aksidenteng nabaril ang sarili dahil nagpambuno kami. Siguradong ako ang sisisihin nila kung sakaling namatay siya, kaya hindi imposibleng ito rin ang dahilan kung bakit nakaposas ako ngayon habang ginagamot. “Drop the act, hindi mo ako maloloko. I know your perfectly fine,” sabi sa akin ng lalaking nakatayo sa gilid ng kama. Alam naman pala niyang hindi ako tulala, kaya walang mangyayari kung magkukunwari pa ako. “Sino ka? Nasaan ako at anong kailangan mo sa akin?” sunod-sunod na tanong ko. “Woah, easy,” pormal na sagot ng lalaking pumasok dito sa silid. “Ang dami mong tanong.” Mukha lang pala siyang foreigner dahil maputi at may kulay ang buhok, pero straight naman kung mag-tagalog. “Bakit ako nakaposas?” hindi nakapagpigil na tanong ko. “Baka sunugin mo rin itong bahay ni boss,” naka-ngising sagot ng kaharap ko. Napatingin ako sa kanya. Mukhang hindi naman siya threat sa akin. Iba rin ang awra niya, hindi katulad sa mga taong nakita ko sa casa. “Nasaan ako?” malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko. Nginisihan ako ng kausap ko, pero hindi niya sinagot ang tanong ko. “Ang dami mo namang tanong. Hindi pa nga kita natatanong, nakakarami ka na.” Saglit akong tumahimik at huminga muna ng malalim. Marami kasi akong tanong tungkol sa nangyari sa casa at kung nasaan na ako at ano ang nangyari sa akin matapos kong mawalan ng malay dahil hindi ako makahinga sa loob ng banyo, habang nakalubog ang buong katawan sa jacuzzi. Inalis ng lalaking dumating ang posas sa kamay ko, gano'n rin ang drip na nakakabit sa braso ko at sinabing sumama ako sa kanya. Dahan-dahang bumaba ako sa kama. Mabuti na lang at may suot akong hospital gown at wala na sa katawan ko ang kakarampot na telang tanging suot ko habang nasa loob ako ng casa. Ang akala ko ay nasa loob ako ng isang hospital, pero nagulat ako nang lumabas kami ng silid at nakita kong nasa magarang bahay pala ako dinala ng kung sinong kumuha sa akin sa casa. Nakakalula ang laki at lawak ng bahay. Purong salamin ang paligid at siguradong kung sinuman ang may ari nito ay siguradong ubod ng yaman. Dinala ako ng lalaking kasama ko sa malaking sala. May malaki at mahabang sofa, malawak ang space at napakalinis rin ng buong paligid. “Sit down,” utos sa akin ng kasama ko. Umupo na ako at hindi na nagtanong pa. Nakikiramdam lamang ako sa paligid, habang gumagala ang mga mata at sinusuyod ang buong kabahayan. Tahimik lamang ako sa loob ng ilang minutong lumipas habang nakaupo at naghihintay sa susunod na mangyayari, pero napakaraming tanong ang laman ng isipan ko. “Good morning, boss.” Narinig kong bati ng kasama ko sa isa pang lalaking dumating. Sigurado akong foreigner ang isang ito at hindi peke, katulad ng tauhan niyang may kulay ang blondeng buhok. Kulay blue ang mga mata niya at matangos ang ilong. Napaka-gwapo rin, pero nakakatakot ang awra niya. Bumaba ang mga mata ko sa folder na hawak nito ng ilapag ng lalaking dumating sa center table sa harap ko. Curious talaga ako kung sino sila at bakit ako narito sa malaking bahay na ito at ano ang kailangan nila sa akin. “Sit down, Patrick,” utos nito sa tauhan at pagkatapos ay sumulyap sa akin. Umupo sa pang-isahang sofa ang lalaki at tinitigan ako. “Do you want to live?” Nagulat ako sa tanong niya, kaya maang na nakatingin ako sa kanya at nagtanong. “What do you mean, sir?” "You assassinated Agustin Arnaiz and set fire to his favorite hub, which belonged to his lover. Do you believe you can easily escape their wrath?" kibit-balikat na sagot at tanong sa akin ng kaharap ko. “I didn't kîll him, sir,” pagtatama ko sa sinabi ng kausap ko, pero gumalaw lang ang mga kilay niya at nginisihan ako. “Maybe not, but you are the reason why he is dead now. Do you think they won't track you down? By now, all the members of his syndicate are eager to find you and kill you. Once you've stepped out of this house, consider yourself dead.” Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng lakas dahil sa narinig ko. Alam kong mapanganib ang lugar na pinagdalhan ni Lina sa akin, pero hindi ko naman ginusto ang nangyari. Gusto ko lang namang maghanap ng extra income, para kahit paano ay makapag-ipon ako at makasama ko na ang anak ko. Ayaw ko rin naman ng gulo, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin na-absorb ng isip ko ang mga nangyari sa akin sa casa. Nag-angat ako ng mukha at lakas loob na tumingin sa lalaking kausap ko. “Paano po ako napunta dito, sir?” “The news about the death of Agustin Arnaiz spread like wildfire in our underground society. Everyone is curious about how he died brutally, lalo na at nalaman namin na nasunog rin ang kanyang katawan,” paliwanag ng lalaking kaharap ko. Hanggang ngayon ay hindi ko man lang naitatanong kung ano ang pangalan niya. Hindi rin siya nagpakilala sa akin, kaya wala akong ideya kung sino ka. “Marami ang naghahanap sa iyo at gusto kang makuha, pero mas mabilis ako.” Mayabang na sumandal ang kausap ko sa sofa at tinitigan ako. “Kung hindi kita agad nakuha, siguradong pinahihirapan ka na ngayon ng mga tauhan ng demonyong napatay mo bago ka patayín.” Naguguluhan man ay nagawa ko pa rin na magtanong. “Bakit po ninyo ako iniligtas, sir?” Muling gumalaw ang kilay ng kaharap ko. Tahimik naman ang lalaking katabi ko at nakikinig lang sa usapan namin ng kanyang boss. “That bàstard has been hunted for years. Ang daming naghahanap sa kanya dahil sa kademonyohan na ginagawa niya sa iba't ibang organisasyon, pero mailap at magaling magtago si Agustin. Funny, he died because of you, tapos nasunog pa ang lungga niya kasi sinunog mo,” sagot ng kaharap ko, habang nakatitig ang mga mata sa mukha ko. “You're special, you deserve to live.” Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, lalo na at duda ako sa intensyon sa akin ng lalaking kaharap ko. Bata pa ako, pero sa dami ng pagsubok na pinagdaanan ko sa buhay ay natututo na akong huwag basta magtiwala sa kahit na sino sa paligid ko, dahil iyan ang naging dahilan kaya napahamak ako ng pagkatiwalaan ko si Lina. “Bakit po ninyo ako niligtas?” seryoso ang ekspresyon na tanong ko. “Sabihin na natin na meron kang unique ability, sayang naman kung mamamatay ka lang,” mabilis na sagot ng kaharap ko. “Wala akong ginawang masama sa kanila. I was forcéd to burn the casa, para iligtas ang sarili ko, kasi kinulong nila ako doon at gustong ibenta sa iba't ibang lalaki para pagkakitaan nila.” Biglang nanlabo ang paningin ko dahil namuo ang luha sa mga mata ko ng bumalik sa alaala ko ang nangyari. Saglit na tumigil ako sa pagsasalita at mabilis na kumurap, para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa pisngi ko. “Sabihin na nating hindi nga ikaw ang pumatay kay Agustin, pero sa tingin mo ba, babalik sa dati ang buhay mo pagkatapos ng nangyari?” tanong sa akin ng lalaking kaharap ko. “Well, you are lucky enough that I'm fast. Nakuha agad kita sa loob ng ospital kung saan ka dinala ng mga bombero at hindi ako naunahan ng mga tauhan ng sindikato. Kung wala ka ngayon sa poder ko, expect that you are already dead by now.” Bawat salitang binitiwan ng lalaking kaharap ko ay nagdudulot ng takot sa puso ko. Alam kong hindi siya nagsisinungaling, dahil nakita mismo ng mga mata ko kung gaano kalupit ang mga tao sa casa. “Here, look at these photos." Inabot sa akin ng lalaking kausap ko ang folder na dala niya. Agad na kinuha ko ito at binuklat. Muntik pa akong maduwal dahil sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang naging outcome ng sunog na ginawa ko. First page pa lang, nangilabot na ako. Mas grabe pa ang nakita ko sa mga sumunod na larawan. Talagang sunog na sunog ang ibang katawan. Hindi na sila makilala dahil talagang nasunog sila. “You don't have any training yet, but you have burned the whole prostitution hub. Fully secured ang buong lugar, with lots of CCTV all over the house, pero walang kahirap-hirap na nagawa mong sunugin,” paliwanag ng kaharap ko. “Yung mga babaeng kasama ko po sa casa, nasaan po sila? May nakaligtas po ba sa kanila?” kinakabahan na tanong ko. “Marami sa mga nasa loob ang hindi nakalabas. Walang exit point ang bahay, dahil heavily guarded ito at napapaligiran ng metal at bakal. Marami ang na trapped sa loob. Let's say na almost eighty percent of them are dead, kasama ang ilan sa important key person ng sindikato ni Agustin. With that, hindi ka lang mainit sa mga mata nila ngayon. You are the prize of their revenge that they are looking for.” Nanlumo ako sa mga narinig ko. Ibig sabihin lamang nito ay nadamay sa sunog maging ang mga babaeng kasama ko sa silid kung saan ako dinala ni Lina. Hindi ko napigilan ang mga luhang kusang pumatak sa pisngi ko. Hindi ko sila naisip habang ginagawa ko ang iyon. Naging selfish ako at alam kong hindi nila deserve ang masunog, kasama ng mga demonyong kasapi ng sindikato. “How old are you?” tanong sa akin ng lalaking kaharap ko. “Magtu-twenty po,” mahapdi ang lalamunan na sagot ko. “So young and brave.” Narinig kong sabi nito. “You deserve to live. That was your prize for being brave. Kaya kitang bigyan ng full protection, dahil naging matapang ka at nagawa mong lumaban para makalabas ng buhay sa impiernong lugar na iyon, Jennie.” Maang na napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, gayong bago lang naman ako sa casa at walang nakakakilala sa akin doon maliban kay Lina. “Sino po kayo?” hindi nakatiis na tanong ko. “I'm Alexander,” pakilala ng kaharap ko sa sarili. “And I believe you belong to my organization. Malaki ang potential mo, kapag na trained ka ng husto. You're smart…” Tumigil siya sa pagsasalita at tinitigan ako. “Beautiful and brave enough to kill for survival, and that is what I'm looking for.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD