JENNIE Sa lahat ng trabahong binigay ni Boss Alexander sa akin ay ngayon lang ako kinabahan ng husto. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lyndon Montenegro sa oras na magkaharap kami, dahil alam ko sa sarili ko na hindi magiging madali ang lahat para sa akin. Paulit-ulit na binasa ko ang profile niya at nagbabakasakali na hindi siya ang taong laman ng email na natanggap ko, pero talagang hindi ako dinadaya ng paningin ko, dahil siya nga ang lalaking kailangan kong ilayo sa asawa ni Boss Alexander. Ilang ulit akong napabuga ng hangin mula sa baga, habang nakatitig sa mukha ng lalaking nakunan na nakaupo at nakasandal sa isang mamahalin na sofa. Hanggang ngayon ay hindi mawala ang kaba sa dibdib ko sa tuwing iisipin kong lalapit ako sa kanya at maghaharap kaming da