"Hi, Brent!" Napalingon ako sa babaeng Italyana na nasa gilid. Tinawag kasi siya. Kaibigan niya ba? Tumaas pa ang kilay ko. "In for tonight? Stacy is back in town." "I will be in. We'll see you all, tonight" senyas at kindat niya. Umiwas na ako nang titig at patuloy na naglakad na. "What a job ai?" Rinig kong tawa nang babae sa kanya. "It's nothing. See yah," si Brent sa kanya. Mas binilisan ko na ang hakbang at ramdam ko lang din na nakasunod siya. Nahinto ako nang makita ang tindahan ng bigasan, patatas at iba pa. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Okay, heto na naman ako. Umaandar na naman ang pagiging bully ko. "Hi, two bags of rice please and five kilos of potatoes," ngiti ko sa tindera. Nilingon ko si Brent na ngayon ay nasa likod ko na. Napako ulit ang tingin ko sa bitbit n