"Kaya pa. Para sa'yo kakayanin ko," sabay kidnat niya. -Brent- . Nakataas ang dalawang paa ko sa maliit lamesa habang kumakain ng cake at nakaharap sa TV. Ang sarap nga naman ng buhay ko, pero ang sakit ng binti ko ngayon. Ang tamis at sarap ng cake ang nagpakalma sa akin at nakalimutan ko ang sakit nito. Tinitigan ko ang cake sa harap at tatlong slice na ang naubos ko nito. Ginawa ko itong hapunan! Binaba kong muli ang paa para kumuha ng inomin sa refrigerator. Malamig na tubig lang din naman ang meron dito. Ayaw ko na kasing mag soda at wala rin namang ibang laman ang ref, maliban sa tubig at cake. I'm happy anyway, because my tummy is full and that's all it matters. Noon hindi ako kontento sa ganito at panay ang order ko ng food delivery sa condo. I don't cook, never does! Si Mo