"I didn't noticed that Brent Gaston Moretti is your boyfriend, Sunny," ngiti ni Shami sa akin. Kumunot agad ang noo ko habang ginagawa ang kape na order ng tatlong customer. Gusto ko sanang sumagot pero nagbikit balikat na lang ako. Ayaw ko kasing mawala ang isip ko sa ginagawa ko ngayon. I can't multi-task as of the moment, because I get distracted easily. "Hindi ko siya napansin, kasi nga naman naka sunshade siya. But yesterday? Oh my goodness! Si Brent nga siya." Nilapag ko na sa tray ang natapos na order at kinuha naman agad ni Nido ito. "He's not my boyfriend, Shami. Dito ko lang din naman siya nakilala, at parang praning na nakabuntot sa akin palagi." "Oh, talaga? Akala ko kasi boyfriend mo siya," gumuhit ang pagkabigla sa mga mata niya. "No, no." Iling ko habang pinagmamasdan