Hanggang ngayon, napapangiti parin ako sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kanina, kinikilig ako hindi dahil sa nahawakan ko yung espada ni panday.. Uhmm, well medyo pala dahil dun, hehehe
kinikilig ako dahil sinabi niyang maganda ako kahit alam ko na yun.
Hihihi. nakakataba ng Puso pag may ibang nakaka appreciate ng ganda ko.
patingin tingin lang ako sa may park nung may napansin akong dalawang batang nakaupo sa may swing. Umiiyak yung batang babae kaya umalis yung batang lalaki at pumitas ng santan dun sa may plantbox.
Binigay niya sa batang babae yung santan saka niya pinunasan yung mga luha nun. Nakangiti naman yung batang babae saka niya hinalikan sa pisngi yung lalaki.
Ang cute nila tignan! Kinuha ko yung iphone ko saka ko sila kinuhanan ng stolen shot.
Inupload ko yun sa fatebook ko. Nag browse na din ng mga notifications saka mga dati kong wallpost. Nakita ko tuloy yung mga notifications ko sa w*****d. ilang taon ko na bang hindi nabubuksan yun? eight years..
Sinubukan kong buksan yung account ko kung active pa and voila! Active pa siya. Hindi na nga lang updated. Pano ko naman hindi makakalimutan ang password nito kung lahat ng account pati atm ko pangalan niya ang password? Tsss.
Nakita ko yung THAT SUMMER na story namin. Tina tap ko yung table gamit yung mga daliri ko habang pinag iisipan ko kung mag uupdate ba ako oh hindi.
wag nalang siguro..tinatamad ako eh,
After thirty minutes...
'it's been eight years since i last saw you. Eight effin years. Sinubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo. Nagtagumpay naman ako eh, Akala ko okay na ako. Okay na okay na ako eh. Akala ko lang pala yun.
Ayos din eh. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng balita tungkol sayo pero yung balita pang yun yung dumurog sa internal organs ko. Ako?! Wedding planner ng pusang galang kasal mo? Nakakagago lang diba?
Gusto kong isiping tadhana yung naglalapit sating dalawa pero hindi eh,
si Lola Aura yung may kasalanan ng lahat.
Nakalimutan na ba niya kung ilang baldeng luha at ilang beses akong na dehydrate ng dahil sayo tapos ganito? Fvck!
Sinubukan kong umarte ng normal sa harapan mo. Good knows how much i do, pero kahit gano katagal kong prinaktis lahat para sa araw na ito, isang salita lang na galing sayo, gumuho yung pader na ginawa ko. Yung sinabi kong hinding hindi na ako magpapa apekto sayo, kinain ko.
gusto kong sabihing walang nagbago sayo pero kahit nga yung sarili ko hindi ko ma convince na walang nagbago kase SOBRANG LAKI ng pinagbago mo.
dati na namang malaki yung mga braso mo dahil batak sa trabahong bukid, pero parang mas lumaki ngayon?
dati ka na namang may abs, six pack pa nga eh, pero bakit parang mas naging nakakaakit sa paningin ko?
dati ka na namang moreno pero bakit parang mas bumagay sayo?
dati na namang nangungusap yung mga mata mo pero bakit parang mas ang dami daming gustong sabihin ng mga mata mo?
isa lang naman ata yung hindi nagbago eh.. YUNG NARARAMDAMAN KO!
ayaw pang makisama ng pagkakataon sa kin.
Stupid dress, stupid heels, pinahamak ako.
Stupid Pam for letting me wear that stupid dress and shoes!
Stupid me for being.. for being.. Ahh basta!
And stupid feelings for letting my guard down! Tama nga yung sabi sa kanta.
"How can i move on when i'm still inlove with you?"
ang unfair noh? Ikaw okay na okay na, samantalang ako, naka stuck pa rin sa mundong ikaw at ako lang ang laman.
Sa mundong ginawa ko kung saan ihiniwalay ko yung sakit. Yung puro masasayang alaala lang.
Hindi pala talaga kita nakalimutan.. Itinago lang kita sa pinaka dulong parte ng puso ko.
At ngayong nakita na ulit kita, Kahit napatungan na ng ilang libong alaala yung puso ko, kusa nalang nahatak palabas yung mga nararamdaman ko sayo. Nabuhay lahat. Ilang beses pa ba tayong kailangan magsama at magkita ulit?
Baka hindi ko na kase kayang itago yung nararamdaman ko eh, at alam kong bawal na yung nararamdaman ko kaya please lang.. Wag mo akong bigyan ng dahilan para ilayo ka sa babaeng pakakasalan mo.'
tinap ko ulit yung table bago ko inupload yung update na ginawa ko. Ilang minuto lang may nag comment agad.
Prinsesamoko: naks teh! Sabi ko na nga ba muling ibalik ang tamis ng pag ibig ang paborito mong kanta ngayon eh.
si Pam yun! aba't ginagamit nya pa pala yung account niya.
Rhean062810: manahimik ka nga. Pano mo nalamang nag update ako?
Prinsesamoko: sss notif duh?! So anyare? Kwento dali..
Rhean062810: kelangan dito yan pag usapan?
Prinsesamoko: naman! gusto mo? okay lang.. game ka? hihihi
rhean062810: ayaw ko. ano ka? chickz?
prinsesamoko: joke lang.. asan ka ba? Uwi ka na para kwento na.
Rhean062810: sa lugar na walang istorbong PAMELA ang pangalan!
prinsesamoko: OUCH HA! kakatok pag may time.. nakakasakit ha.
rhean062810: hahaha! uwi din ako maya maya. palipas lang.
nag log out na din ako pagkatapos nun. tumingin tingin ulit sa paligid. sayang hindi ko dala yung SLR, ang dami pa naman sanang pwedeng kunan ng litrato. hilig namin ni Pam ang photography. stress reliever ko yun, siya naman hobby at trabaho niya yun, impluwensya siguro ng boyfriend niya.
masyado akong engrossed sa paligid na hindi ko na namalayang may nagpatong na ng jacket sa balikat ko. napaharap ako at nakita ko siya..
"ganyan ka na ba talaga kawalang pakealam sa paligid mo o gusto mo lang makakuha ng atensyon ng madami?" sabi niya.
'te-teka.. ANO DAW?! AKO GUSTONG MAKAKUHA NG MADAMING ATENSYON?!!!"
"H-HOY!!! EXCUSE M---"
"lumingon ka sa paligid mo." malumanay niyang sabi sabay upo sa tabi ko. ako naman si Engot sinunod yung sinabi niya.
0___0
'eh?! may artista ba? asan asan?! bat ang daming tao? di ko napansin kanina yung mga yun ah.'
ang daming taong nakatingin sakin. eh bakit? maganda ako eh. hahaha
"walang artista sa paligid. they are looking at you, silly!" natatawa pang sabi niya. tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin.
'mind reader ba itong kupal na 'to? bat sinasagot niya yung tanong ko sa utak ko?
"hindi ako mind reader."
"weh?! kung hindi ka mind reader bakit sinasagot mo yung mga tanong sa utak ko?"
"masyado kasing obvious sa itsura mo eh. hindi ko akalaing hanggang ngayon, kaya pa rin kitang basahin."
natahimik naman ako. umiwas ako ng tingin sa kanya dahil umiinit yung mukha ko.
"what are you doing here?" tanong ko para maiba naman yung topic
"checking on you? baka ma r**e ka dito.. hindi mo na kabisado itong lugar na ito.. ganyan pa yung suot mo." tinignan niya ako mula ulo hanggang dibdib. napansin kong napalunok siya ng konti saka nag iwas ng tingin. oh! the governor is blushing huh?!
"anong masama sa suot ko?!" pinalandi ko pa yung boses ko. hahaha namiss ko itong game na to, landian game. kung sinong matatalo magiging slave ng nanalo for one day.
tumikhim naman siya bago ulit nagsalita. "ganyan ba mga usong damit sa maynila? masyado namang showy. tsk!"
showy na ba ito? mas matindi pa nga yung mga ibang kakilala ko eh.
"Si Pam ang nagpasuot sakin nito eh."
this time tumingin na siya sakin. "ehem.. wag mo na ulit isusuot yan para hindi ka maging agaw atensyon."
ayan na naman tayo sa agaw atensyon na yaan eh. "ano bang pakialam mo? parang sinasabi mo naman na papansin akong tao. FYI lang ha! hindi ko kailangang magpapansin dahil kapansin pansin naman talaga ako! tse!!!"
tumayo na ako saka padabog na kinuha yung gamit ko saka ko ibinato sa kanya yung jacket niya. "sayo na yang jacket mo! salamat nalang pero ayaw kong magkaroon ng utang na loob sayo! bwiset!!" nagmarsta ako palayo sa kanya nung bigla niyang hiniklat yung braso ko. hiniklat talaga eh? hahaha..
"ano ba! bitiwan mo nga ako!"
"saan ka pupunta ha?!"
dahil hindi ako marunong magtaas ng kilay, tinignan ko nalang siya ng masama. "wala kang pakialam! manlalalaki ako kung gusto ko. maghahanap ako ng ibang atensyon!" nagulat naman siya sa sinabi ko kaya natulala siya. sinamantala ko naman yun para makawala sa kanya saka nanakbo palayo.
'bwiset talaga si Arlan. urgh! isang malaking EPAL!!! nakakainis kanina pinupuri puri niya ako. may magayon- magayon pa siyang nalalaman tapos ngayon sasabihin niyang maghahanap ako ng atensyon? watdapak diba?!'
napilitan tuloy akong umuwi ng maaga. buti nalang wala si Pam, sumama daw kay lola Aura sa taniman. anihan ngayon ng mangga eh. makakapagpahinga ako ng maayos.
pero nakakabwisit talaga yung Arlan na yun. akala mo kung sino na! aahh!! bwiset!!!