"kamusta ka na Rhoanne?" tanong niya sakin pagkaupo ko sa bangko na katapat ng table niya. hindi niya pa ako pinapaupo pero naupo na ako. Kailangan kong maupo dahil nangangatog ang tuhod ko. Idagdag pang i'm wearing a stilletos. His mere presence makes me feel dizzy.
"It's Ms. Sandoval for you, Mr. Cervantes. I'm good, thank you." sobra sobrang effort ang kinailangan ko para lang hindi ako mag stammer.
"Masyado ka namang pormal Rhoanne, para namang wala tayong pinagsamahan." sabi niya ng nakangisi. Isang bagay na gustong gusto ko sa kanya, yung pagngisi niya. Yung tipong naka ngisi lang siya pero alam mong may iniisip siyang kakaiba.
"Hindi naman kase ako nagpunta dito para makipagkwentuhan lang sayo Mr. Cervantes, SIR. Andito po ako para pag usapan yung tungkol sa WEDDING nyo ni Ms. Darlyn." huhuhu ang bitter ko pakinggan."
Kalma Rhoanne, inhale. exhale. inhale. exhale
Kumunot bigla yung noo niya saka nawala yung pag ngisi niya.
"Is that so?" tumaas yung kilay nya. Nakaka intimidate siya na tumingin.
"y-yes." bumuntong hininga muna ako bago ko kinuha sa bag yung notebook.
"S-so, anong motiff yung gusto niyo?" sabi ko habang nakayuko. hindi ko matagalan yung titig niya.
"i don't know, what do you like?"
"HUH?!?" napaangat ako ng ulo sa sinabi niya.
"I mean, you're the wedding planner, anung maisa suggest mo?" humalukipkip siya saka sumandal sa swivel chair niya.
Hindi ko alam pero parang my kumurot sa dibdib ko dun sa sinabi niya. Parang ngayon lang talaga nag si sink in sakin na ikakasal na talaga siya.
"Dapat kayong dalawa ni Darlyn ang mag usap tungkol diyan.. pero i suggest na green or gold yun motiff." dahil green ang favorite color ni Arlan. Shet! Hanggang ngayon alam ko pa.
Bahagyang lumaki yung mga mata niya pagkabanggit ko nung kulay green. Nag lean forward siya sa table ng nakapa nga lumbaba saka siya ngumisi.
"Tell me, Miss Sandoval.. Why green?"
'shoot! Stupid Rhoanne! Hindi agad nag iisip!! Argh! Think fast!!
"A-ah, e-ehh.. A-ano k-kase sir.. Uhmm c-color of m-money kase yung g-green k-kaya yun naisip ko." bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "saka malamig sa mata yung g-green. Suggestion ko lang naman po yun. It's still up to you and Ms. Darlyn." good hindi na ko masyadong nagstammer.
Bumalik na naman sa pagiging seryoso at intimidating nung aura niya kaya napayuko ako. Goodness! Ano bang problema mo Rhoanne?? Stand proud!
"Mukhang maganda ngang motiff yung green but still it's not my decision alone to make. So, ano pa bang pwede nating mapag usapan ngayon?"
nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. USAP?? USAP ANG GUSTO NIYA??? MAY DAPAT PA BA KAMING PAG USAPAN PAGKATAPOS NG LAHAT?!HAHAHAH ANG O.A KO LANG
"Pag uusap natin? May dapat pa ba tayong pag usapan pagkatapos ng mga nangyari noon?"
nangunot na naman yung noo niya sa sinabi ko saka bahagyang natawa. May nakakatawa ba dun sa sinabi ko? Shet lang ha!
"No, i mean.. About the wedding, may iba pa ba tayong pwedeng pag usapan bukod sa motiff ng kasal?"
"Ahh, heheheh s-sorry."
hashtag #medyo pahiya.
'ano bang iniisip mo Rhoanne? Kumalma ka nga!' tinuktok ko yung ulo ko para medyo malinawan yung utak ko.
"Uhmmm.."
*RING RING
Nagring yung phone ko. Tinignan ko muna kung sino yung tumawag bago ko sinagot.
"Excuse me sir, i have to take this call."
"Go on, take your time." lumayo lang ako ng konti sa kanya.
"hello?"
/Rhoanneeee! Kamusta na?! Ano nang nangyari? May nangyari na ba?!/
"Pwedeng kumalma ka muna? At saka pwedemg mamaya ka na mang istorbo kase may trabaho ako?"
/ayy ang damot! Basta mamaya kwento ka ha. Sige na. Bye ate. Ayiiieeeh muling ibalik ang tamis ng pag ibig/
"oh shut up, will you?"
/hmp! Sungit! Love you Rhoanne. Mwuah mwuah!/
"i love you too. Tsup tsup."
in-end ko na yung tawag saka ako lumingon kay Arlan na mukha ng biyernes santo ang mukha sa pagkasimangot. Nakatingin siya sa nakabukas kong bag.
"what are those?" tinuro nya yung bag ko. Sinilip ko muna kung ano yung tinuturo niya.
"Uhmm.. Tape measure?"
Tanga naman.. tape measure lang di pa alam. tsk!
"Alam ko, bakit ka may ganyan sa bag?"
Bat nga ba may ganun ako sa bag?
"Ah, kase gamit ko yan kaya nasa bag ko?" bat ba feeling ko ang stupid ko ngayong araw na to?
Tinignan nya ulit ako. Tinatanya siguro kung nagsasabi ako ng totoo. Eh haller? Ano naman kayang gagawin ko sa tape measure diba? Alangan gamitin ko yun pambigti sa kanya?
"Susukatan mo ba ako?"
"Huh??"
"Sabi ko susukatan mo ba ako kaya ka may tape measure?"
"Ahh.. Hehehe depende kung ako yung gagawa nung mga gowns and barongs for the wedding."
"Miss Sandoval, why do you always say ahhh and uhmm... Wala pa naman akong ginagawa sayo?" naka ngisi na naman siya. Sus miyo! Ang lagkit makatingin!
"Uhmm...." hahaha yan na naman, sorry naman, kusang lumalabas sa bibig ko eh.
"There you go again." psh! Naka ngisi na naman. "Anyway, kung wala naman tayong pwedeng mapag usapan tungkol sa wedding, bakit hindi mo nalang muna ako sukatan para in case ikaw yung gagawa nung barong ko, may reference ka na."
bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Seryoso? As is lalapit ako sa kanya, magdidikit yung mga balat namin?! chest to chest, nose to nose?! Isipin ko pa nga lang parang nahihirapan na akong i picture out eh. Pano pa kaya kung on the spot na?
"What do you think Miss Sandoval? Sayang ang oras ko."
nanginginig akong kinuha yung tape measure at notebook ko. Tumayo naman siya sa upuan niya kaya lumapit ako.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, nanginginig ang mga kamay ko habang maglalakad ako palapit sa kanya.
Natataranta ako sa paglalagay ng thumb ko sa dulo ng balikat niya. Nanginginig kase ako tuwing naaaninag ko sa polo shirt niyang kulay white yung abs niya eh.
Akala ko makakatakas na ako sa panginginig ngayong nasa likod nya na ako. But damn I was wrong. Kahit yung muscles niya sa likod, nakakapanginig. My gulay!
Pagewang gewang na yung sulat kamay ko sa notebook. Yung batok naman ngayon hanggang lower back yung kinuha ko.
"Masyado ka namang stiff Ms. Sandoval."
Oo nga, masyado kang stiff Rhoanne, kalma kalma din pag may time aneh?
"Humarap ka, Mr. Cervantes." dahan dahan siyang humarap sakin, yung eye contact namin hindi natanggal. Ayokong matanggal. Pinagpapawisan na ako ng mainit kahit naka aircon yung office niya. Pinunasan ko muna yung noo kong tagaktak na ng pawis. woooohhhh! Kaya ko to!
Tinapos ko yung mga kukunin sa upper extrimities niya, yung sa kilikili, sa wrist, sa braso, sa leeg hanggang sa lower abdominal muscles.
Hindi ko maiwasang hindi makapa yung abs niya na medyo visible sa damit niya. Nakakaakit. Naaakit akong tignan. Iniisip ko kung gano kasarap sa pakiramdam kung lumapat yung abs niya sa katawan ko. Napapikit ako ng wala sa oras.
Lumuhod ako sa harap niya para sukatan naman ang pants niya. Yung pakiramdam na nakatingin siya sa dibdib kong sumisilip sa damit ko pero hindi ko magawang mag angat ng tingin dahil natatakot akong tama yung hinala ko? Binalewala ko nalang.
Una kong kinuha yung sa hips niya. Tapos sa tuhod, yung malapit sa paa,at nung makarating ako sa belly button niya, nanginig pa lalo ang kamay ko. Marahan kong ibinaon yung thumb ko sa gitna ng v-line niya.
Bumibilis ang pintig ng puso ko, nagiging abnormal ang paghinga ko. Gusto ko sanang tignan kung anong reaksyon niya pero baka mahimatay ako.
Dahan dahan kong ipinasok sa gitna ng mga hita niya yung tape measure.
"Hindi ka pa din nagbabago. Magayon padin." napa angat ako ng tingin para lang mapatunayan nakatitig siya sa cleavage ko. Nalaglag yung panga ko sa lantarang pangma manyak niya sakin at kasabay ng paglaglag ng panga ko, nalaglag din yung kamay ko!
AS IN DUMULAS PABABA SA... PABABA SA ANO NIYA?! YUNG ANO NIYA! OH MY GOOOODDD!
Nagulat ako sa mga nangyayari kaya muntik na din akong matumba patalikod. Napapikit nalang ako at naghihintay nalang na bumagsak ako pero hindi yun nangyari dahil may nakapitan ako. Dahan dahan akong nagmulat ng mata only to find out na yung nakapitan ko pa ay yung bagay na dahilan ng pagkagulat ko! nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya pero siya naman ay nakatingala na.
"Gov. Reremind ko lang po yung----" hindi na naituloy nung secretary nya yung dapat na sasabihin niya. Nabitiwan niya nalang yung folder na hawak niya saka tumalikod. "Oh my god! S-sorry po!"
Agad agad niyang pinulot yung folder na nalaglag. Lalong nanlaki yung mata niya nung nakita niya akong tumayo galing sa harapan ni Arlan.
Natatakpan kase ako nung table kase nga diba ako yung lumapit kay Arlan, kaya yung expression lang nya yung nakita nung secretary niya.
Kunsabagay, kung naka expose ako nun edi mas lalong mag iisip ng masama yung secretary niya dahil nakahawak ako sa Judas belt ni Arlan.
Nakatulala lang ako hanggang sa makalabas sa opisina yung secretarya niya. Natauhan lang ako nung kumalabog yung pinto. Niligpit ko na agad lahat ng gamit ko saka ako nagmamadaling lumabas din ng kabisera. Wala na akong pakialam sa tingin sakin ng mga nandito pero gusto ko ng makaalis agad.
Buti nalang sa malapit lang nakaparada si manong.
"Manong alis na ho tayo." sumakay na ako agad sa kotse. Nagtataka man sa kinikilos ko, sumunod din naman agad siya sakin.
"sa bahay na ba tayo, Rhoanne?" tanong ni manong habang nagda drive.
Ayoko pa munang umuwi.. Nawiwindang pa ako sa mga pangyayari.
"ayoko pa manong.." bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala ako nakakain sa bahay sa sobrang pagmamadali. "manong kumain na po ba kayo? Mag drive thru muna ho tayo kung may madadaanan tayo." baka kase pareho kami ng mararamdaman ni manong eh.
Nag drive thru nga kame sa mcdo. Mcspicy burger, shake shake fries saka coke float lang ang sa akin, yung inorder ko para kay manong na hanggang ngayon hindi ko pa alam ay two piece chicken saka tatlong extra rice saka happy meal na din para sa anak niyang bunso.
Nagpahatid ako sa kanya sa park. Dun ko naisipang kumain. Gusto ko ring mag isip ng tahimik. Walang peace of mind sa bahay dahil nandun si Pam.
Kakagat na sana ako sa burger ko nung mapatitig ako sa kamay ko at maalala ko yung mga nangyari kanina.
O__0
OH MY GULAY!! NAHAWAKAN KO NGA PALA YUNG ESPADA NI PANDAY! YUCK!! MAKASALANAN YUNG MGA KAMAY KO! EEEWWWW!!
Kinuha ko agad yung alcohol ko saka ko ibinuhos sa kamay ko. Pero bukod dun sa nangyari kanina, napaisip din ako dun sa huling sinabi niya kanina.
"Hindi ka pa din nagbabago. Magayon padin."
*****
Summer, thirteen years ago.
Naglalakad kame ni Arlan sa may malapit sa dagat. Namumulot ng mga shell, nanghuhuli ng talangka saka nagbabatuhan ng buhangin.
"Lan-lan sa iba naman tayo magpunta.. Nakaka boring na dito eh."
"sige tara, punta tayo sa may tulay." magkahawak kamay kaming bumalik sa bahay nila para magpaalam sa nanay niya.
"Nanay minda~~" pakanta kong tinawag yung pangalan ng nanay ni Arlan. Close kami nun eh. Magiging nanay ko na rin kase siya in the future.
"oh, ang aga nyo yatang nagsawang maglaro?" pinunasan ni nanay minda yung kamay niya bago magpunta samin. Humalik ako sa pisngi niya.
"Nay, punta muna kami ni Ann-Ann sa may tulay."
"Sige sige basta wag kayong magpapagabi ah."
"Opo." sabay naming sabi.
Nakarating kame sa may tulay. Highway yun pero sa ilalim nun may parang maliit na falls na nagdudugtong sa isang mahabang sapa papunta sa dagat. Madamo at mapuno padin yung lugar na yun kahit sementado na yung kalsada.
Tinanggal ko muna yung tsinelas ko bago ako nagmamadaling tumakbo sa may sapa.
"Hoy Ann-Ann wag ka diyan! Malumot yang part na yan ng sapa baka madulas ka!"
"Tara na dito Lan-Lan, ang sarap ng tubig!"
"Umalis ka nga diyan Rhoanne! Lumipat ka ng pwesto!" nakakainis! Para na naman siyang si tatay kung pagbawalan ako.
Pero syempre dahil matigas yung ulo ko, hindi ko siya sinunod. Nagmamadali pa akong tumakbo palayo hanggang sa.....
"AAAAAHHHHHH!"
"ANN-ANN!"
Ayun hindi niya ako naabutan. Bumagsak na ako paupo dun sa may madulas na part.
"Ann-Ann! Ang tigas naman kase ng ulo mo eh! Sinabi ko ng madulas diyan eh."
"Heheheh.. Sinisubukan ko lang naman kung mag aala superman kasa bilis para lang mailigtas si Lois Lane eh. Ouch!" Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng balakang ko.
"Tsk! Hindi kase nag iingat eh! Tara na nga."
akala ko aakayin niya lang ako kaya kayat nagulat ako nung kinarga niya ako ng parang bagong kasal.
"L-Lanlan, i-ibaba m-mo na ako. Nakakahiya eh." ang init init ng pisngi ko. Grabe namang init ngayon.
"Akala ko ba ako si Superman, ikaw si Lois Lane?"
Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik.. At bahagyang kiligin. Oh bakit? Nakakakilig naman kase talag kaya. Feeling ko nagpapractice ka kami para sa kasal namin.
"Arlan, sisay an?" huh? May alien na nagsalita! Hahah joke lang. May nakasalubong kaming lalaki na kaedad din namin. Siguro nagbabakasyon lang din siya kase ngayon ko lang nakita.
"Rhoanne tabe." sabi ni Arlan habang buhat niya pa ako. Kinalabit ko nga.
"Lanlan, baba mo na ako." bulong ko sa kanya. Kase ba naman, ang sama makatingin nung lalaki parang mangangain ng tao.
"Piday mo?" tanung ulit niya.
"Iyo. Magayon?" - Arlan
"Magayon."
Umalis na ulit kami dun pero ayaw niya talaga akong ibaba. Sinubsob ko nalang yung mukha ko sa dibdib niya habang nakasabit sa batok niya yung braso ko. Hmmm kahit amoy araw siya araw araw, hindi ako magsasawang amoy amuyin siya.
Nakakagigil! Kinagat ko nga yung n*****s niya.
"ARAY NAMAN!" kinurot niya yung puwet ko.
"OUCH!" nagtinginan kami ng masama saka kami nagtawanan.
"Lan-Lan, sino yun? Saka ano yung sinabi niya?"
kumunot yung noo niya.
"Bakit crush mo?"
Noo ko naman yung kumunot this time.
"Pag tinanong ang pangalan crush na agad?? Di ba pwedeng curious lang muna kase ngayon lang nakita?"
ibinaba nya muna ako. Ehh gusto ko pang nakakarga sa kanya kaya hindi ko tinanggal yung kamay ko sa batok niya.
"saka, anong ibig sabihin nung pinag uusapan nyo kanina?" namula siya ng konti saka nag iwas ng tingin. Oo kahit negrito yun nakita kong namula siya noh!
"A-ahh, wala.. Lika na hatid na kita sa inyo." sabi nya nalang. Iwas pusoy ang loko.
Gusto ko pa sana siyang kulitin kaya lang baka magalit na kaya tumahimik nalang ako.
Ayaw niyang sabihin sakin kung ano yung pinag usapan nila ha.. Ire research ko na lang! Wahaha
Pagdating ko sa bahay, binuksan ko kagad yung desktop sa office ni Lola Aura saka ko si nearch sa google yung mga words na naaalala ko sa pinag usapan nila gaya ng piday at magayon.
"OH-MY-GOD!!" napatakip nalang ako sa bibig ko sabay nagtatalon ako. Kinusot ko yung mga mata ko. "Totoo ba to?! Oh my god! Oh my god! AAAAHHHHHHHH!"
Para akong tangang tili ng tili. Buti nalang walang sumugod sakin dito sa office kundi baka napagalitan na ako.
Alam nyo ba naman kase kung anong result nung sinearch ko?
PIDAY - boyfriend/girlfriend
MAGAYON - beautiful
Anak ka ni Nanay Minda ohh.. Ang landi mo Arlan.. Sabi ko sa sarili ko ng nakabungisngis.
Oha! Girlfriend nya na daw ako. Mwahahahah *evil laugh*