chapter 6 - Hans Christian Pag ibig & Darlyn Canaria
***********
Summer, thirteen years ago
Ang boring!!! wala si Arlan, kasama ng tatay niya sa anihan.. Sila Nanay at Tatay andun din kasama si Lola Aura. Si Tito Dante nasa kabisera. si Pam kasama yung mga ka age niya dito, naglalaro din ata.
Kaya ako, mag isa.. Dala dala ko yung sketch pad ko nung nagpunta ako sa may tulay. umupo ako dun sa may d**o saka nagsimulang mag drawing. malapit ko ng matapos yung ginagawa ko nung may magsalita sa tabi ko.
"Wow! Ang ganda naman nyan."
Napalingon ako sa kanya. Yun yung kausap na alien ni Arlan kahapon eh.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya pero hindi ako nakatingin. Pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.
"Bago mo palang dino drawing yung sapa andito na ko eh." tumingin ulit ako sa kanya. Kanina pa siya dito bakit hindi ko man lang naramdaman?
"Ikaw yung piday ni Arlan diba?" Lihim akong napangiti tapos medyo nag pokerface pa ako nung humarap ako sa kanya.
"Piday? Ano yun?" uuyyy painosente.. hahahaha
"Hindi mo alam kung ano yung piday?" Umiling ako.. aba syempre! baka mahalata ako eh.
"Ano bang ibig sabihin nun?"
"Nobyo mo daw siya."
wooohooooh!!! nag running man yung malanding pagkatao ko sa confirmation na yun. ahahahahah kahit hindi mismo nanggaling kay Arlan yung confirmation na yun, okay lang hihihi ganun din naman ang ibig sabihin nun eh.
Ngumiti nalang ako sa kanya saka tinuloy yung dino drawing ko.
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Rhoanne Sandoval, ikaw?" sabi ko saka ko nilahad yung kamay ko para makipag shake hands.
"Hans Christian Love." inabot niya naman yung kamay ko.
"Wow! foreigner ka? wala sa itsura mo ha.."
"Insulto ba yun? hahahaha hindi ako foreigner, yung second husband ng mama ko Love ang apelyido tapos ayun, legally adopted naman niya na ako kaya apelyido niya na yung gamit ko."
"Ahh, so ja-fake ka lang palang foreigner.. Edi Hans Pag ibig nalang itatawag ko sayo para tunog pinoy pa din."
"Ang pangit naman nun! ang baduy kaya!" sabi niyang kakamot kamot ng ulo.
"Aba! choosy ka pa ah.." nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan hanggang sa hindi ko na namalayang medyo madilim na pala. masaya siya kausap eh, nakakaaliw yung taas ng sense of humor niya.
"Nga pala.. sabi ni Arlan taga Bicol daw kayo.. bakit ka nandito? sinong kasama mo?"
"Ako lang mag isa.. Nasa Canada kase sila Mama at Papa.. aayusin pa nila yung papeles ko para makapag migrate na din ako dun. Medyo matatagalan na nga siguro bago ako makasunod sa kanila eh.."
"Huh?! bakit naman? hindi mo ba sila namimiss?"
"namimiss din.. Kaya lang, binigyan mo ako ng rason para mag stay pa ng matagal dito sa pilipinas eh."
See? ang lakas ng sense of humor diba?
"AHAHAHAHAHAHAHA!!!!! ang galing mo talaga magpatawa nuh? HAHAHAHAH grabe! taama na, ang sakit na ng panga ko.. uhmmm, gabi na pala.. sige, uuwi na ako. baka hinahanap na ko samin eh. hahahahaha!!"
tinignan niya ako ng seryoso kaya tumayo na ako.
"uhmm sige, una na ako." pagtayo ko bigla niyang hinila yung braso ko kaya napaupo ulit sa lap niya naman. lumunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa mga mata niya.
"mukha ba akong nagbibiro?" sabi niya pa habang dahan dahang nilalapit yung mukha niya sakin.
"e-ehehe.. o-oo n-naman.. nagbi-bibiro ka lang d-diba? a-alam mo namang piday k-ko si A-arlan tapos ine etching mo a-ako ng ganyan.. lumayo ka nga sakin! ang init eh! woooh!!!!" sabi ko sa kanya saka ko tinulak yung mukha niya palayo sa mukha ko.. ilang inches nalang kase yung pagitan namin eh. nagkakasala tuloy yung mga mata ko.
gwapo naman si Hans eh, mas maputi siya kay Arlan, mas matangkad saka masarap kausap, yun nga lang.. MAS mahal ko si Arlan kaya,talo talo na.
tumayo ako agad saka ako nagmamadaling lumakad palayo.
"Rhoanne!" tinawag niya ako. huminto ako pero hindi ko siya nilingon. "Hindi ako nagbibiro dun sa sinabi ko. okay lang na maging kabit mo ako, okay lang na hindi ako yung piday mo. okay lang na hindi ako yung mahal mo.. basta bigyan mo lang ako ng karapatang mahalin ka. ayos na sakin yun."
naglakad nalang ulit ako na hindi na ulit lumingon sa kanya. totoo kaya yung sinabi niya? pero haller?! kahapon lang kami nagkita, ngayon ko lang siya nakausap tapos sasabihin niya sakin yung mga ganung bagay? eh ano yun?! love at first sight with complications? psh!!! bakit ko ba pag aaksayahan ng panahon isipin yung taong yun? binibiro ka lang nun Rhoanne. wag kang papadala.
"BABY ANN!!!" nabitiwan ko yung kutsara ko saka ako nanakbo papunta sa may pinto nung narinig ko yung boses na yun.
"Ate Darlyn!!!!" sinalubong ko siya ng yakap saka ko siya hinalikan sa magkabilang pisngi. "Ate Darlyn, i miss you!!"
"i miss you too, liit! dalaga ka na ah!!"
"Ehhhh!!!! ikaw nga diyan ang dalaga na eh.. ang sexy mo na oh. Ako chubby pa." naka pout kong sabi. Kinurot niya ako sa pisngi.
"Ikaw talaga.. syempre thirteen pa palang kaya hindi pa masyadong nadede yang katawan mo, pero magbabago din yan.. Magiging kasing sexy na din kita."
Nagliwanag naman yung mukha ko. "Talaga ate? pag naging kasing ganda at sexy mo na ako, mas magugustuhan na ako ni Arlan.."
"Sinong Arlan yan ha? Tita Erin!! si Rhoanne oh, ang bata pa may crush na!" sumbong ni Ate Darlyn kay mama.
"Ate Da.. kahit magsumbong ka pa kay mama, alam na nila yun noh. bleah!:P"
Si Ate Darlyn, nag iisang pinsan ko sa side ni Mama. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon pero para kaming magka edad kung magturingan. Nagbabakasyon lang din siya dito. hiwalay na kase yung mama niya saka si Tito Dante kaya dun siya sa mama niya nakatira. ngayon nalang nga ulit siya nakapunta dito mula nung five years old siya.
"Bukas ipapasyal kita dito. namiss talaga kita Ate Darlyn!!! ligo tayo sa dagat bukas ha? nanay pwede ba yun??!!!"
"Nak, babalik kami sa palayan bukas. alam mo naman anihan ngayon diba?" nag pout naman ako, "Kung gusto niyo talagang maligo sa dagat, sasabihan ko nalang yung tatay ni Arlan na wag na siyang isama para mabantayan kayo."
"YES!!!! THANK YOU NANAY!!!" lumapit ako kay nanay saka siya pinupog ng halik.
"*ehem* ako wala bang kiss?!" saabi naman ni tatay.
"Asus! si tatay naglalambing.. i love you tatay!!" niyakap ko siya saka ko hinalikan sa pisngi. tinignan ko si Pam na busing busy sa pagkain.
"Pst!" lumingon naman siya. "Lika dito.. power hug kita!!" tumayo si Pam saka sumama sa group hug namin. saka ko lang namalayan na nakatingin na pala silang lahat samin..
"Yehey!!!! pupunta kami sa dagat!!!" ako na ang tuwang tuwa. Habang hinahanda ni nanay minda yung mga pagkaing dadalhin namin sa dagat, inayos ko na yung mga gamit ko saka gamit ni Pam. isinama ko na siya kase walang magbabantay sa kanya sa bahay.
"Ready na ba yung mga gagamitin niyo? mauna na kami." Sabi ni nanay.
"Opo nay, hinihintay nalang namin si Arlan."
"o sige, mauna na kami sa inyo ha." kumiss ako kay nanay saka kay tatay pati kay Lola Aura. maya maya lang dumating na din si Arlan kasama si Hans.. teka?! KASAMA SI HANS???
"Ann-Ann! sorry natagalan kami.. kinumbinsi ko pa kase si Hans na sumama eh." nakatingin siya sakin habang nagpapaliwanag. ako naman nakatingin kay Hans ng nakakunot ang noo.
"Baby Ann, hindi pa ba tayo aalis.." sabi ni Ate Darlyn na lumabas galing kusina. "oh.. hello guys," nag wave pa talaga siya kila Arlan. "uhmm, sila ba yung makakasama natin?" tanong niya sakin.
"ahh, Oo Ate Darlyn. sila Arlan saka si Hans. guys, si Ate Darlyn, cousin ko." nag wave lang ulit siya kay Hans, pero pagdating kay Arlan.
0_________0
pusang gala! hinalikan si Arlan sa lips!!! sa harapan ko pa? pigilin niyo ko kahit mahal ko 'tong si ate Darlyn.. masasapak ko to!
"Nice to meet you Arlan, i'm Darlyn.. daddy ko si daddy Dante."
URGH!!! MALAMANG PINSAN NGA KITA DIBA? SI TITO DANTE LANG NAMAN YUNG KAPATID NI NANAY EH!!! WAG MO NGANG LANDIIN SI ARLAN KO!!!
Pero syempre sa utak ko lang yun sinabi.. tinulak at tinadyakan ko pa nga siya sa utak ko eh.
"Baby Rhoanne, tara lets na.."sabi ni ate Darlyn saka hinila si Arlan na nagkakamot ng ulo palayo.
"Ahhh! bwisit!! ANG LANDI LANDI MO!! LAYUAN MO NGA SI ARLAN!!" naghuhurumintado yung malanding pagkatao ko dahil may mas malandi na sa kanya.
"ang sakit noh?"
"huh?!" nasa tabi ko pa pala si Hans, para namang kabute tong lkalaking to. basta na lang nasulpot
"seeing the person you love with someone else. ang sakit diba? halata naman kaseng type ng pinsan mo si Arlan."
"psh! pinsan ko yun. saka ano bang ginagawa mo dito. bat sumama ka pa?!"
"pwede ba?! assuming masyado.. like nga hindi eh, love pa kaya? tse!" iniwan ko nalang siya dun saka o sinundan ng tingin sila ate Darlyn na medyo malayo na. nagtatawanan pa nga sila eh.
"flirt!" sabi ko nalang sa sarili ko. ayokong aminin sa sarili ko. ayokong isipin na may possibility nga na magkagusto si ate Darlyn kay Arlan, pero pano nga kung meron?!