Nice to see you again.. Or not

2901 Words
Chapter 3 - nice to see you again, SIR. Or NOT "Lola Aura!!!" pagdating na pagkadating nung sasakyang sumundo samin sa airport, agad na nanakbo papasok si Pam. I took time to look around, sure dati ng malaki 'tong bahay ni lola pero mas naging maganda yun ngayon. Bagong pintura ang buong bahay, no. Scratch it. Mansyon ang tamang term dito. Kulay cream na yung dating kulay brown na haligi ng mansyon. Nagkaroon na din ng fountain sa may tapat ng grand staircase at napuno na ng mga tanim na rose sa paligid. "Ma'am Rhoanne, pasok na po kayo." tinawag ako nung isang kasama dito sa bahay na hindi ko napansing nakalapit na pala sakin. Nasa edad bente pa lang siguro siya at maaliwalas yung mukha niya. naipasok na din yung iba naming gamit ni Pam. "Ah salamat po. si Lola Aura ho?" Nag umpisa na kaming maglakad. "Nasa sala po, kausap yung kapatid nyo." "Lola Aura, i miss you." niyakap ko siya agad at hinalikan nung nakapasok ako sa mansyon. "Ang ganda ganda talaga ng mga apo ko. Namiss ko din kayo mga apo.. kamusta na kayo? Ang nanay at tatay nyo?" gumanti din ng yakap sakin si Lola. naluluha naman ako nung tinignan ko siya ulit. Close kami ni lola Aura, malandi din kase siya eh. kaya nung mga panahong nahumaling ako kay Arlan, siya pa talaga yung gumagawa ng paraan para makasama ko si Arlan. Kaya naging mahirap din para sakin yung desisyon kong lumayo. Gustong gusto ko man na makita si Lola aura pinipigilan ko nalang yung sarili ko dahil ayoko ng maalala yung sakit. Yung tipong lahat ng lugar na makikita mo dun, magpapaalala sayo ng lahat ng saya at sakit. Magpapaalala sayo ng tungkol sa kanya. "Okay naman po sila Lola Au, medyo busy lang sa negosyo tapos kami ni Pam may trabaho na kaya naging madalang na din po yung pagpunta namin dito." Nung bata pa ako, i always look forward for summer vacation. Yung ibang bata na kaedad ko n0n gusto nila ang summer dahil puro paglalaro at paglalakwatsa ang pwede nilang atupagin, samantalang ako? Gusto ko ang summer dahil sa wakas, after ten months makikita ko na ulit si Arlan. Bata pa lang ako, naiset ko na sa utak ko na siya lang ang gusto ko, na magpapakasal ako sa kanya sa tamang panahon. pero sa tingin ko, hindi na mangyayari yun. "Apo naman, ang nanay at tatay mo pati si Pam dumadalaw pa rin dito kahit paano samantalang ikaw, halos walong taon mo akong tiniis. Hanggang ngayon ba?" Napakagat labi nalang ako. nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa sofa. ayoko sa tono ng pag uusap namin, walong taon na nga yung nakalipas pero ganun padin yung impact. ayoko pa ding pag usapan. ayokong bigla nalang mag burst out yung emosyon ko kaya iniba ko na yung usapan. "ang laki na ng pagbabago ng bahay Lola ah. Pang sosyal na talaga." pilit ang ngiti at sayang pinapakita ko sa kanya. Nakita ko ng mangyayari to pero hindi ko inasahang ganito padin yung impact sakin. "Pero may mga bagay parin na kahit matagal ng wala, hindi pa din nagbabago." makahulugan niyang sabi. Mataman niya akong tinitigan saka siya bahagyang ngumiti. Ngumiti na lang din ako saka ko tinignan si Pam na pababa ng hagdan. ---- **TOKTOK "Miss Rhoanne, handa na po yung dinner." tawag nung kasama ni Lola Aura sa bahay, agad ko namang binuksan yung pinto. "Sige, baba na ako." nginitian ko muna siya bago ko ulit sinara yung pinto. inayos ko yung damit kong nagusot sa pagkakahiga saka ako nagsuklay gamit yung kamay ko. "Ate Rhoanne, tara na!" excited na sabi ni Pam. tatlo lang kami sa mesa at mukhang wala na kaming hinihintay kaya hindi ko napigilang magtanung. "Lola Aura, hindi po ba natin hihintayin si Darlyn at tito Dante?" Ibinaba muna ni Lola Aura yung kubyertos niya saka niya pinagsalikop yung dalawang kamay niya bago nagsalita. "Out of town si Darlyn, Rhoanne.. After three days pa makakabalik. si Dante nasa kabisera pa." 'WHAAATT?!' "Pero lola, anong gagawin dito kung wala naman dito si Darlyn?" "Bakasyon." simpleng sabi ni lola sa pagitan ng pagkain niya. 'oh great! Magtatagal pa ako dito? Ayoko na.. Mababanggag ako.' ipinilig ko nalang yung ulo ko saka pinagpatuloy yung pagkain. "Kung gusto mo naman apo, si Arlan nalang muna ang kausapin mo." *CRAAASSH* "s**t!! Sorry Lola Aura!" dali dali kung pinulot yung nabasag na basong nabitawan ko. Tinignan lang ako ni Pam at pangisi ngisi habang ipinagpapatuloy ang pagkain nya. "Anita, halika muna dito, magdala ka ng walis at dustpan pati bagong baso." Bumalik na ulit ako upuan ko at saka pinaglaruan yung pagkain sa plato ko. "As i was saying apo, si Arlan nalang muna ang kausapin mo hanggat wala pa si Darlyn." parang balewala lang na sabi ng lola ko. Like seriously?! Gusto ni Lola na mag usap kami ni Arlan?! Para namang hindi niya alam yung past namin ni Arlan tapos pagsasamahin nya pa kame? Nakalimutan na ba niya yung nangyari noon or ako nalang talaga yung hindi pa nakakapag move on? "Sa kabisera mo nalang siya puntahan apo. madalang naman yun umuwi dito eh. bukas mo nalang siya puntahan. Magpapaset ako ng meeting sa secretary niya." "A-ahh, Lola Aura, a-alam nya na po ba y-yung tungkol d-dito?" pusang gala bat ako nauutal? "HAHAHAHAHA" Tinignan ko ng masama si Pam kaya deadma na ulit siya at pinagpatuloy yung pagkain niya. "yes. nainform ko na siya bago pa kita tinawagan kahapon." 'shooot!' "A-and?!" gosh! "Pumayag siya. Para daw makauwi ka naman dito." 'hutangena! Gusto nya pa talagang harap harapang ipamukha sakin na ikakasal na siya.. At sa iba pa? HUH!?! Kala niya papaapekto ako?!' Huhuhuh oo apektado padin ako. T.T Tahimik nalang kaming kumain hanggang sa matapos. ------ Sanay akong katabi si Pam matulog kaya kahit pinipilit ni Lola Aura na tig isa kami ng kwarto, hindi ako pumayag. Naglalandian pa kase kami bago matulog kaya ganun. "Ready kana Rhoanne?! OHMYGOD!!! After eight years magfe face to face ulit kayo ng first love, only love, destined love, at summer love mo!! OHMYGOD! Kinikilig ako Rhoanne!" sabi niya pa habang hinahampas hampas ako ng unan. Ewan ko nga ba dito sa kapatid kong to. Kapag na eexcite nawawala yung ate eh. "Pwede ba Pam, nawiwindang na nga ako dito, kung ano ano pang sinasabi mo dyan! Saka nawawala na naman yung 'ate' mo ha!" Tumayo siya saka kinuha sa bag namin yung isang balot ng chocnut. adik kaming dalawa dito kaya may stock kami nun sa apartment. "Dapat magandang maganda ka bukas ATE.." pinagdiinan nya pa talaga yung word na yun. "para makita ni Arlan kung anung pinakawalan niya." "Worth it naman yung ginawa niya dati eh. tignan mo kung nasan na siya ngayon." "Ate naman, papagawan na ba kita ng monumento sa luneta? Oo worth it para sa kanya,, pero para sayo? Ewan ko lang." sinubo niya yung isang buong chocnut bago siya nagsalita ulit. "Hay ate, matulog ka na nga, para freshness ka bukas." "hoy! Fyi Pam lagi akong mukhang fresh noh.!" "Wow naman,. nahiya naman daw ako sayo. Sige ikaw na maganda, nasayo na lahat, butal lang napunta sakin. TSEH! Matulog ka na." "Ikaw ang matulog na. Check ko lang muna yung email ko baka nagreply na yung organizers ng FNF." "Yung para sa summer bridal collection?" "Hmmm.. diba nagpasa ako ng portfolio para makasali dun?" "aAlright. Una na ko mag beauty rest ha. Goodnight ate,, I love you." "I love you too Pam." After five hours: "Urghh! Hindi ako makatulog!" Kanina pa ako pabaling baling sa higaan. Dumapa, tumuwad, tumagilid na ako. Dinaganan at ginawang dantayan ko na si Pam pero wala parin. *BLAAAGGG* "Ate naman can you please just let me slumber in peace?!" inis na sinabi ni Pam nung nalaglag sya sa kama. "Gusto mo ng mag rest in peace? Pam help.. Hindi ako makatulog." Umayos siya ng pagkakaupo saka inabot yung cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. "My god teh! Three a.m na oh! Namamahay ka ba?!" "Ewan ko,. siguro." "wrong answer. Namamahay eh para namang hindi tayo sanay na matulog sa ibang lugar lalo na pag out of town yung event natin. echoserang 'toh!" "Gaga ka talaga! Alam mo naman na pala yun eh. Bat yun pa ang itinanong mo?" "Weh, eh bat yun ang sinagot mo?" "Eh yun yung madaling sagutin eh." "Hay anu ba kaseng iniisip mo? Yung shop?" "Oo." "Sinungaling ka talaga." "Ayy leche! Kanina ka pa ha." "Ayaw mo pa kaseng umamin eh. Ayon ka ng ayon sa mga sinasabi ko kahit alam mo namang mali yung sinasabi ko." "At anu namang gusto mong sabihin ko? Na nabo bother ako dahil magkikita kami ni Arlan?" "kung yun naman ang totoo eh. Oo yun ang gusto kong marinig mula sayo. Ate Rhoanne naman, sakin ka pa ba maglilihim?" Natahimik naman ako saka nagbuntong hininga. "kinakabahan ako Pam." "Bat ka kakabahan, parang may kasalanan ka sa kanya ah. Kung tutuusin nga dapat siya ang kabahan kase siya yung nagloko diba?" "I know.. i just can't help it." "Wag mo na ngang masyadong intindihin yan, may bukas pa. for the mean time, itulog na muna natin yan." "AAAHHHH!!" Humiga na ulit si Pam pero hinatak niya ako kaya sabay kaming napahiga. "Sa pangalawang pagkakataon ate rhoanne, gud mornyt." "Mornight Pam." -------- "Ate Rhoanne, gising na! May appointment ka pa." nagising nalang ako na umaalog yun kama. "uhh Pam, five minutes pa." sabi ko saka hinatak yung kumot ko. "Tumayo ka na ate, may one o'clock meeting ka pa with Arlan~~" pakantang sabi niya pa. Pagkabanggit nya ng pangalan ni Arlan, napabangon ako agad sa hinigan ko. "Anong oras na ba?" "Eleven thirty na madam." "s**t!" tumakbo ako agad sa c.r "BAKIT HINDI MO AKO GINISING?!" sigaw ko habang nasa banyo. "Kanina pa kita ginigising. Like Mga thirty minutes ago na." "Urgh!" Nagmadali na akong maligo pag labas ko ng Cr nakahanda na yung isusuot ko. "OH NOES!! I'M NOT GONNA WEAR THAT.. THAT THiNG!" "Pero Rhoanne, bagay to sayo!" winagway nya yung hawak niyang dress. "THAT'S YOUR DRESS! For christ sake!" "Bagay naman sayo eh. Promise." "Just because bagay sayo does'nt mean bagay na din sakin! That's just so not me." Ibinaba na niya yung dress saka ng pout. Ugh! I hate it! Tumitiklop ako kapag ganyan na siya eh. "Fine! Give me that dress." biglang nagliwanag yung mukha niya nung pumayag ako. Ahh! Remind me not to fall from that scheme ever again. Pumasok na ulit ako sa cr para isuot yung binigay niyang damit. i HATE THIS! Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin. Napabuntong hininga ako. I'm wearing a red halter dress na hapit na hapit tapos thigh length ang haba tapos ang baba pa ng neckline tapos backless pa. 'this is so not me.' Lumabas ako agad ng c.r pagkatapos ko magbihis. Inikutan pa ako ni Pam. "Perfect! Now wear this." binigay niya sakin yung four inch black stilletos niya. "Trabaho ang pupuntahan ko. hindi bar." "I know. were just making a good impression." ngumiti siya ng pagkatamis tamis Inagaw ko sa kanya yung stilletos saka sinuot. "There, happy?!" "Hmmm.. Not yet, come here." pinagpag niya yung upuan sa tapat ng vanity mirror na parang sinasabing maupo ako dun. "Make up na lang tapos gora na." pumapalakpak pa siya. "Mascara and lipstick lang please. Nothing else." sabi ko nalang, i doubt susundin nya. "No way!" see? "Ang laki ng eyebags mo teh. just so you know." Nilapit ko yung mukha ko sa salamin. shoot! Meron nga! Bat di ko masyadong napansin yun? Nilagyan ako ni Pam ng conceiler tapos medyo light make up lang, then TADA~~~~ ako na si Tiffany Hwang. dejokelang! Ako padin yun, prettier version nga lang. May magic yung kamay ni Pam eh, did i mention na make up artist s***h stylist s***h designer sya? Yah talented yang kapatid ko. ako designer s***h wedding planner lang eh. Hihihi! My boutique kameng dalawa RPS COLLECTIONS ang name, kaya minsan pag may kliyente ako, package deal na yun samin. from the wedding gowns hanggang catering pati photo and video coverages. "Ate, sayang ka talaga. Ayaw mo pa kaseng tanggapin yung offer ko eh." "What? Model my own collection? No thanks. I don't wear gown." yap ang weird noh? I design gowns and plan weddings pero i don't wear gowns. Na trauma siguro ako. "Edi sa casual wear na lang." "Thanks but no thanks Pam, i'd rather be in the backstage." tinignan ko yun relo ko. Twelve fifteen pa lang. ang bilis ko nakapag ayos, to think na eleven thirty na ako nagising. Kinuha ko nalang yung bag ko tapos sabay na kami ni Pam bumaba. Naabutan pa namin si Lola Aura sa may terrace kaya nagpaalam muna ako. "Bye Lola Aura.. See you later." kumiss ako sa cheeks niya. Tinignan niya ako from head to foot tapos head ulit ng walang emosyon. masyado atang revealing yung suot ko. "Sabi ko sayo hindi magandang idea to eh." bulong ko kay Pam habang pilit kong hinihila pababa yung dress pero habang ginagawa ko yun, bumababa din yung neckline ko. "Hindi yan. Trust me." nag wink pa siya sakin. "Diba lola, sabi ko sayo it will look good on her." "Tama ka dyan apo, hindi ko nga agad nakilala. si Rhoanne pala itong kaharap ko." nakangiti si lola 'Wait...WHAT?!' "Tinanong ko kase kay Lola kung tingin nya bagay sayo yang dress, sabi niya may doubt pa siya na isusuot mo yan, kaya nagpustahan kami." "At talagang pinagpustahan nyo pa talaga ako ha?! Ay naku! Bahala na nga kayo diyan, una na ako." tinalikuran ko na sila. "Twelve twenty palang.. someone is kinda excited~~~" pakantang sabi ni Pam. 'F.U' "Shut up Pam." nagpapahatid nalang ako kay manong Luis, yung sumundo samin sa airport kahapon tutal hindi ko din naman alam yung way papuntang kabisera saka kapal lang ng apog ko bumiyahe ng ganito ang suot. Pagdating ko sa kabisera ano pa nga bang ieexpect ko? All eyes on me. Kapansin pansin naman kase talaga eh. Dumiretso ako dun sa babae sa information desk. Tinanggal ko muna yung aviators ko bago ako nagsalita. "Uhmm excuse me, is Governor Cervantes here?" 'of course silly! Malamang dito siya nagtatrabaho eh.' tinaasan ako ng kilay kaya tumaas din ang kilay ko. Anung akala niya siya lang ang marunong? Huh?! "Yes ma'am, do you have an appointment?" "yes, one p.m to be exact." tinignan niya yung desktop niya para siguro tignan kung may appointment nga si Arlan ng one p.m "Ms. Sandoval?" "Yap.. That's me." nginisian ko siya ng pagkatamis tamis "Uh ok ma'am, just take your seat for a while. Gov. Cervantes is in the middle of a meeting but i will inform him that you arrived." "Okay, thanks." naupo nalang muna ako sa sofa dahil feeling ko matutumba ako. Nagbasa nalang muna ako ng mga magazine. "Rhoanne?!" inangat ko yung ulo ko para makita yung tumawag sa pangalan ko. "Oh my god! Tito Dante!!" tumayo ako agad para bigyan siya ng halik sa pisngi. "What are you doing here? Kelan ka pa nandito?" "Kahapon pa tito, kasama ko si Pam, dun kami sa bahay nagstay." "Talaga? Kahapon pa pala pero hindi ko alam. Hahahaha masyado na kaseng busy eh. Late na ako nakakauwi. Anyways what are you doing here?" "Meeting with Arl~~ errr Gov. Cervantes pala." "About what?" kumunot ang noo niya. "Wedding prep. Ako kase yung kinuhang planner eh." Si tito Dante ang tatay ni Darlyn. Vice governor siya ng Sta. Catalina. "i see.. Nag lunch ka na ba? Tara sabay na tayo." "Mamaya nalang po siguro tito, one o'clock kase yung meeting ko kay Gov eh." "ganun ba? Sige, kita nalang tayo sa bahay?" "alright, bye tito." nag beso ulit kame saka siya lumabas kasama yung mga bodyguard niya. Maya maya lumapit na sakin yung nagpakilalang secretary ni Arlan. Lumunok muna ako Ng tatlong beses bago ako tumayo at sumunod sa kanya. 'shocks! Eto na yun. Malapit na! Nanginginig yung tuhod ko, may butterfly sa tiyan ko, magandang idea na nilagyan ako ni Pam ng medyo makapal na make up dahil feeling ko namumutla na ako. Naunang pumasok yung secretarya niya bago ako sumunod. "Gov., Ms. Sandoval is here." bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok. Nakaupo siya sa swivel chair pero Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko siya masyadong naaninag. Lumabas nat lahat lahat yung secretary niya pero hindi padin siya lumilingon, mukha na akong tangang nakatayo dito. "EHEEEM" I cleared my throat kunwari para madivert sakin yung atensyon niya. At nagtagumpay naman ako,dahan dahan siyang umikot na para bang magsho shooting siya ng mtv. My jaw dropped nung humarap na siya sakin. Para akong nakaharap sa tanner version ni Channing Tatum. Napahawak ako sa bangko dahil lumambot yung mga tuhod ko. Dahil kinakabahan ako. s**t bat ganito?! Tinitigan niya ako ng matagal na para bang isa akong alien na nasa harapan niya. "Miss Sandoval, nice to see you again." tumayo siya at inilahad yung kamay niya, "Gov. Cervantes, nice too see you, too." or not! Asar tumingin eh. Kinuha yung yung kamay niya at nag shake hands kame pero hinila ko din agad nung bahagya niyang pinisil yung palad ko. Shit! Parang may karera sa dibdib ko. Unang beses kong naramdaman yung ganitong klaseng kaba, walong taon na yung nakakaraan. Akala ko hinding hindi na babalik sa sistema ko to. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD